"Iyon pala ang Vina. Ang ganda, a."
Hindi siya sumagot kay Mang Andoy. Naramdaman niyang parang sinenyasan ito ni Alden na tumahimik. Hindi na nga nagsalita pa ang matanda pero nahagip niya sa salamin sa harapan na napangiti ito. Pasipol-sipol pa ito sa backseat na parang tinutudyo siya.
Pagkahatid niya sa mga kaibigan dumeretso na siya sa bahay nila. Hindi pa siya lubusang nakakapasok ng bahay nang sinalubong siya ng ina. Masyadong itong worried.
"Thank God, you're here now!" sabi nito sabay yakap sa kanya nang mahigpit. Dahil sa kabiglaanan hindi siya naka-react. Nang makita si Matias pinangunutan niya ito ng noo. Nakuha naman nitong nagtatanong siya kung bakit ganoon ang pinakita agad ng mama nila.
"You were in the news today, bro. How's Vina?"
Hindi na niya nagawang sagutin si Matias dahil niyugyog siya ng ina.
"Ba't ka nakikialam sa buhay ng may buhay? Alam mo namang delikado!"
"He had to, Mom. His life depends on it," sabat ni Matias at may kabuntot pa itong hagikhik. Napasulyap ang mama nila sa nakababatang kapatid bago kinilatis ang kanyang mukha.
"Hindi ba iyon iyong girl na nang-aapi sa inyong magkapatid when you were in elementary?"
Tumawa na si Matias. Pinaningkitan niya ito ng mga mata bago umangil sa ina. Hindi na niya ito sinagot pa. Iniba niya ang usapan agad.
"Where's Markus? May usapan kaming magkikita dapat sa library para sa research project namin pero hindi siya nagpakita."
"Ano'ng hindi? I was there! Ikaw ang hindi nagpakita," sagot ng kakambal. Bigla na lang itong lumitaw buhat kung saan. Kumakagat-kagat ito sa dalang pulang mansanas.
"I went there! Wala ka. Kaya ano'ng magagawa ko? You know I'm allergic to that place. Ba't kasi sa lahat ng pagmimitingan doon pa!"
"We need books which makes the library the best meeting place. Saan ka ba pumunta?"
He rolled his eyes. Pumasok na siya nang tuluy-tuloy sa loob ng bahay. Sinenyasan niya ang kakambal na sundan siya sa kuwarto nila.
**********
"Well, well, well. Look who's here, guys. Here comes the hero!" nakangising salubong sa kanya ni Niko sa parking lot ng eskwelahan. Halos nagkasabay sila sa pag-parking. Hindi niya ito pinansin. Nagpokus siya sa pagtanggal ng helmet at paglagay sa loob ng back seat ng motorsiklo. Nang maiayos na ito basta na lang niyang nilampasan ang grupo ng lalaki. Humarang si Caden. Humihimas-himas ito sa dalang baseball bat. Tinaasan niya ito ng kilay habang mabilis na pinasadahan ang iba pa nitong kasama. Apat silang lahat. Kung saka-sakali hindi naman siya mahihirapan sa mga ito. Si Niko at Caden lang ang halos kasing katawan niya. Ang dalawa nitong mga kasama ay maliliit. Halos hindi umabot sa balikat niya.
"I never expected to see you here. I thought you all transferred schools already. Hindi ba't iyon naman ang sabi ng dad n'yo kay Dean Marshall?" nakangisi niyang sabi sa mga ito.
Umasim agad ang mukha ni Niko. At pinatigas nito ang mukha.
"Why would we do that? This school is our turf," buo sa loob na sagot ni Niko. Sinadyang palaparin pa ang dibdib na parang nanghahamon na naman ng away.
"Your turf?" sagot naman niya. Tumawa pa siya para inisin ito.
Naningkit lalo ang mga mata ni Niko at umabante na parang susuntukin siya. Tumigil siya sa paglakad at hinarap ito. Nang maispatan ang dekano sa hindi kalayuan na kausap ng isang guro tinuro niya ito gamit ng hinlalaki. Napaatras pati ang mga alipores ng lalaki. Bahag ang buntot.
BINABASA MO ANG
PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
Teen FictionSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #1 (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********** Bully ang pagkakakilala ni Marius kay Vina dahil kinder pa lang sila ay mapagmataas na ito't mapagmalaki. Galing daw kasi sa angkan ng mayayaman. Kung tratuhin sila ni M...