CHAPTER TEN

50.5K 1.6K 52
                                    

Napansin ni Vina na napapadalas ang pag-timing ni Marius sa kanya tuwing uwian. Kinakabahan siyang sooner or later ay matutuklasan nito ang katotohanan kung kaya kinausap nito si Mrs. Ricafort na kung maaari ay dadaan siya nang gabing iyon. Pumayag naman ang mabait na ginang.

Gaya nga ng inaasahan, hinatid uli siya ni Marius nang gabing iyon. At gaya rin ng inaasahan niya, sinabihan uli siya nitong pumasok na sa loob.

"All right. Thanks for the ride," nakangiting sagot niya rito sabay kaway. Paglakad niya papunta sa gate kaagad naman itong bumukas. Sinalubong siya ng naka-unipormeng katulong. Bago siya tuluyang pumasok kumaway uli siya kay Marius. Nakita niya itong nakakunot ang noo pero kaagad namang pinaaliwalas ang mukha nang magtama ang kanilang paningin.

Pagkarinig ni Vina sa pag-alis ng motor, humawak siya sa dibdib. Thank God, I'm smart! Dumukot siya ng singkwenta pesos sa bulsa at inabot sa katulong.

"Huwag na po, ma'am," parang nahihiyang pakli ng dalagita.

"No. You take it," pamimilit niya sabay lagay sa bulsa nito.

"Vina, hija!" bati ng pamilyar na ginang. Paglingon ni Vina, nakita niya si Mrs. Ricafort in her flowing white, long dress. Nagmukha itong anghel sa paningin niya. Galing ito sa hardin. Ang paborito niyang spot sa bakuran.

"Mrs. Ricafort!" sagot naman niya at lumapit na siya rito agad. Humalik siya sa pisngi nito gaya ng nakagawian. "Thank you so much for allowing me to drop by. I owe you one."

Tumawa nang bahagya si Mrs. Ricafort.

"Ano ka ba, hija. You're always welcome here. Kapag nami-miss mo ang bahay na ito, you're free to come here anytime. Alam mo namang kami lang ng Tito Alfie mo ang tao rito. And we don't mind having you around. Kung gusto mo pa, you can spend the night here sometimes."

Namilog ang mga mata ni Vina.

"Talaga po? Thank you po talaga, Tita!"

**********

Pagdating ni Marius sa parking lot, siya namang dating ng Lexus. Lumapit dito si Vina at kaagad na sumakay. Kumaway lang ito nang makita siya.

"O, ba't nakakunot na naman ang noo mo? What's wrong?"

Saglit lang niyang binalingan ang kararating na kambal. Hinabol niya ng tingin ang papalayong Lexus. Ang tagal kasi niyang hindi iyon nakita na sumusundo kay Vina. Sinabi niya iyon sa kapatid.

"Baka nasira at pinaayos nila sa talyer kaya ngayon lang nagamit uli," sagot naman ni Markus at sumampa na ito sa motorsiklo.

"Something's not right. I can feel it. And I want to know the truth."

"'Lika na. Tumawag na si Mama. Nasa bahay na raw sina Lolo't Lola."

"Do you think Vina's hiding something?"

Napabuntong-hininga si Markus. Mukhang naiinip na sa kanya.

"Affected ka pa rin ba do'n sa sinabi ni Marie? Of course she'll say bad things about Vina because she likes you. Parang hindi ka na sanay sa mga babae."

"It's not that. Hindi ka ba nakikinig sa akin? Di ba sinabi ko sa iyo no'ng isang araw na nakita ko nga siyang sumakay ng dyip papunta do'n sa lumang townhouse? I saw her mom there, too. Ano naman ang gagawin nila do'n if they're not living there?"

"Who knows they were just visiting a relative? Let's go!" at pinaandar na nito ang motor. Hindi na siya hinintay ni Markus. Nauna na itong lumabas ng parking lot.

**********

Halos mag-iisang oras na siyang patingin-tingin sa parking lot, pero walang Vina na dumating. Maging ang Lexus na sumundo rito no'ng isang araw ay wala rin. Ang sabi ng guwardiya na nakatoka sa gate ng eskwelahan sa likuran hindi pa raw ito dumadaan do'n.

Saan kaya nagsuot ang babaeng iyon?

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang tumunog ang cell phone. Si Markus.

"Are you still in school? Could you pick up my books from the library? I forgot to get them."

"Okay," matamlay niyang sagot.

"Are you still playing detective? Umuwi ka na! Hinahanap ka na ni Mama," at tumawa ito nang nakakaloko. May narinig pa siyang background ng tawanan ng iba pa niyang kapatid. Pinakamalakas ang kay Matias.

"Ang hina talaga ni Kuya when it comes to girls. Kung ako iyan, matagal nang napasakamay ko ang babaeng iyan!" sabi pa ni Matias. Sadyang pinarinig sa kanya. Sinaway ito ng mama nila. Mayamaya ay nasa telepono na rin ito.

"Anak, come home na. It's getting late. Mauunahan ka pa ng papa mo, e."

"I'm on my way, Mama. Don't worry about me."

Nagliligpit na ang dalawang librarians sa front desk nang dumating siya sa silid-aklatan. Magiliw siyang binati ng mga ito. Napagkamalan siyang si Markus. Nang hindi siya ngumiti, nag-sorry agad ang mga ito. Nabatid kaagad nila na hindi si Markus ang pumasok.

"I'm here to get Markus' books."

Kaagad na tumalima ang mas batang librarian at kinuha ang isang supot sa reserved shelf. Paghawak niya sa supot, medyo gumalaw ang ugat sa kanyang braso. What is that guy going to do with all of these hard-bound books?! Naiinis, tinawagan niya ito.

"Kaya pala kinalimutan mo kunwari ang books mo! Isang sako pala!" Pagkasabi no'n, pinatay na niya ang cell phone.

Aalis na sana siya sa library nang marinig ang isang librarian na may tinawag sa loob.

"Vina, hija. That's enough for today. We're going home na. Thanks for your help."

Lumitaw naman ang dalaga na may tinutulak-tulak na walang lamang library cart. Nakangiti rin itong nakipag-usap sa librarian. Sa palitan nila nabatid kaaagad ni Marius na nagtatrabaho do'n ang dalaga.

Nang makita siya ni Vina sa bandang pintuan, mukha itong nagulat. Saglit itong namutla pero mukha namang nakabawi agad. Ngumiti ito sa kanya.

"It's good to see you here, Marius. Did you borrow some books?"

Lumapit na ito sa kanya pagkakuha sa mga gamit.

"No. I just dropped by to get Markus' books. Are you going home na? Sumabay ka na sa akin."

Saglit na nag-atubili si Vina pero pumayag din agad.

Naglalakad na sila paunta sa parking lot nang may biglang dumaang pamilyar na kotse. Tumigil ito sa harapan nila at dumungaw ang hambog na si Niko.

"Hey, baby!" bati nito agad kay Vina. Nakita ni Marius na parang napakislot ang dalaga at napahawak pa agad sa braso niya. Pero nang ma-realize siguro iyon ay kaagad ding bumitaw at lumayo nang kaunti sa kanya.

"I've been looking for you, babe. 'Lika na. I'll give you a ride."

"Teka. Ako ang maghahatid sa kanya," sabat niya.

Binalingan siya ni Niko. Nakaismid ito.

"In your motorcycle?" at tumawa ito nang may himig pang-iinsulto. "Look at her. She's wearing a skirt. And besides you have that sack of books to carry. Saan mo pauupuin si Vina?"

Awtomatikong bumaba ang tingin ni Marius sa makinis na legs ni Vina. No'n niya lang napansin ang black mid-thigh skirt nito. Uminit kaagad ang ulo niya.

"Kung bakit kasi gusto mong nagsususuot ng kapiranggot na damit!" anas niya rito.

"Hey, hey, hey! You sound like a boyfriend. You might have forgotten – ako ang boyfriend ni Vina!" at dinuru-duro pa siya ng hambog.

Binaba niya ang mga libro at hinampas ang kamay ni Niko. Susuntukin na sana siya nito pero mabilis na pumagitna si Vina.

"Please Niko, Marius! Stop! May mga estudyante pa sa paligid. They're looking at us."

From the corner of Marius's eyes, nakita nga niyang may nagtipon-tipon na sa hindi kalayuan. Nakagat niya ang labi at kinontrol ang sarili. Si Niko nama'y biglang hinablot si Vina. Aagawin sana niya ang dalaga pero sumenyas itong okay lang siya.

Galit niyang sinipa ang mga libro.

72b�����

PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon