EPILOGUE

96.2K 2.8K 224
                                    


Pagkatapos ihatid sa kanila si Vina, dumeretso na silang magkakapatid sa bahay nila. Saktong papasok ang van na sinasakyan nila sa kanilang bakuran nang lumitaw naman mula sa elevator galing sa parking lot sa basement ang bullet-prrof car ng ama. Pagkakitang umibis sina Moses at Morris sa van dali-dali itong bumaba sa sasakyan at niyakap agad ang dalawang bata.

"Are you guys all right?"

"Yes, Dad," halos sabay namang sagot nila Moses at Morris. Umiyak na ang mga ito habang humihingi ng paumanhin sa pagtakas sa kani-kanilang bodyguards.

"Ssshh," sagot ng ama. Nakapikit ito habang nakayakap sa dalawa.

Nagkatinginan sina Marius at Markus. Hinahanda na nila ang sarili na masabon ng ama. Kung tutuusin naman kasi sila ang pinagmulan ng problema. Lalung-lalo na si Marius. Ang hidwaan nila ni Niko ang naging ugat ng lahat.

Nang bumukas ang front door at lumitaw naman ang mama nila, nauna nang pumasok ang kambal. Matapos nilang makapagmano sa ina, dumeretso na ang huli sa mag-aama niyang nagyayakapan pa rin. Nakiyakap din ito habang umiiyak.

"Thank God, you guys are okay! I was so worried."

"Pasok na tayo sa loob," yaya naman ni Magnus. Nakaakbay na ito sa dalawa. Hinagkan pa nito sa ulo sina Moses at Morris bago pumasok sa loob ng mansyon.

Samantala, nakaupo na sa couch sa sala sina Markus at Marius. Naghihintay ng sermon mula sa ama. Pagpasok nga nito, tumayo silang dalawa at nagmano. Binigay lang ng dad nila ang kanang kamay pero wala ang nakagawian nilang basbas mula rito. They smelled trouble.

"Why didn't you tell me that Niko is still bothering you in school?" tanong nito sa mahinang boses. Saglit lang itong tumingin kay Markus. Kay Marius ito nakatitig nang matagal.

"Actually—he stopped bothering us after our encounter at St. Claire's Village. He---he started befriending Moses and Morris without us knowing it. Tinulungan pa niya si Vina na maabswelto do'n sa kasong sinampa sa kanya ni Marie kaya--- we thought we're all good," pagpapaliwanag ni Marius. Nanatili namang tahimik lang si Markus sa tabi niya.

Napabuntong-hininga ang kanilang ama, pero wala ang inaasahan nilang galit. Tumingin ito sa mama nila at nagsabing pakainin daw muna sina Moses at Morris. Nang wala na ang tatlo, sinabihan sila nito na sundan ito sa study room.

**********

Hindi na nagulat sina Marius at Markus nang sumabog ang balita sa St. John's Academy na hindi lang si Niko ang na-expelled kundi pati na rin si Caden at ang dalawa pa nilang kabarkada. Pero ang ikinabigla ng nakararami ay ang pagkakadamay nila Marie at Ritz bilang accessory to the crime. May nakapagsabi raw kasi na alam ng dalawa ang plano ni Niko sa dalawang bata, pero nanatili silang tahimik dahil gusto nga raw nilang mahuli na ni Niko si Vina sa pamamagitan nila Moses at Morris. They also knew that Niko planned to rape Vina that night. Bukod sa accessory to the crime, nakasuhan pa sila ng child abuse. Sila raw kasi ang dahilan kung bakit nabugbog sina Moses at Morris nang minsang nagawi ito sa Pink House. Pati ang dalawang kabarkada ni Caden na nambuyo sa lalaki na bugbugin ang dalawang bata ay sabit din sa kaso. Pati sila ay expelled din.

Siyempre, nagalit ang gobernador nang malamang hindi makaka-graduate sa prestihiyosong paaralang iyon ang kanyang panganay. Tinakot pa si Mr. Facundo na ihahabla ang St. John's. Si Magnus na at Mr. McPhail ang humarap sa gobernador. Dinagdagan pa ni Mr. McPhail ang kaso ni Marie ng libel and slander dahil sa pagsampa nito ng bullying case na wala namang katotohanan.

"No wonder I didn't feel good about her silence after she dropped her case against me," sabi ni Vina kay Marius habang pinagmamasdan nila si Marie at Ritz na inaalalayan ng dalawang guwardiya ng St. John papunta sa police patrol na rumesponde sa tawag ng eskwelahan. Nagwala kasi ito sa upisina ng presidente nang malamang hindi na puwedeng i-apela ang desisyong tanggal na siya roon. Binato niya si Mr. Fcundo ng sapatos niyang may takong. Nabasag ang salamin ng matanda at nagasgasan pa ang noo.

PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon