CHAPTER FOUR

58.4K 2K 34
                                    

                  

Nagkagulo ang buong kinatawan ng Pink House Research sa nangyari kay Vina. Lahat sila'y nagsihugas-kamay. Walang gustong mapagbuntunan ng sisi.

"I was against this idea right from the very start," ang sabi ni Megan, cheerleader ng International Studies Department at siyang sekretarya ng research team.

"Me, too. I said Marius is not like any other guy. Alam naman natin lahat na arogante siya, mayabang, at may attitude. Bakit ba naman sinali-sali na naman natin siya sa okasyong ito?" Si Eloisa naman. Muse ng basketball team ng Engineering Department. Isa rin siya sa miyembro ng research team.

"Oo nga. Didn't you remember what he did to Marie last year? Pinagmukha rin niyang tanga iyong tao. Hindi na tayo nadala," sabat ni Claire. Ang star player ng volleyball team ng Business Management Department at siyang pinuno ng research team.

Napatingin sa kanya si Megan at Eloisa.

"Look who's talking?" halos sabay pang sabi ng dalawa.

"Hindi ba't ikaw ang nag-convince sa amin na malakas ang kutob mong may gusto rin si Marius kay Vina? You said you've watched the two exchanged glances and from your experienced eyes, it was not just a simple glance. It meant something!" naiinis na dugtong pa ni Megan.

Natahimik ang tatlo nang nagsalita bigla si Vina sa hindi kalayuan.

"Stop blaming yourself, guys. I know you meant well. If there's someone to be blamed for all this, it's me. Naniwala akong ang magkaaway ay maari ring mag-ibigan," sabat ng dalaga sa pagitan ng mga sinok.

"Oh, sis! We're so sorry!" sabay-sabay nilang sabi at tumakbo sila kay Vina para bigyan ito ng mainit at mahigpit na yakap.

Samantala, sa labas ng Pink House isa-isa nang nagsialisan ang mga manonood. Halos lahat ay dismayado sa nangyari. Ang taas pa naman ng expectations nila sa panghuling declaration dahil parehong popular sa campus ang dalawang sangkot.

"Ba't mo naman sinabi iyon kay Vina?" medyo naiinis na tanong agad ni Markus kay Marius nang naglalakad na sila papunta sa canteen.

"I didn't know the lapel mic was on. I only meant to whisper it in her ear."

"Kahit na. It was still harsh. Kawawa naman ang tao."

"Please don't make me feel guilty. Alam ko nang ang sama-sama ng ginawa ko. Everybody's condemning me already. Didn't you hear what they said about me when Vina walked out crying? Na wala akong puso? Na masahol pa ako sa demonyo? Pati ba naman ikaw, eentra pa?"

"I was just reminding you, that's all," sagot ni Markus sa mahinang tinig at nauna na ito sa paglalakad.

Wala na silang kibuang magkapatid hanggang sa matapos ang araw na iyon. Pagdating ng uwian, hindi sila nagsabay papuntang parking lot para kunin ang kani-kanilang BMW motorbike. Pagdating ni Marius doon, nandoon na ang kakambal at may kausap na babae. Kahit nakatalikod ito, nakilala agad ng kanyang puso kung sino ang nagmamay-ari ng long, black hair na kumikintab kapag natatamaan ng araw. Dahan-dahan siyang lumapit sa dalawa. Naramdaman siguro ni Vina ang presensya niya dahil lumingon ito saglit.

"Sige Markus. I really appreciate it," narinig niyang sabi nito sa kapatid at dali-dali nang naglakad papunta sa naghihintay na sasakyan.

"Vina, sandali lang," habol sana niya, pero hindi na siya pinansin nito. "Shit!" tanging naibulalas niya nang umandar na ang kotseng sinakyan ng dalaga. Nang mapadaan ito sa kanyang tabi, binaba ng driver ang bintana at sumilip.

"If you still want to live, get out of my way!" bulyaw sa kanya ni Niko.

Awtomatikong napakuyom ang kanyang mga palad. Lalapit sana siya para tadyakan ang pintuan nito pero pinahagingan siya ng ungas. Mabuti na lang at nakaatras siya agad. Dahil sa init ng ulo, dali-dali siyang sumakay sa motor para sundan sana ito at nang makaganti nang pinigilan siya ni Markus.

"Huwag mo nang dagdagan pa ang ginawa mo for the day. Hayaan mo na lang sila. Alam mo namang ever since we were in kindergarten, close na ang dalawang iyon. Natural na igaganti niya sa iyo si Vina."

"Who does he think he is?!"

Napatirik ang mga mata ni Markus.

"Let's go home," yaya nito at sumakay na rin sa kulay gray na BMW motorbike. "Siguro mas mabuting ipa-repaint natin iyang sa iyo. Kulay itim kasi, e. Nahahawa na tuloy ang kaluluwa mo diyan," at ngumisi ito. Pinukol naman siya ni Marius nang masamang tingin. Pero dahil nakangiti na si Markus, dahan-dahan na ring lumamig ang ulo ni Marius.

They were halfway home nang may maisipan ang huli. Pinauna niya ang kakambal sa kanila at pinaharurot ang kotse palayo. Nag-slow down lang siya nang pumasok sa isang exclusive subdivision sa Cavite. Hindi na siya sinita pa ng guwardiya. Nag-salute na lang ito nang makita siya at sumenyas na dumating na ang pakay. Hinagisan niya ito ng isang libo bago tinungo ang sadya.

Simula nang natuto siyang mag-motor, naging routine na niya ang pumunta sa village nila Vina tatlong beses sa isang linggo. Hindi naman siya tuluyang pumapasok sa bakuran ng mga ito. Tinatanaw niya lang ang dalaga habang nagdidilig ito ng mga halaman sa kanilang hardin. Pero walang Vina sa garden nang dumating siya. Ang tanging naroon ay ang kotse ng hambog na Niko. Uminit agad ang ulo niya pagkakita do'n. Ganunpaman, he tried to stay a bit longer. Nabiyayaan naman ang paghihintay niya. Vina came out in white shorts and light green t-shirt at nag-umpisa nang magdilig ng mga halaman. Wala na ang makapal nitong make-up at naka-pony tail na ang mahaba nitong buhok. Parang may humaplos sa puso ni Marius nang makita itong abala sa pag-aalaga ng mga tanim nilang bulaklak.

I could watch you forever like that. So innocent and fresh. Kung bakit nagpauto ka pa sa Pink House Sorority. Alam mo namang I hate drama. And I hate to be chased. But it's good to know that you feel the same way.

Napangiti si Marius nang bigla na lang binitawan ni Vina ang garden hose at hinabol ang dilaw na paruparong naligaw sa kanilang hardin. Pero ang ngiting iyon ay kaagad na napalis nang bigla na lang lumitaw buhat kung saan si Niko at niyapos nito si Vina mula sa likuran. Nagharutan ang dalawa pagkatapos.

Galit na pinaandar ni Marius ang motor. Pero bago siya tuluyang makalayo, narinig niya ang malamyos na boses ni Vina na nagtanong kay Niko ng, "Sino iyon?"

PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon