"Pa, can I use your car tonight?"
Parang nagulat ang ama niya. Natigil ito sa paghigop ng kape. Biglaan naman kasi ang pagpasok niya sa study room nito. Ni hindi pa siya kumatok.
"What's the urgency about? May pinopormahan ka na?"
All eyes na ang papa niya sa kanya. Tiniklop na nito ang folder sa harapan at sumandal sa swivel chair niya.
"Wala. May pagagamitan lang ako."
"All right," at binuksan nito ang drawer. May kinuhang susi doon at inabot iyon sa kanya.
"Not your Mercedes, Pa, but your Bugatti Chiron."
Napa-double take ang papa niya sa kanya. Hindi naman kasi siya humihiram ng sports car nito. Mayroon naman kasi silang Lamborghini ni Markus. But today is special. May gusto siyang patunayan.
"Okay," at inabot nito ang susi sa kanya. Nahagip pa niya ang pagngiti nito. Kahit hindi man nito sabihin, alam niyang nagsususpetsa na itong may pinopormahan na nga siya.
Pagkakuha sa susi nagpaalam na siya agad dito. Nakasalubong niya si Markus na mukhang papunta rin sa study room ng ama nila.
"Pinahiram sa iyo?" tanong kaagad ng kakambal.
"Siyempre naman."
Napabuntong-hininga ito.
"Nagpapapatol ka sa ungas na iyon. Ano ba'ng makukuha mo riyan? Baka magasgasan mo pa ang sports car ni Dad. Alam mo naman kung gaano niya kamahal iyon."
"I'll take care of it, okay? Don't worry," at tinapik niya sa balikat ang kapatid bago dali-daling bumaba sa basement nila para kunin ang nasabing kotse. Wala siyang inaksayang oras. Pipindutin na lang sana niya ang button para umakyat sila sa ground garage nila nang lumitaw na naman si Markus. Kinatok nito ang bintana ng kotse at sumenyas na buksan daw niya ang passenger's door. Walang salita itong pumasok.
"Akala ko ba ayaw mo?"
"E ano pa bang magagawa ko? Ayaw mong papigil."
Napangiti siya rito. Sinuot na niya ang sunglasses at itinapat sa bukana ng garahe ang kotse bago pinindot ang remote na magdadala sa kanila paakyat sa ground floor.
**********
Ilang beses na sinipat ng grupo ni Niko ang kotse niya. Napasipol pa sila sa gara ng disenyo. Napangisi lang ng nakakaloko ang dating tabatsoy at pumasok na ito sa sarili niyang sasakyan. Pareho sila ng brand at modelo. Kulay lang ang pinagkaiba. Magkahalong gray at pula ang sa kanya samantalang magkahalong itim at puti naman ang kay Niko.
Lumabas na si Markus sa sasakyan dala ang iPad. Konektado iyon sa kotse kaya malalaman nito ang galaw niya. Isasara na sana niya ang bintana nang nahagip ng tingin niya ang mga mata ni Vina. Malungkot ito. Nang magtama ang kanilang paningin kaagad itong umiwas. Nakipagsiksikan ito sa iba pang miron na excited na sa pagsisimula ng karera nila Niko. Nadismaya siya dahil bigla na lang itong nilamon ng crowd.
Sumenyas na si Marie na magsisimula na ang karera. Pumuwesto na ito sa unahan nila. May hawak-hawak itong puting panyo sa magkabilang kamay. Winagayway na nito ang mga panyo sa ere at maliksing binaba. Halos sabay sila ni Niko na umarangkada. Sigawan na ang crowd.
Makalipas ang halos dalawampung minuto, naungusan na niya si Niko. Kampante na ang kalooban niya. Natitiyak na niya ang panalo. Ilang minuto na lang at maaabot na niya ang finish line. Pinaarangkada na niya ang sasakyan para wala nang kawala ang tagumpay, subalit may bigla na lang lumitaw na humahagibis na motorsiklo sa harapan niya. Napa-swerve siya sa kaliwa. Kasabay no'n ay may narinig siyang putok at umikot nang kung ilang ulit ang kotse niya bago tuluyang namatay ang makina. Dali-dali siyang bumaba para tsekin kung ano iyon. At gano'n na lang ang galit niya nang makitang nag-flatten ang isang gulong sa likuran. Nang busisiin niya ito napansin niya ang bumaong pako. Tinadyakan niya ang sasakyan. No'n naman dumaan si Niko. Nag-slow down ito at dumungaw pa sa bintana.
"Is there any problem?"
Binigyan niya ito ng dirty finger. Humagalpak lang ito ng tawa at pinaharurot na ang sasakyan.
"Ano'ng nangyari sa iyo? Na-disconnect ka na lang bigla!" sunud-sunod na tanong ni Markus. "Bigla ka raw tumigil! Nakakainis naman, o! Panalo ka na, e!"
Hindi niya pinansin ang kakambal. Bumaba siya sa kotse at hinanap ang kalaban. Nasa kumpol ito ng mga nagdiriwang. Pagkakita niya rito'y bigla niya itong hinablot at kinwelyuhan.
"You cheat!" nagngingitngit na akusa niya rito. "Kahit kailan hindi ka patas lumaban!"
Susuntukin na sana niya ito nang marinig ang boses ni Vina.
"Marius! What are you doing? Bitiwan mo nga si Niko!"
"There was no rules. Alam mo iyan. I won fair and square! Kasalanan ko ba kung pinanganak akong madiskarte? Ang engot mo kasi, e!"
"Engot pala, ha?" Binitawan niya ito at binigwasan sa mukha. Pumutok ang labi nito at bumagsak siya sa lupa. Nagulat ang mga miron.
"What a sour loser," narinig pa niyang bulung-bulungan nila. Pero wala na siyang pakialam doon. Gusto pa sana niyang tadyakan si Niko pero pumagitna na si Vina. Lumuhod ito sa harap ng lalaki at pinahiran ng panyo ang dumugo nitong labi.
"Kita mo na ang ginawa mo? You haven't changed, Marius! You're still the same violent guy I've known since kindergarten!" galit na tungayaw nito sa kanya. "Accept your defeat like a true man!" dugtong pa nito.
Parang bigla siyang natauhan. He flinched. Kaya niyang tanggapin ang panghuhusga ng buong crowd sa kanya. Wala siyang pakialam. Pero ibang usapan na iyong galing kay Vina.
Naramdaman niyang may umakbay sa kanya at inakay na siya palayo kay Niko. Nagsilapitan na kasi ang mga barkada nito at mukhang reresbakan sila. Ganunpaman, hindi agad nagpahila si Marius. He looked back at Vina one more time. Halos maiiyak na ang mukha ng babae nang magkatitigan sila. She seemed frustrated.
Nailayo na siya ng kakambal nang sumabog ang galit ng mga barkada ni Niko. May mga nakamotorsiklo na hahabol pa sana sa kanila pero nakita niyang pinigilan sila ni Vina. Napasandal siya sa upuan. Bigla siyang nanghina. Naalala na naman niya ang sinabi sa kanya ng dalaga at nanggigil na naman siya kay Niko.
"Bullshit!" nasambit niya under his breath. Napatingin sa kanya si Markus.
"Maraming gasgas ang kotse. How would you explain it to Dad?"
"Dumaan muna tayo kina Mang Andoy. I want to just calm my nerves."
4
BINABASA MO ANG
PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
Teen FictionSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #1 (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********** Bully ang pagkakakilala ni Marius kay Vina dahil kinder pa lang sila ay mapagmataas na ito't mapagmalaki. Galing daw kasi sa angkan ng mayayaman. Kung tratuhin sila ni M...