A/N: Salamat sa mga readers na walang sawang sumusuporta nito. Sige po, kapag marami po lagi ang votes at comments ay araw-araw po ang updates! :)
********************
Nangunot ang noo ni Marius nang sa pag-akyat niya sa second floor ng cafeteria ay nakita niyang may pinapaikutan ang mga estudyanteng naroroon. Narinig niya agad ang boses ni Marie.
"Do you really think Marius would fall for you? Ang lakas din naman ng self-confidence mo! You still live in the past, don't you? I know your family used to be rich. And I also know that you used to be the 'it girl'. Pero---they're all in the past."
May napasinghap sa grupo ng mga miron.
"What do you mean to say, Marie? That Vina's family is now poor?" madramang tanong ng isang kaboses ni Ritz. Nang lumapit nang kaunti si Marius, nakita nga niyang sa babae galing ang mga tanong na iyon. May matching incredulous face pa na halata namang pag-iinarte lang.
"Yup, folks! Totoo ang narinig n'yo. I heard from a reliable source that her dad left her mom for a young woman our age. Kaya nabubuhay na lamang sila ngayon sa kakarampot na sustento ng babaero niyang ama."
Napasinghap ang ibang miron sa narinig. Lalo namang nangunot ang noo ni Marius. May naisip siyang nagpainit ng kanyang ulo. Hindi kaya nagpanggap lang si Vina na may gusto sa kanya noong isang araw dahil gusto siyang gamitin nito para makabalik sa sosyedad na dating ginagalawan?
"Where do you get those wild ideas? Dad is still living with us. We are still one big, happy family! Baka ang daddy mo ang gumagawa niyan? Afterall, gawain naman ng mga gobernador ang mambababae!"
"Impakta ka!" at bigla itong sinugod ni Marie ng kalmot at sabunot. Walang naglakas-loob na pumigil sa dalawa. Do'n na pumagitna si Marius.
"What are you guys doing? Kababae n'yong tao nakipagrambulan kayo rito. Hindi na kayo nahiya!"
"Oh Marius! Mabuti't nandito ka. Did you hear what she said about my dad?" sumbong ni Marie sa kanya. Nagpapakampi. Kumapit ito sa braso niya at hinilig pa ang ulo sa kanyang balikat. Siniko niya ito nang bahagya.
"I heard what you said to her, too Pare-pareho lang kayo."
Bumitaw sa pagkakakapit sa kanyang braso si Marie at tumulis pa ang nguso. Nangatwiran pa ito. "She provoked me! I wouldn't have sait it, if she didn't provoke me."
Hindi na ito pinansin ni Marius dahil nakita ng binata kung paano naningkit ang mga mata ni Vina nang sabihin niyang pare-pareho lang sila ni Marie. Nabatid niya agad na nagalit na naman sa kanya ang dalaga. Para hindi na madagdagan ang galit nito, he turned to the crowd and reprimanded them.
"Kayo naman, imbes na sawayin n'yo ang dalawang babae, ginatungan n'yo pa. Mga wala rin kayong kuwenta!"
"Rin? D'you mean to say---wala akong kuwenta sa pagpatol diyan sa Marie na iyan?" naiinis na sabat ni Vina. Namumula na ang pisngi nito.
Hindi nakasagot si Marius.
"Totoo naman, a. You're walang kuwenta! Why don't you leave St. John's? Poor people like you, don't belong here anymore," sigaw naman dito ni Marie.
"We're not poor!" sagot naman agad dito ni Vina. Mangiyak-ngiyak na.
May nasundot sa damdamin ni Marius. Kaagad niyang nilapitan ang dalaga.
"Oh yeah? Then why don't you come to school in your Lexus, anymore? Dahil ba sa you sold that car na to pay for your mom's casino debts?" si Ritz naman. Nakapamaywang pa.
Nagbulung-bulungan na ang mga naroon. Pati si Marius ay na-shocked sa narinig. Pero siyempre hindi niya iyon pinahalata. Hinila niya ang kamay ni Vina at nilayo sa crowd. Nagsusumigaw pa sana si Marie na layuan niya raw ang mapagbalatkayong babae, pero hindi niya ito pinansin.
Nang makababa na sila ng cafeteria, tinabig ni Vina ang kamay niya.
"O-Okay na ako. Salamat na lang," matabang nitong sabi.
"I-Is it true?" nakuha niyang itanong. Noong isang buwan pa kasi niya pinagtatakhan kung bakit lagi na lang itong naka-hitch sa mga kaibigan sa pagpasok sa school. Ang tagal na nga niyang hindi nakita ang Lexus nito.
"Which one?" taas-noo pa nitong sagot sa tanong niya.
"Marie's accusations."
"She's insane! Nabaliw na siguro sa kaiisip sa iyo," sagot nito at nauna nang tumungo sa exit ng cafeteria. Hahabulin pa sana ito ni Marius, pero dumating na si Niko. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila at bigla na lang itong lumapit sa kanya para sitahin sana siya kung hindi maagap na napigilan ni Vina.
"Let's get out of here!" sabi ng dalaga rito.
"Let me first punch this guy for making you cry."
"Subukan mo kung kaya mo," hamon naman ni Marius.
Aarangkada sana si Niko, pero mabilis itong nahila ni Vina. Tinulak ito ng babae palabas ng cafeteria at do'n na nag-explain kung ano'ng nangyari. Nakita ni Marius na napatingala si Niko sa second floor at parang nanlisik ang mga mata. Pero napakiusapan din ito ni Vina na umalis na sila ro'n.
Sinundan ni Marius ng tingin ang dalawa. Hindi niya maipapaliwanag ang damdamin. Sa kabila ng narinig niya na maaaring isang katotohanan, hindi nabawasan ang paghanga niya sa babae.
Dahil ang layo ng narating ng kanyang isipan, hindi niya namalayan ang paglapit ng kakambal. Nagulat na lang siya nang maramdaman ang pag-akbay nito sa kanyang balikat.
"Iyan kasi. Ano ba ang sabi ko sa iyo? Opportunities only knock once. If you heard it knocking, open the door right away and let it in, or else it will be gone forever."
No'n naman nawala sa tingin niya sina Vina at Niko. At nakaramdam siya ng ibayong lungkot.
BINABASA MO ANG
PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
Teen FictionSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #1 (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********** Bully ang pagkakakilala ni Marius kay Vina dahil kinder pa lang sila ay mapagmataas na ito't mapagmalaki. Galing daw kasi sa angkan ng mayayaman. Kung tratuhin sila ni M...