She's the reason why I'm here.Totoo kaya yang sinabi ni Daniel? It means gusto niya talaga si Claire? But whatever, hindi ko ipagkakaloob sa kanya ang pinsan ko. Never!
I woke up early today. Himala. Pagdating ko sa Chemistry class, mas maaga pa pala sa akin si Jason. "Good morning labs!" He greeted me with his cute smile. Nagtilian naman ang mga babae sa likod. "Ayiee ang sweet ng mag jowa!!" Hindi ko pa nga sinasagot. Grabe sila.
Umupo ako at ngumiti kay Jason."Good morning din. Nagawa mo ba yung assignment ni mam?"
"Oo, natapos ko rin. Ikaw?"
"Hindi eh kasi-"
"Girls, ba't absent na naman si Daniel?"
Napatahimik ako. Napatingin ako sa upuan ni Daniel. Kahapon pa siya absent. Sabi niya kasi hindi siya papasok hangga't hindi ako pumapayag sa gusto niya. "Oo nga labs noh, isang beses lang yung Daniel na yun pumasok. Baka naman nag quit na siya."
Quit? Oo, nag quit talaga!!
"Okay lang ba sa'yo na katabi ko siya dito?" Ang pranka ng tanong ko ha!
"Honestly, hindi." Sagot niya. Ayan na. May naamoy na ako. "But we don't have a choice diba? Besides, there's no way na gusto mo siya diba?" Oh. 'Di nga. Bigla naman dumating si mam. Ang timing mo man gustong gusto ko!
"Okay, class. Today, we will discuss about positive and negative energy. Pero bago muna yan, naniniwala ba kayong opposite attracts?"
Ayan. Ang favorite topic ng mga girls. "Mam! Oo naman!" Sabi nung isa. Natuwa si mam, "Of course, sa Science oo. Pero believe me in reality, hindi. Kung ang taong gusto mo ay ibang-iba sa'yo, sigurado hindi kayo magkakasundo. Away ang kasunod niyan."
May nag raise ng hand. "Yes, Mr.Garcia?"
"Eh paano po mam kung gusto mo talaga yung tao na hindi bagay sa'yo?"
"Alam mo simple lang eh. Humanap ka yung bagay sa'yo. Mag move on ka at magiging masaya ka."
"Hindi rin," I whispered to myself. Sumagot ulit yung kaklase ko, "Pero mam kung hindi po mag work at gusto mo pa rin yung isa?"
"Eh di magpaka tanga! Uso yan diba? Sige, magpaka gaga kayong lahat!" Ang high blood niyo po mam! Relax lang po! Kung maka hugot kasi.
"Mam," May isa na namang nagsalita, "You're saying po moving on is the best thing to do? Humanap ng iba at isuko yung feelings mo sa taong nakasakit sa'yo?"
"Yes," Mam answered
"Hindi rin." Sabi ko at nakatingin silang lahat sa akin. Malakas yata boses ko.
Nagyaya sa akin mag lunch sa labas ng campus si Jason so nandito kami ngayon sa mega mall. Kumain kami sa isang fast food chain. Linibre niya ako. At pagkatapos, pumunta muna ako sa restroom. Tumingin ako sa salamin at biglang may pumasok na pamilyar na babae. Wait a second, manager ni Daniel na si Ms. Minchie!
Nakita niya ako at kinamusta. "Nadine! Long time no see!""Denise po. Mabuti nagkita tayo ulit, Ms. Minchie."
"Ay Denise pala sorry. Kumusta ka na?"
"Okay lang po."
"You know, nalaman ko yung pag confess mo kay Daniel."
"Ay huwag na po natin balikan nakakahiya po." Sabay awkward na tawa.
"Alam mo pagkatapos nun," Sabi na ngang huwag balikan eh! "Hinahanap ka niya." EH? "Sinubukan ka niyang hanapin kasi gusto ka niya makilala nang lubusan. Alam mo yang si Daniel, mahilig yan mang-asar pero gusto niya yung mga babaeng matapang at hindi natatakot." Gusto? Tama ba dinig ko? "Many girls have confessed to him pero ikaw lang ang tanging hinanap niya pagkatapos. I think you should talk to him. Bigay ko number niya sa'yo."
"Ah huwag na po. Di ko naman kailangan." I actually don't know what to respond.
"Sigurado ka bang wala ka ng feelings sa kanya?""Po? Ah wala na po matagal na yun. Nakakahiya nga eh."
"Sige. Ikaw bahala," She came closer to me, "Basta always remember to follow your heart. Okay?" She smiled at me and I smiled back. "Oh eto pala call number ko. In case you need it. Yung old number ko wala na yun ha? Sige bye na!" At umalis siya at ako'y tulala. Ano bang ibig sabihin ng sinabi ni Ms. Minchie?
Buong gabi ako nag-isip sa linyang sinabi ni Ms.Minchie. Gulong-gulo na ang isipan ko. Everything has got me confusing.
Sinubukan ka niyang hanapin kasi gusto ka niya makilala nang lubusan.
Eh di magpaka tanga! Uso yan diba? Sige, magpaka gaga kayong lahat!
Tanga nga talaga ako.Basta always remember to follow your heart.
Hawak ko phone ko. I dialed Ms.Minchie's number. "Hello? Ms.Minchie? This is Denise. Pwede bang malaman ang address ng bahay ni Daniel?"
BINABASA MO ANG
The Second Time (Inspired by SueNie)
RomanceEverything has it's chances. Tulad kay Denise Ocampo. She finally had the chance to meet and sing with her celebrity crush, Daniel Pangilinan. After that, akala niya magtutuloy ang kanyang pangarap- ang mapa-ibig si Daniel. Pero hindi nangyari at ba...