CHAPTER THIRTEEN

52.4K 1.6K 51
                                    


"Sige bro, mauuna na kami sa bahay," nakangising paalam ni Markus kay Marius nang malapit na sila sa front gate ng subdivision nila Vina. Si Matias nama'y kumanta-kanta ng "Let's Marvin Gaye and get it on" at nang magtama ang paningin nilang magkuya ay kumindat kay Marius. Sinalubong naman ito ng pangungunot ng noo ng huli. Humagalpak ng tawa si Matias. Ngumiti-ngiti naman si Markus. Nag-slow-down silang tatlo sa bandang gate at nagsalute ang dalawa kina Marius at Vina bago pinaharurot ang kani-kanilang motor palayo.

"What was that for?" tanong ni Vina nang sila na lang dalawa.

"Which one?" pagmamaang-maangan ni Marius.

"Iyong kanta ni Matias. What was that song for?"

"He just loves that song. It doesn't mean anything."

"Really? I often hear that song on the radio now. I just don't know what the lyrics mean. Who's Marvin Gaye?"

Tumawa nang mahina si Marius para pagtakpan ang namumuong hiya. He made a mental note to punch Matias later.

"I also don't know. It's just a song. Forget it."

Nang malapit na sila sa mansiyon nila Vina, nagsabi agad ang dalaga na ibaba na lang daw siya sa tapat ng gate.

"Ha? Gabi na. I want to see you get in before I leave," sabi naman ni Marius.

"Nandito na tayo sa amin, e. Safe na ako rito. Don't worry, okay?"

Hindi sumagot si Marius. Sumulyap ito sa maliwanag na bakuran nila Vina. Nakita niya roon ang isang katulong na may dala-dalang mga bagahe. Isa-isa nitong nilagay ang mga luggage sa baggage compartment ng kotse.

"Is your mom going somewhere?"

Napatingin din si Vina sa tinitingnan ni Marius. Lingid sa binata, napalunok ito nang ilang beses. Hindi na ito sumagot.

Mayamaya pa, bumukas ang gate. Lumabas ang Lincoln Navigator luxury car. Nailawan silang dalawa sa harap ng gate, ganunpaman ni hindi tumigil ang sasakyan. Dere-deretso ito sa pagtakbo. Nangunot ang noo ni Marius. Inisip niya kasing sakay no'n si Mr. McPhail, ang ama ni Vina. Nakita niya kasi kanina na lalaking blond ang sumakay doon.

"Okay, I have to get inside na. Umuwi ka na sa inyo. Thank you so much for what you did for me today. I can never thank you enough."

Kinalimutan saglit ni Marius ang tungkol sa kaaalis na sasakyan. Napadako ang kanyang atensyon sa katulong na nagsasara ng gate. Lalapitan niya sana ito para sabihan na nasa labas pa ang isa nilang amo nang bigla na lang hawakan ni Vina ang kanyang kamay. Nginitian siya nito nang ubod-tamis.

"I know this is too late. And it's kinda --- irrelevant now. But I still want you to know that I am very sorry for being so bitchy to you and Markus when we were little. I hope you find it in your heart to forgive me."

Biglang nag-flash sa alaala ng binata ang kanilang kamusmusan. Nakita niya roon ang isang napakagandang batang babae na palaging pinapaligiran ng mga sosyal nilang kaklase. Lagi itong star sa kahit anong okasyon. Bukod kasi sa ito ang pinakamaganda sa lahat, pinakamatalino at bibo pa. Kaya nga lagi silang nakanganga lang ni Markus sa tuwing napapadaan ito sa kanilang harapan. Tingin kasi nila noon kay Vina isang fairy princess. Kaso nga lang ay naging wicked witch ito sa kanila. Palagi na lang silang inaaway. Ang hindi niya makalimutan sa lahat ay ang Christmas party noong kinder sila. Dumalo sila ni Markus. Kahit na maayos na ang pananamit nila noong mga panahong iyon, markado pa rin silang poor ng mga kaeskwela. Kaya nang malaman ni Vina na siya ang nakabunot ng pangalan nito sa exchange gift umiyak ito at nagbanta sa titser na magwo-walk out sa party. Sobra siyang nasaktan noon dahil naghirap sila ng Mama niyang maghanap ng pinakamagandang regalo para sa isang batang babae.

PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon