CHAPTER SEVEN

52.8K 1.8K 106
                                    

A/N: Dedicated to the first who wrote a comment. :)

***********

Kung mayroong Pink Festival, siyempre mayroon ding Blue Festival. Pauso daw ito ng kaibigang matalik dati ng Papa nila. Si Tyler. Kung ang Pink Festival ay sinasagawa sa buwan ng Mayo, ang Blue F naman ay sa Hunyo. Ang rules ay kagaya rin ng sa mga babae. Pinipili ng research team ng Blue F ang lalaking maghahayag ng damdamin niya sa publiko. Katulad ng bersiyon ng mga babae, siniguro rin daw ng mga tagapamahala na may pagtingin din ang babaeng pagsasabihan ng damdamin ng mapalad na lalaki.

"O, sa'n ka pupunta?" tanong ng kakambal nang lumiko siya sa parking lot.

"Uuwi na siyempre. I'm tired."

"Marius, naman. Ang kill joy mo! Ayaw mo bang panoorin kung sino-sino ang napili ng Blue F? Malay mo naman. Matuwa ka this time," at ngumisi si Markus nang nakakaloko.

Pinaningkitan siya ni Marius ng mga mata.

"Don't tell me na isa ka sa mga pinili nila? Oh, shit! You're one of those lucky bastards!" sarakastiko pang pahayag ni Marius.

"Stop that! Wala rin akong hilig sa mga ganyan. C'mon, just for fun. Manood tayo," at inakbayan na ni Markus ang kapatid. Nang ayaw pa ring sumama, hinila na niya ito papunta sa Blue F house na dalawang building ang layo mula sa College of Business, kung saan sila halos nagkaklase. No'ng una lang umalma ni Marius, pero nang nagtilian na ang mga babae papunta ro'n naintriga na rin siya. Paano kasi narinig niyang isa raw si Niko Santini sa mga napili ng komite ng Blue F.

"This is going to be interesting!" sabi agad ni Markus. Abot-tenga na ang ngiti nang balingan ang kapatid. Si Marius nama'y kinabahan na kaya hindi na siya nakapagsalita.

Pagdating nilang dalawa sa harap ng Blue F House, halos hindi na mahulugan ng karayom ang paligid sa dami ng mga tao na halos eighty percent mga babae. Pasalamat silang dalawa dahil mas matangkad sila sa karamihan kaya kahit nasa bandang likuran sila'y nakikita pa rin nila ang harap.

Pagkakita sa kanila ng mga katabi nilang girls nagtitili ang mga ito. Awtomatikong sinimangutan sila ni Marius samantalang si Markus nama'y napangiti lang at nagtaas pa ng kamay na parang kumakaway sa mga fans nila.

"Ang suplado talaga ni Marius," komento ng isang babae.

"Iyan nga ang appeal niya," pigil ang kilig na sagot naman ng kasama nito.

Siniko siya ni Markus. Natatawa na ito. Nagkunwari namang walang narinig si Marius.

Dahil distracted ang kambal, hindi agad nila nakita si Matias na unang lumabas mula sa pintuan ng Blue F. Saka lang sila napatingin sa makeshift stage nang nagtilian na ang mga babae ng "I love you, too, Matias!"

"Shit! I'm not seeing this!" halos pabulong na wika ni Marius. Napakurap-kurap pa ito. Si Markus din ay nanlaki ang mga mata.

"Si Matias iyon, a!" ang sabi pa ni Markus.

"Hindi ito puwede! He has not even graduated from junior high school yet for crying out loud!" Si Marius uli. Galit na.

Kinalabit siya ni Markus at tinuro sa babaeng dinala ng mga security officers sa gitna ng entablado. Si Fiona! Kapatid ni Marie!

Nang napaluhod si Matias sa harapan ni Fiona sabay bigay ng bouquet of red roses, nagtilian uli ang mga babae. Napayuko naman ang dalaga na tila nahihiya. Pero halata namang kinikilig. No'n na nagpahayag ng damdamin niya si Matias. At do'n mismo sa stage umoo ang dalaga. Pagka-oo nito, tumunog ang parang sirena ng bombero. Kasunod no'n ay nagpaulan ng confetti. Wala nang mas natutuwa pa kaysa sa Blue F research team. Unang attempt kasi nila ay successful na agad.

Nakiraan ang kambal sa kumpol ng mga manonood para makalapit sa isa sa mga security officers. Si Marius na ang nagpaliwanag ng reklamo nilang magkapatid. Mayamaya ay dinala sila nito sa backdoor at doon ay sinalubong sila ng presidente ng Blue F.

"You can't make my brother join this stupidity! He's just 14 years old!"

Medyo namutla nang kaunti ang nerd na presidente ng Blue F. Inayos-ayos muna nito ang eyeglasses bago hinarap ang nagpupuyos ang kalooban na si Marius.

"Actually po, junior high school students are not qualified. However, there's an exception to the rule. Pwede lang silang sumali kung ang apple of the eye nila ay college student. And Fiona is a BS Tourism freshman."

"Kahit na! Matias is too young for this! And Fiona - my God, she's already eighteen!"

Humingi ng paumanhin sa kanila ang presidente. Pumasok muna ito sa loob at nang bumalik ay kasama na niya ang bise-presidente. Walang iba kundi isa sa mga alipores ni Niko. Ngumunguya pa ito ng chewing gum nang harapin sila. Marius was tempted to give him an uppercut nang sa gayo'y malunok nito ang nginunguya. Pero nagtimpi siya. Uulitin na naman sana niya rito ang sinabi sa presidente nang bigla na lang tumunog nang sunud-sunod ang sirena ng bombero. Kasunod no'n may dumagundong na tambol. Halos bumuka na ang lupa sa tindi ng vibration. Ang mga manonood ay halos nagwawala na. Grabe ang tilian ng mga naroroon. Kung kanina ay umulan lang ng confetti, ngayo'y parang bumagyo na. Hindi na natuloy ang reklamo nila tungkol kay Matias. Kaagad silang napabalik sa harapan ng Blue F House.

"Si Vina iyon, a!" naibulalas agad ni Markus. Gulat na gulat.

Napalunok nang ilang beses si Marius nang makita niya ang dalaga na masuyong hinahawakan ni Niko sa kamay habang inalalayan itong pumagitna ng stage. Hawak-hawak ni Vina ang isang pumpon ng yellow tulips. Parang nahihiya pa ito nang humarap sa mga manonood.

Nang nasa gitna na sila, nagsilabasan na rin ang dalawa pang magkapareha. Sina Matias at Fiona, at Caden at Ritz. Nag-fist bump sina Niko at Caden nang magkita sa gitna. Magkabarkada kasi. Makiki-fist bump din sana si Matias sa kanila pero nginisihan lang nila ito. Lalong nagpuyos ang damdamin ni Marius.

"Way to go, big bro!!!" sigaw naman ng mga pamilyar na tinig. Paglingon ni Marius sa kumpol ng mga tao sa harap ng makeshift stage nakita niya ang dalawa pang kapatid, sina Moses at Morris na nakataas ang dalawang hinlalaki. Grabe ang tawa ng mga ito. Kinukuhanan pa nila ng video si Matias.

Naramdaman siguro ng dalawa na may nakatitig sa kanila dahil bigla na lang natahimik ang mga ito. Patago pang sumulyap kina Marius at Markus ang eleven-year old na si Morris bago nito kinalabit ang kuya at pasimple silang pumagitna sa mga manonood. Hindi na nahabol ng kambal ang dalawa.

Nang magsalita si Vina sa mikropono saka lang napabaling sa stage ang atensyon ni Marius. Nagkatinginan sila ng dalaga. Bigla itong nautal. Hindi na niya hinintay matapos ang acceptance speech ni Vina. Tumalikod na siya at dali-daling pumunta sa parking lot. Kabuntot niya ang kakambal na panay ang sabi ng sorry.

PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon