CHAPTER TWELVE

49.6K 1.8K 85
                                    

                  

"Ano ba?! You're hurting me!"

Ngumisi sa kanya ala-demonyo si Niko bago siya patulak na binitawan. Nawalan siya ng panimbang at paupong bumagsak sa semento. Imbes na tulungan siyang makatayo tiningnan lang siya nito nang may pagkamuhi sa mga mata. Wala na ang malambing at simpatikong Niko na nakilala niya noon. Mukha na itong demonyo.

"That's just a sample of what you'll get from me for getting closer with those monkeys," sabi pa nito sa mahina ngunit puno ng pagbabanta na tinig.

Tumulo ang mga luha ni Vina. Pero kahit takot, nakuha pa rin niya itong sagutin.

"No one can order me what to do!"

"Oh yeah? Is that a dare? You know me, babe. I always love challenges."

"You'll never succeed! I'll make sure you'll never succeed!"

Tumawa nang malakas si Niko na ikinagulat ni Vina. Nang tumingin uli ito sa kanya, pinangilabutan na siya. Namumula sa galit ang mga mata nito. Para na itong asong ulol. Biglang dinaklot ng ibayong takot ang puso ng dalaga. Tatayo na sana siya at kakaripas ng takbo nang marahas siyang itinayo ni Niko. Bumabaon ang mga daliri nito sa kanyang mga braso.

"If you think I'm scared of those monkeys, think again! I won't think twice breaking your neck for making me look like a fool to everybody in the campus," pabulong nitong wika sa tainga niya. Bawat kataga ay may diin.

Hindi na sumagot si Vina. Nilayo na lamang niya ang mukha sa mukha ni Niko at nagdasal na sana'y may mapadaan sa likuran ng library nang hapong iyon.

"I want you at the venue tonight. You have to show your support to me or else, everybody will know your secret in the morning. Capisce (Maliwanag)?

**********

Alam ni Marius na narinig siya ni Vina kung kaya bumilis ang lakad nito. Hahabulin sana niya ang babae pero dumating ang dating tabatsoy. Sinalubong nito si Vina at hinawakan agad ito sa kamay. Tinanaw pa siya ng ungas at ngumisi bago sila magkaakbay na tumungo sa parking lot. Napakuyom ang kanyang mga palad.

Dati-rati, kapag ganoon na ang eksena kusa na lang siyang nagpapaubaya. Pero may naramdaman siyang kakaiba. Kung kaya sinundan niya ang dalawa sa parking lot. Palabas na ang kotse ng ungas nang dumating siya do'n. Binuksan nito ang bintana at binigyan siya ng middle finger bago pinaarangkada ang sasakyan palayo. Hindi na iyon pinansin ni Marius. Dali-dali niyang kinuha ang motor at sinundan ang dalawa.

Makalipas ang sampong minuto, napansin siguro ng hunghang na nakabuntot siya dahil lalo nitong binilisan ang pagmamaneho. Hinayaan niya itong makalayo, pero hindi niya ito nilubayan ng tingin. Pinauna niya ang isang napakalaking truck para mayroon siyang pagkublian. Makaraan ang ilang sandali, nakita niya itong lumiko. Pumasok ang nasabing sasakyan sa isang magarang subdivision. Hinarang kaagad siya ng guwardiya. Hiningan siya ng identification card. Kumunot ang noo nito pagkakita sa kanyang school I.D.

"Kaanu-ano mo si Don Manolo San Diego?" tanong nito sa matigas na tinig.

"Look, I'm in a hurry, okay? What do I have to do to get in?" naiinis niyang sagot. Dumukot siya ng isang libo sa bulsa at inabot sa mama. Tumingin lang ito sa pera, pero ni hindi tuminag. "Kulang ba? Here, dodoblehin ko na."

May lumabas sa loob ng guardhouse. Isa pang security guard. Nagtanong ito kung ano ang problema. Sa mabilisnag salita ay nagpaliwanag naman ang naunang guwardiya.

"Tinatanong ka nang maayos, huwag kang bastos. Kaanu-ano mo nga si Don Manolo?" tanong ng pangalawang guwardiya. Mukhang naiinis na ito.

"Lolo ko," sagot naman ni Marius sa mahina at napipilitang boses.

PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon