Ang kagandahan ko nga naman, kailanman hindi nawawala. Isa lang naman ang misyon ko ngayon: Ang mapa-ibig ang mahal na mahal kong si Daniel Pangilinan. Isa siyang napakasikat na teen star at naswertehan akong nanalo ako sa isang songwriting contest. Ang premyo ay ang katuparan ng wish kong maka duet si Daniel. They didn't disappoint me. Masaya ako na kumanta kami ni Daniel ng "Nandito ako" sa stage. Nakakakilig. Nakakaba. Pero masayang masaya ako.
I've been his fan for 3 years at never akong bumitaw. I collect all his albums, pictures, movies at iba pa. Ako si Denise Ocampo, his number one fan. The first time nagkita kami, mabait naman siya. Man of few words. Minsan lang ngumiti, pero gwapo talaga. Matangos ang ilong at yung mga mata niya mala Zac Efron ang dating. Ang tawag ng marami sa kanya ay tisoy. Kaya naman hindi ko siya magawang titigan nang matagal kasi malamang, matutunaw ako.
Pagkatapos ng duet namin kahapon nag-request ako na mag lunch kami together kasi may importante lang akong sasabihin. Pumayag naman ang manager ni Daniel. Today will be my last chance para makausap siya. I want to tell him how I feel. It's now or never. Here he comes. I looked at him, he's just so perfect. Nagsuot siya ng black na polo at naka shades. "Hey," Nakakatulala pati boses niya nakakagaan ng puso. "Hey, Denise, okay ka lang?"
I snapped, "Ay! Daniel! Nandito ka na pala. Buti dumating ka." I tried to calm. Ngiti-ngiti nalang ako. Wala eh, sobrang kaba at saya. Di ko tuloy maintindihan ang nararamdaman ko. Nasa harapan ko siya, kasama ko pang kumain.
"So," He sat on the chair in front of me and smiled softly, "Anong gusto mong sabihin?"
"Ahh kasi...ano..ano ba yan nahihiya ako..."
"Paki bilisan lang kasi may appointments pa ako." Mas kinabahan pa ako lalo. Ano ba yan nakaabla ako sa mga gagawin niya. Pero heto na..."Daniel, may kailangan kang malaman," Nanginginig na ang mga kamay at paa ko,"Gusto kita, noon pa. Sana pwede maging tayo."
Mabilis kong pinikit ang mga mata ko. Natatakot Makita ang reaksyon niya. Pero bigla, tumawa nang malakas si Daniel. "You're serious?! Hahaha!" At mas lumakas pa lalo at tawa niya. Hindi ko siya naintindihan. "Akala ko conservative kang tao, hindi pala! Ang lakas ng loob mo haha!" Nawala na ang ngiti sa mukha ko.
"Ano sabi mo?" Nagsimula na akong mainis sa kanya. Unti-unting huminahon siya sa kakatawa. "Kung hindi lang talaga ako pinilit ng manager ko na pumunta dito hindi ako pupunta." He took a sip from his cappuccino. "Pero okay lang, nakakatawa ka naman eh. Sige ha, alis na ako." I can't believe it. Eto ba talaga ang Daniel na minahal ko? Jusko, ang sakit. "Sandali" He stopped.
Tumayo ako sa harap niya. "Alam mo, okay lang sana kung binusted mo ako. Pero pinagtawan mo pa ako. Alam kong nakakahiya tong ginawa ko pero ginawa ko pa rin. Akala ko kasi gentleman ka. Sorry, mali pala ako!" Nagtinginan na ang mga tao. Mabuti nalang naka disguise si Daniel kundi malalaman ng taong bayan to. "Lalabas din ang ugali mo sa publiko. Babagsak ka rin." At ulit, tumawa siya. Lokong to! He said, "I'll wait for it, Ms. Ocampo." Taas lang ng kumpyansa brad!
I walked away pero may nakalimutan pala ako. Sabi ko kay Daniel, "Ikaw ang magbayad ng bill." He smiled at nakakainis niyang sabi, "Sure, basta ikaw." Sabay nakakabwisit na kindat.
I realized that I need to stop this fantasy. Walang true love. Wala kaming chance. Sana nung narinig ko si Daniel na sinabi sa manager niya na ayaw niya maka loveteam si Claire (ang bestfriend kong artista) dahil wala daw silang Chemistry, sana naniwala na ako sa sign na yun.
Tama nga siguro ang sabi nila. Maganda nga ako pero tanga naman sa pag-ibig. Pero kahit paulit-ulit ko itong pagsisihan, alam ko sa sarili ko na wala na talagang mangyayari. Tapos na eh. Ang tangi ko nalang magagawa ay kalimutan ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Second Time (Inspired by SueNie)
RomanceEverything has it's chances. Tulad kay Denise Ocampo. She finally had the chance to meet and sing with her celebrity crush, Daniel Pangilinan. After that, akala niya magtutuloy ang kanyang pangarap- ang mapa-ibig si Daniel. Pero hindi nangyari at ba...