CHAPTER NINE

52.1K 1.8K 41
                                    

A/N: Dahil may dedic na for Mymy1786, sa pangalawang nag-comment na lang ang chapter na ito.  :) Thank you guys sa walang sawang suporta.

*****************

Kauupo lang ni Marius sa pangdalawang mesa sa rooftop canteen ng eskwelahan nang dumating na magkaakbay sina Niko at Vina. Huli na para umiwas. Nakita na sila nito.

"Hey there, pare. Alone?" bati ni Niko sabay ngisi. Bumati naman ng payak na "hi" si Vina at umiwas ng tingin.

Napakuyom agad ang mga palad ni Marius sa tagiliran, pero nagpigil siya.

"I'm waiting for Markus," sagot niya sa paraang tinatamad makipag-usap.

"Oh, of course. Always Markus, always your twin. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa iyo? Nagdududa na nga ang iba sa iyo, e. Despite the fact that a lot of girls are chasing after you, you chose to be single. Perhaps---you're not really looking for a girl?"

Lumipad ang kamao ni Marius. Sapol sa panga si Niko. Napaupo ito sa de carpet na sahig.

"Marius!" sigaw naman ni Vina. Masyado itong nabigla. Tumakbo ito agad sa kanya para pigilan na siyang manugod pa kay Niko.

Dahil aatekehin pa rin sana niya ang huli kahit hinaharangan na siya ni Vina, napayakap ito sa kanya nang wala sa oras. At nagmakaawang tumigil na siya. One look at her frightened face was enough to calm him down. No'n siya parang natauhan. Shit! Nagpatukso na naman ako kay tabatsoy! Tiyak magagalit na naman si Mama kapag nalaman niya 'to.

May biglang humila kay Vina. Nakatayo na pala si Niko at ngayo'y pinapagalitan na si Vina.

"You might have gotten yourself confused. I'm YOUR boyfriend, not that bastard!"

Pinamulahan ng mukha si Vina.

"I was just trying to stop him from kicking you," sagot nito sa mahinang tinig.

"Really? That was not what I saw!"

Hindi lang mukha ni Vina ang namula. Pati na rin mga mata. Tila nagbabadya nang tumulo ang mga luha nito. Pero bago pa mangyari iyon, nakialam na si Marius.

"Kaya hindi ka niya nape-feel na boyfriend, dahil hindi mo siya tinatratong girlfriend."

Bumaling sa kanya ang nanlilisik na mga mata ni Niko.

"Look who's talking! Sino ba sa atin ang nanghiya sa babae sa harap ng maraming tao?"

Sasagot pa sana si Marius pero napansin niyang pinapaligiran na sila ng ibang mga estudyante. Ang iba'y nagbi-video na nga sa kanila. Sisitahin niya sana ang mga ito, pero naunahan na siya ni Niko. Hinablot nito ang ilang cell phones malapit sa kanya at hinagis sa baba. Nag-hysterical ang mga babaeng may-ari no'n, pero hindi ito pinansin ng lalaki. May isusunod pa sana siyang iba pa pero kumaripas na ng takbo ang mga miron.

Iyon ang eksenang naabutan ni Markus. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang tatlo. Nagtinginan silang magkambal at nakuha nito agad kung ano ang tunay na nangyari. Kaya nang bumaling ito kay Niko at makita ang duguan nitong bibig, napangisi na.

"That's what you get for having a loud mouth," komento pa ni Markus.

Akmang bibigwasan sana ito ni Niko, pero pumagitna na rin si Marius. Napaatras bigla si Niko. At sa pag-atras nito'y hinablot na rin si Vina. Bumaba sila ng rooftop.

Nang hapong iyon, nakita na naman sila ni Marius. Pero this time, nagkukulitan sila sa tambayan ng mga estudyante sa harap ng College of Business building. Parang walang nangyaring sagutan sa rooftop. Sinusubuan ni Niko si Vina ng potato chips. Hinahampas-hampas naman ito ng dalaga. Tawanan sa background ang mga kabarkada ni Niko. Nakikitawa na rin si Vina.

Pero pagdating ng takipsilim, nang umiwas na naman siya sa taffic sa front gate at dumaan sa likuran ng eskwelahan, nakita na naman niya si Vina na naglalakad mag-isa. Nagpalit na ito ng damit. Kung kanina naka-tube na pula with a denim blazer and shorts and matching red stilleto, ngayo'y nakapantalong maong na lang, white t-shirt, at black sneakers. May suot din itong black cap at sunglasses. Pero sa mapagmatyag na mga matang kagaya ng sa kanya, nakilala agad niya si Vina. Kagaya no'ng isang araw, hinintuan na naman niya ito at niyayang sumakay.

"You still recognize me?" tanong nito sa mahinang boses na tila napapantastikuhan.

"We're classmates since kindergarten. Kilala ko na ang bawat kilos mo kahit mag-disguise ka pa."

May kumislap sa mga mata ni Vina. Napangiti ito. Marius felt weird. Nainitan siya bigla kahit mahangin sa daanang iyon dahil malalago ang puno sa magkabilang gilid ng daan. Nagtanggal siya ng dalawang butones sa suot na polo-shirt.

"Don't get me wrong," sabi niya kay Vina agad. "Remember, we always fought when we were young? Nagdi-disguise ka rin kahit dati pa pero lagi naman kitang nabibisto, di ba?"

Nawala ang kislap sa mga mata ni Vina. Parang may lumambong na kalungkutan sa masaya nitong mukha. He felt guilty. Nasobrhaan yata ang pagdi-depensa niya sa sarili.

Mamaya niyan, pagsisihan mo na naman kung lumayo ang damdamin niya sa iyo. E ano ba kung mabisto niyang crush mo pa rin siya hanggang ngayon? Anong masama?

Parang wala. Pero meron. Hindi kasi siya sigurado sa damdamin ni Vina. Baka napag-utusan lang ito ni Niko na kunwari'y magtapat sa kanya sa publiko. Ang totoo pala'y plano nilang dalawa na paglaruan ang damdamin niya. Bakit ito pumayag na maging girlfriend ni Niko sa harap ng mga estudyante ng St. John Academy kung wala silang pagkakaunawaan?

"Y-yeah. I remember," sagot ni Vina sa mahinang-mahinang tinig bago sumampa sa likuran ng motor niya. Halos hindi ito kumapit sa baywang niya nang pinaharurot na niya ang motor. Panay nga ang lingon niya rito kung okay lang. Nang sa wakas ay marating nila ang bahay nito, hindi na naman ito pumasok agad.

"I want to see you home safely. Pumasok ka na," sabi ni Marius sa dalaga.

"No," tanggi naman nito. "Gusto kong panoorin ang paglabas mo sa village namin. Sige na," at kumaway na ito sa kanya.

Hindi na nakipagtalo pa si Marius. Mukha naman kasing desidido si Vina.

Nang halos nasa gate na siya ng subdivision at lumingon sa kinaroroonan ng dalaga, napansin ni Marius na hindi ito pumasok sa gate nila. Sa halip, tumawid ito sa kabila at naglakad papunta sa kabilang labasan.

Hinintay muna ni Marius makalayo ang dalaga bago niya ito sundan. Paglabas na paglabas ni Vina sa subdivison nila, nagpara ito ng dyip at sumakay na. Hindi na nakatiis si Marius. Sinundan niya ito. Pero siyempre, hindi naman niya dinikitan masyado dahil baka mahuli siya ng dalagang nagmamanman.

Bumaba si Vina sa harap ng isang makitid na eskinita. Natanaw ni Marius na pumasok ang dalaga sa loob ng lumang townhouse na halos nagpe-peel off na ang pinta sa dingding.

Bumilis agad ang tibok ng puso ni Marius. This time for the wrong reason.

PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon