Nagulat si Vina sa masigabong palakpakan na sumalubong sa kanya nang siya'y matapos sa pagtipa ng huling nota ng isa sa mga komposisyon ni Beethoven. Masyado siyang nadala ng musika kung kaya nawala sa kanyang isipan ang mga tao sa bulwagang iyon. Nang humarap na siya sa mga ito, hindi siya makapaniwala na binigyan siya nila ng standing ovation. May mga sumigaw pa ng, "More!" Sinenyasan siya ng hotel manager na mag-perform pa raw ng isa pang klasikong tugtog. Matapos ang kanyang performance, nilapitan siya nito.
"Ang galing-galing mong tumugtog, hija. Hindi ka lang pala pretty face, may kakaiba ka pang talento," nakangiti nitong bati. "Dahil sa pinamalas mong galing, mula sa araw na ito ay kinukuha ka na naming regular na pianista. Pupwede ka ba ng gabi-gabi?"
Nabigla siya. Ang inaasahan lang niya ay ang mabigyan ng kahit isang gabing pagkakataon. Malaking bagay na iyon para pandagdag sa kita niya.
"Ano po kasi---I'm still studying. So I don't think I can work every night. But if you want, I can come here M-W-F and weekends."
Ngumiti nang malawak ang manager at kinamayan siya. Niyaya agad siya nito sa kanyang upisina. Doon na raw nila pag-usapan ang kontrata. Habang naglalakad sila papunta doon, nahagip ng paningin niya ang isang pamilyar na bulto ng babae na papasok sa lobby ng hotel. Ang kanyang ina! Suot na naman nito ang revealing red dress. May sumalubong ditong isang mamang naka-Amerikana. Humalik ang mama sa kamay ng mommy niya.
"Is there a problem, hija?" bigla na lang ay tanong ng manager. Sinundan nito ng tingin ang tinitingnan niya. Kaagad siyang umiling.
"Wala po. I thought I saw somebody I knew."
Hindi na nang-usisa pa ang matandang lalaki at sinikap na ring kalimutan ni Vina ang nakita. Pero maya't maya'y pumapasok sa kanyang imahinasyon ang nasaksihan.
**********
"Pagkatapos ng buwis-buhay mong rescue operation ni wala kang nahita sa babaeng iyon? Kahit kailan kilos-pagong ka talaga, Kuya! Kung ako iyon, no'ng gabi ring iyon nagsayawan na ang mga tala."
Pinaningkitan niya ng mga mata si Matias. Pero hindi ito tumigil.
"What's the plan now? Hahayaan mo na lang ba ang babaeng iyon sa hambog na Italyanong syota niya? Okay na lang ba sa iyo ang pagmasdan siya sa malayo?"
"Kasi naman you already had a chance with her during the Pink Festival, but you blew it, Kuya. What were you thinking?" sabat naman ni Morris. Nasa paligid lang pala nila ito.
Bago pa maka-react si Marius itinaboy na ni Markus si Morris. Naghagikhikan silang lumayo ni Moses. Kanina pa pala nakikinig ang dalawa sa usapan nilang tatlo.
Pagkatapos mapalitan ni Marius ang gulong ng motor niya nahiga na siya sa sahig ng garahe. Nakatingin sa kisame. Lingid sa kanya, nagkatinginan ang dalawa niyang kapatid at parehong napailing-iling.
"One, true love kasi. Kaya ganyan. When it comes to Vina, tuliro iyan. He doesn't know what to do. Noong nilalapitan ng babae, aayaw-ayaw. Ngayong may nakita na iyong isa, hahabul-habol. Parang babae 'to, e," bulong kunwari ni Markus kay Matias pero sinadya namang iparinig kay Marius. Hindi umimik ang huli. Hinayaan niya lang ang kambal.
"Are you telling me na virgin pa rin si Kuya Marius?" tanong naman ni Matias at napasinghap pa ito kunwari sa paraang hindi makapaniwala.
Bumangon na si Marius at binulyawan ang dalawa ng, "Hoy!"
Naghagalpakan naman ng tawa ang mga kapatid. At pilit siyang pinapaamin ng mga ito kung totoo ngang virgin pa siya.
**********
BINABASA MO ANG
PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
Teen FictionSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #1 (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********** Bully ang pagkakakilala ni Marius kay Vina dahil kinder pa lang sila ay mapagmataas na ito't mapagmalaki. Galing daw kasi sa angkan ng mayayaman. Kung tratuhin sila ni M...