CHAPTER TWENTY THREE

54.9K 1.8K 110
                                    

Inakala ni Marius na tulog na ang mga tao sa bahay nila nang dumating nang bandang alas kuwatro nang madaling araw. Patay na kasi ang ilaw sa buong kabahayan maliban sa porch light na palagi'y iniiwan nilang nakabukas hanggang umaga. Confident na sana siyang umakyat ng kuwarto nang bigla na lang nagbukas ang study room ng ama na nasa hindi kalayuan at lumabas ito. Mukhang mainit ang ulo. Sinenyasan siya nitong pumasok muna sa study room. He smelled trouble right away.

"Kuya!" halos sabay-sabay na sambit ng tatlo niyang kapatid na lalaki nang pumasok siya.

"Bro!" ang sabi naman ni Markus. May mga katanungan sa mga mata nito.

Magkakatabi ang apat sa couch at hindi pa rin nakapagpalit ng damit na ginamit nila sa party. Mukhang doon sila dumeretso pagkagaling sa selebrasyon.

"What took you so long?" pabulong na tanong ni Markus nang naupo na siya sa tabi nito. Umusog ang tatlo nilang kapatid para bigyan siya ng espasyo. Napapagitnaan na siya ngayon ng kakambal at ni Matias. Magtatanong din sana ang huli pero hindi na natuloy dahil nakatayo na sa harap nilang lima ang ama.

"Where have you been?" tanong ng papa niya. Mahina lang ang boses nito pero hindi maikakaila na galit ito.

Sasagot na sana siya nang bigla na naman itong nagsalita. Mataas na ang boses. "And why did you ditch your bodyguards for God's sake?! Kung may nangyari sa iyo?"

Napayuko na ang apat. Sumiksik pa si Moses sa tagiliran ni Matias sa takot. Si Morris nama'y gano'n din ang ginawa kay Moses.

"Hindi ka talaga nag-iisip! And you created a scene at the party! Hindi ba't sinabi ko na sa inyong magkakapatid to avoid trouble by all means? The party was very important to your grandpa and grandma!"

"I'm sorry, Papa," sagot niya na ikinamangha ng mga nakababatang kapatid. Napa-double take nga sa kanya si Markus. Maging ang ama ay tila nawalan ng momentum. Bigla itong natigil sa paglilintanya at napatingin sa kanya na parang namamalikmata. Hindi kasi niya gawaing mag-apologize. Ngayon pa nga lang yata.

"I didn't mean to cause Grandpa and Grandma any trouble but---Marie was very mean to Vina. She pushed her to the pool. Vina was almost drowning when I got there that's why I got mad at her. I just meant to confront her with what she did and tell her not to do it again but Caden and his friends suddenly lunged at me."

"Y-yes, Daddy, they were so mean. They're the ones who always start the fight. And there's always many of them. We cannot just let Kuya Marius do the fighting all by himself. Magiging dehado naman no'n si Kuya, Daddy. Tsaka they're dangerous. They always have weapons. We will never allow Kuya to get hurt," dugtong naman ni Morris. Nagkaroon na ito ng lakas ng loob. Sinamantala ang biglang pag-subside ng galit ng ama.

Nagkuwento na ang tatlo ng mga kabulastugang pinaggagawa ng barkada ni Caden at Niko sa mga kuya nila. Mataman namang nakinig ang daddy nila. Mayamaya'y makikita nang nakakuyom ang mga palad nito at umigting pa ang baba sa galit. Ganunpaman, hindi na ito nagtaas pa ng boses sa kanila.

"All right. I know everybody's tired. You may go to your room now."

Nang papalabas na sila ng study room, excited na nagtanong si Matias sa kanya.

"Did you make Marvin Gaye happy?"

"Marvin who?" biglang tanong ng ama. Dumangundong ang boses nito. Tumingin ito kay Marius na parang shocked na shocked. Hindi napigilan ng huli ang mapahagalpak ng tawa. Inakbayan nito ang ama at nakangising sinabing, "It was just a joke, Dad. It doesn't mean anything," habang pasimpleng tinadyakan ang nakababatang kapatid.

PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon