3 years later...-Denise's POV-
After my graduation, pumunta ako sa Switzerland. Dun ako unang nagtrabaho kasi kilala ng auntie ko yung boss sa isang publication. I'm now a writer. Matagal kong pinangarap 'to.
Nasa office ako ngayon. Biglang may kumatok. "Is Ms.Ocampo busy?" A guy said.
I smirked, "May pa-English ka pa diyan Jason!" He closed the door and sat on the sofa in front of me.
Well apparently, nagkita kami dito sa Switzerland. Hindi naman masyadong malayo ang apartment namin. Nagpapasalamat akong nandito siya kasi siya yung nag guide sa akin nung bago pa ako dito.
"Ah Denise, medyo busy kasi ako ngayon."
"May ipapagawa ka sa akin?"
"Yeah, may classmate tayo nuon na nandito sa Switzerland ngayon. Kailangan niya ng guide dito."
"Talaga? Sino?"
Nagulat ako nang biglang may taong pumasok sa pintuan. What the-
"Long time no see." Si...si Dani...Danica!!! Niyakap ko siya. She's my bestfriend at classmate sa Chemistry class. Though medyo late kami nagkakilala nun. She spoke, "Gusto mong mag beach?"
"At this time?""No, mamayang gabi. Game?"
I smiled, "Sure, game!"
"Ah...girls?" Jason said, "Pwede ba ako sumali?"
"Sure!!" Pareho naming sabi.
It's already 7pm. Ito yung pinagkasunduan namin na oras. Sa labas ng apartment ko, nandun na pala ang sasakyan ni Jason at nasa loob na si Danica. It was almost an hour ride. Medyo malayo din pala ang beach dito.
Nasa counter kami at after mag check in hinanap namin ang dalawang kwarto, isa sa amin ni Danica at isa kay Jason. Maya-maya, umalis kaming tatlo sa labas ng kwarto at pumunta sa beach. We were sitting on the sand ng biglang sabi ni Danica, "Denise, kukuha lang ako ng drinks and foods ha. Samahan mo ako Jason."
"Sige. Damihan niyo ha. Gutom na ako!" Biro ko. Then they left.
Since when was the last time na ganito ako ka relax? Yung walang pag-alala, walang iniisip. Kahit anong gawin ko dito ngayon, walang makakakita. This is the moment I've been waiting for.Then suddenly, may lights sa buong paligid. May fireworks sa itaas. May kantang "Especially for you" din na nakatugtog. Ano to? Anong nangyayari?
"So I guess iniwan ka na nila." That voice...
I turned around, and my tears almost burst. It's him, at hindi na 'to panaginip ko lang. "Daniel" I said his name for the first time in 3 years. Na miss ko siya, sobra!
"Sorry ngayon lang ako nagpa-" I hugged him tight, so tight na parang ayaw ko na mag let go. "Na miss mo ako?" He asked me.
"Sobra" I cried. "Nabasa ko sulat mo." I pulled myself away as he wipe my tears.
"Anong reaksyon mo?"
"Parang ganito," Nag acting ako na parang nagulat. Natawa kaming dalawa.
Nakita ko sa may hotel area sina Jason at Danica. Hindi naman pala sila bumili ng pagkain at drinks. Itong dalawa talaga!
"Pero seryoso, kung nabasa mo ang sulat ko, ba't 'di mo ako piniglan umalis noon?" He looked serious.
"Kasi alam kong makakabuti sa'yo ang business mo. Sino ba naman ako para humadlang diba?"
Oh that sweet smile. Na miss ko yan. "I love you, Ms.Ocampo."
"I love you too, Mr.Pangilinan"
Minsan sinasabi natin na sa mundong ito, walang happy ending, walang fairytale. Pero hindi naman masama na maniwala ka. Baka di mo lang alam, may darating na taong tinadhana sa'yo sa tamang panahon. At kapag dumating na ang panahon na ito, huwag na huwag mo na siyang bibitawan.
THE END.
Author's Note: Hi guys! Natapos na ang story at maraming salamat sa lahat na bumasa!!! I love you all!! Nakakaiyak kasi ma miss ko ang storya ni Denise at Daniel, pero may isa pa akong ginagawa ngayon sana suportahan niyo. Ito po ang "The Third Eye" promise kikiligin kayo!
https://www.wattpad.com/story/153884770-the-third-eye-kathniel
Sana basahin nyo po ito. Salamat!
BINABASA MO ANG
The Second Time (Inspired by SueNie)
RomanceEverything has it's chances. Tulad kay Denise Ocampo. She finally had the chance to meet and sing with her celebrity crush, Daniel Pangilinan. After that, akala niya magtutuloy ang kanyang pangarap- ang mapa-ibig si Daniel. Pero hindi nangyari at ba...