-Denise's POV-Lahat kami nagulat sa naging reaksyon ni Daniel. Alam ko namang kasalanan ko rin, nadamay siya sa "Prank" namin kay Claire. Kahit nung mga bata pa kasi kami yan na lage ang ginagawa namin. Nasanay na kami. Pero ngayon, sino bang mag-aakala na magagalit at maiinis nang ganun si Daniel?
"Nak," Lumapit sa akin si nanay,"Kahit ayaw ko dun sa tisoy na yun mukhang kailangan natin humingi ng dispensa."
"Pero maliit naman siguro yun na bagay,nay." Paliwanag ko.
"Ako nalang ang kakausap kay Daniel." Sabi ni kuya Roy.
"No," Claire spoke, "Ako na. Okay lang, alam ko namang makikinig siya sa akin."
Tumingin ako kay Claire at direstong nagsalita, "Gusto ko ako ang kumausap kay Daniel. Okay lang ba?" Then she nodded and put a smile on her face. It seems like there's something behind that smile, something I must know.Nagpatuloy pa rin ang kainan namin kasama si Claire. At nang tumingin ako sa cellphone ko, nabasa ko ang isang text from Joe kagabi. Sabi niya,"Goodnight, baby love." Baby love?? Hinintay ko ang text niya mula gabi hanggang sa gumising ako sa umaga. Pero wala. Oh well, maybe it's time for him to stop. Wala naman din akong pakialam.
After lunch, pumunta ako sa bahay ni Joanna para dun mag-ayos. Dun din kasi pupunta ang stylist niya at sasabay nalang ako. Ang pangalan ng nag make-up sa akin ay si Jackie, pero ang totoong pangalan ay Jack.
Linagyan niya ng powder ang mukha ko tapos make-up. Inayos niya rin ang buhok ko. At pagkatapos, sinuot ko na ang gown. Paglabas ko galing sa kwarto dressing room ni Joanna, tulalang nakatingin sina Joanna at Jackie sa akin. May mali ba sa itsura ko?
"Bestie! Oh my God!!" Ano? Iiyak ka ba Joanna? Ang OA ha!
"Ang ganda mo te promise!" Isa pa to si Jackie!
"Pero alam mo Jackie," ay dinedma agad ako? Grabe ka Joanna! "Blooming yan kasi may kakausapin siyang espesyal na tao mamaya!!" Kilig na hiyawan ng dalawa. Grabe sila!
"Tumigil na nga kayo," sabi ko, "Ano naman ngayon kung kakausapin ko si Daniel?"
"Oh kita mo ha! Si Daniel nga ang dahilan kung bakit blooming na blooming!" May sinabi ba akong ganun? Parang wala naman yata.So moving on, chos kung maka moving on! Haha! Heto na nga, tapos na kami magbihis at ready na ang sasakyan na gagamitin namin. Isang oras kami bumyahe dahil sa nakaka iritang traffic. At sa wakas nandito na kami sa Hanford Hotel kung saan gaganapin ang debut ni Claire.
Pagpasok namin sa loob ng function room, nagulat kami sa kaganda ng party ny pinsan ko. Ang daming chocolate fountain, Hollywood red carpet ang theme at ang daming napakabigating artista na dumalo. At isa na dun si Daniel. I saw him at hindi ako nagdalawang-isip na puntahan siya. I spoke to him, "Hi" And he said the same thing back. Medyo awkward talaga sa una.
Then I said to him, "I want to apologize sa nangyari kahapon. Lage kasi kami gumagawa ng ganun prank. Hindi naman namin alam na madadamay ka. Pasensya talaga naabala ka tuloy."
"Mabuti naman alam mo." sabi niya. Ang cold.
"Huwag kang mag-alala hindi na yun mauulit. Hindi na kita aabalahin pa. Sige bye." Tumalikod ako sa kanya at nagsimulang maglakad palayo nang bigla niyang hinawakan ang balikat ko at napalingon ako sa kanya. "Alam mo ba kung bakit ako nagalit?"
"Syempre. Kasi naabala ka."
He smiled, "Hindi. Kasi mahal kita at ayaw kong may mangyari sa'yo." We were silent for a moment. At hindi ko namalayang lumalapit na pala ang mukha niya sa akin. Pero Lord naman bakit ganito. Nagising ako sa katotohanan. Panaginip lang pala yun.Tumawa si Joanna na nasa tabi ko sa sasakyan. Ang weird daw kasi ng mukha ko habang natutulog. Sapakin ko kaya 'to!
Tumingin ako sa paligid. Ito ba ang daan patungo sa hotel? Mukhang hindi ah! I asked Joanna in a soft voice,"Ito ba ang usual driver mo Joanna?"
"Mukhang hindi eh." She whispered to me. "Sabi niya kasi substitute daw siya ni manong dahil masama ang pakiramdam." Seryoso? Hindi maalis ang kaba sa dibdib ko. Bakit ba ako nanginginig sa takot?
"Pero Joanna,"binulongan ko siya ulit,"hindi ito ang tamang daan." At mas lalo pa ako kinabahan sa reaksyon ni Joanna. Kung natakot siya, mas doble ang takot ko. She tried to ask the driver as normal as possible, "Kuya, ito ba ang daan patungo sa Hanford hotel?" Hindi sumagot ang driver. Nagdududa na kami. Sa takot namin, hawak namin ang kamay ng isa't isa.
BINABASA MO ANG
The Second Time (Inspired by SueNie)
RomanceEverything has it's chances. Tulad kay Denise Ocampo. She finally had the chance to meet and sing with her celebrity crush, Daniel Pangilinan. After that, akala niya magtutuloy ang kanyang pangarap- ang mapa-ibig si Daniel. Pero hindi nangyari at ba...