The Second Time Chapter Twenty-eight : Missing

181 12 2
                                    

"Ms. Ocampo."

It's been two weeks since nag shooting kami ng last scene for the film. And from that moment until now, hindi na nagpaparamdam sa akin si Daniel.

"Ms.Ocampo!"

Hindi ko na nakikita sa Chemistry class, sa gym o kahit sa campus. I asked Claire pero hindi niya rin alam. Baka umalis na siya. For good this time.

"Ms.Ocampo! Kanina pa kita tinatawag!!"

Nagulat ako at tumayo. "Yes mam?" The whole class is staring at me. Afternoon na pala. Philippine history class.

"Sagutin mo ang tanong ko Ms.Ocampo."

"Yes mam." Napalunok ako.

"If ikaw si Rizal, would you die for your country?"

I paused for a moment pero hindi para mag-isip ng isasagot. May naalala lang ako. "Yes, I would." They are all still staring at me. "Kasi ganun naman talaga kapag mahal mo gagawin mo lahat."

The teacher smiled at me."Kahit wala na sa'yo?" Ang balita ko heartbroken si mam kaya minsan wala siya sa mood at minsan naman may hugot. I faked a smile, "I don't care anymore."


And that's true. Wala na akong pakialam. Tungkol kina Claire at Daniel, at lalo na kay Joe. Kilala ko na siya. He's my childhood friend at nakalimutan ko na siya. His name is Robert Joe Santiago. I used to call him Bert so never nag sink in ang Joe sa akin.

Two weeks ago, I received a text from Joe. Sabi niya tingin ako sa window and I did. Siya ang nakita ko then he spoke, "Surprised?"

I kept the disappointed feeling inside of me, "You bet. Grabe ka, maypa text pa. Hindi naman kailangan."

"Hindi ka galit?" Of course I am. Pero hindi ko pwede ipakita sa'yo. Friends eh. Siguro may ine-expect akong iba. "Hindi." I responded.

Sabi niya, "So pwede tayo mag hangout?"

"Ngayon pa lang sasabihan na kita na ayoko," I said in a harsh tone, "ayoko maging paasa." Then I closed the window. Without any word, umalis si Bert. And I think that's the best thing.

Natapos na rin lahat ng classes ko. Kasama ko si Joanna sa Classic café para mag chill. Pero imbis na mag chill, puro homeworks at reports ang iniisip niya. "Bukas na ang deadline. May report din bukas. Economy class...history...Geometry class...Lab sa Chem..." And blah blah ang dami niyang daldal.

Nang 'di ko na natiis sinabihan ko siya, "Bestie, relax ka nga. Nandito tayo sa café oh."

"Kasi naman eh malapit na matapos ang sem. Alam mo na."

"Mag relax ka muna kahit 10 minutes lang. Nagkaka eye bags ka na oh."

Kumuha siya ng salamin at tinignan ang mukha niya. Then she faced me with a sad look, "Ako lang ba ang may eye bags?" Eh? Bakit? Then she pointed at my face. I swear, wala akong-Oh my gosh meron nga!

Hindi kasi ko mahilig magsalamin at mag-ayos sa sarili. Ngayon ko lang napansin ang eye bags na'to. "Hindi ka nakakatulog?" Sabi ni Joanna.

Sad but yes ang dapat na sagot. But she answered, "Nakakatulog naman. Stress lang siguro."


She gave me a look na parang hindi naniniwala na stress lang. But whatever. I can't sleep peacefully. Not when everytime I close my eyes I see the image of Daniel.


*Author's note: Nasaan kaya si Daniel? Abangan ang twist guys!! At maraming salamat sa pagbasa! Sana suportahan niyo rin ang next story ko entitled "The Rose He Gave" coming soon po. Love you all :)

The Second Time (Inspired by SueNie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon