-Daniel's POV-
There's something na hindi ko sinsabi sa team ko at kay Denise. After the first quarter of the game, bago pa man sinabi ni Denise ang plano ng kalaban namin, alam ko ng may masamang mangyayari. Before the game started, maagang dumating ang Black Sparrows team. Napansin ko lage nila kami pinagtatawanan habang nage-exercise. Parang gusting maghamon. Malapit na sana yung kaibigan kong si Drake magsimula ng away sa kanila pero pinigilan ko.
Maya-maya, bago kami kinausap ni coach tungkol sa strategy, lumapit sa akin ang isa sa miyembro ng Sparrows. His name is Lance. "Brad, kumusta injury mo?"Nagtaka ako."Bakit?"
"Diba nakidnap si Denise tapos-"
"Teka!! Huwag dito!!" Sigaw ko. Buti nalang busy sila sa pagpa plano at hindi nakarinig. Napansin ako ni coach. "Mr. Pangilinan, okay ka lang?" I replied, "Opo coach" At pumunta kaming dalawa sa malayo. Then I said, "Paano mo nalaman kinidnap ako?"
"Usap-usapan sa grupo namin." Ha? Lumalabo na ang usapan. I spoke, "But no one knew that except sa nakidnap."
"Isa sa kagrupo namin ang kumidnap kay Denise." Nagulat ako. Sino?! Sino ang gagong yun?! "Although wala na siya sa team ngayon."
"Bakit mo 'to sinasabi sa akin?"
Then he sighed, "May plano ang grupo kong ikidnap si Denise dahil galit sila kay Jason."
"What?! Hindi pwede yan!!"
"Kaya ko sinasabi 'to kasi ayaw kong ng ganitong eksena na kidnapan."
"Hindi ako papayag na saktan niyo siya!"Uminit na ang ulo ko. Lumakad ako papunta sa Black Sparrows para suntukin ang mga hayop na pagmumukha nila nang inawat ako ng kausap ko. "Sandali! Hindi solusyon yang pagsusuntok!""Anong gusto mong gawin ko ha?!"
"Lose the game."
"HA?"
"Kung ibibigay niyo ang tagumpay sa amin, wala kaming sasaktan."
"You're full of coward sh*t!!""Ikaw ang bahala. Win or lose." At umalis siya.
That time, I already have decided. I need to stay on the game and lose for Denise's sake.
-Denise POV-
What's this? Parang may iba sa ginagawa ni Daniel. Sabi ng kasama niya na ipasa ang bola sa ibang kasamahan para mag shoot dahil medyo nanghihina na siya. Kaya lang hindi niya ginagawa. Sinusubukan niyang ipasok ang bola, pero wala talaga. At ang masaklap pa, binabangga pa rin siya ng mga kalaban niya! Ano ba nasa utak niya? Sinasadya ba niyang matalo?!
Galit na galit ang coach at kasamahan niya. "Daniel, anong nangyayari sa'yo?! Kanina ang ganda ng paglalaro mo! Ano?! Malapit na sila makahabol oh!" Ngumiti lang si Daniel, "Okay lang yan coach." Why is he so reckless?!
Sabi ni coach, "Jason, palitan mo na nga si Daniel!" Umangal naman si Daniel, "Coach, hindi pwede!"
"At bakit?" Galit na sigaw ng coach," Sige na Jason! I sub mo siya!" Wala ng magawa si Daniel. Ano ba kasi nangyayari sa kanya? Nanghihina siya, alam ko. Pero may choice eh. Iba talaga ang nararamdaman ko. Parang may mali. Kanina sinabi ko sa kanyang may masamang plano ang kalaban niya pero wala siyang pakialam.
Nagsalita si Joanna. "Kawawa naman si Daniel. Baka hindi talaga masama ang pakiramdam niya."
"Sana yun lang," sabi ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
I sighed, "Masama ang kutob ko eh. Hindi ko alam."
At bigla, sumigaw si Joanna. "Bestie! Look!" Ha? "Yung kumidnap sa atin...nandun sa itaas oh! Sa team ng Black Sparrows!!" SERYOSO?? LORD NAMAN!! Nakita ko nga, yung lalaking yun ang humila sa akin papunta sa ibang kwarto. Nakasuot siya ng jersey ng Black Sparrows.
"Ba..bakit siya pa ang nandito?!" Takot na takot kong sigaw. "Hindi ko alam bestie basta labas na tayo dali!!" Sabi ni Joanna. Gusto kong umalis at tumakbo. But I smell something fishy. Isa sa member ng Black Sparrows ang kumidnap sa amin, which means...sana naman mali ako.
Nagpatuloy ang laro. 44 ang score ng Black Sparrows habang 50 ang sa team nila Jason. One minute and 30 seconds nalang ang natitira. Nagmakaawa si Daniel na pumasok siya at pinapasok din siya ng coach nang tumagal. One minute left. Score is 48 and 51.
May kakaiba talaga sa paglalaro ni Daniel. "Pangilinan, umayos ka!!" Sumigaw si Jason. "Ipasa mo sa akin ang bola!!" Hindi siya pinakinggan ni Daniel. Kasi si Daniel ang nagsho shoot, hindi niya pinapasa sa iba, pero hindi naman pumapasok. Inaagaw niya ang bola sa kalaban. Yan yung lage niyang ginagawa pero sinasarili niya lahat. Nainis ang teammates niya.
"Magaling tong gagong to!" Sabi ni Harold kay Daniel, number 9 of Blue Flames, "Pero palpak ngayon! Okay ka lang ba brad?!"
"Hoy Pangilinan," sabi ni Jason, "Ba't di mo ako pinapakinggan ha?!"
"I'm protecting."
"Protecting who?! Ang bola?! Kaya nga brad ipasa mo para ishoot ko!!"
Mukhang nagka initan na ang team nila. At sumasaya naman ang Black Sparrows. Ang score kay 50-51. Isang puntos lang. Kinakabahan na ang Blue Flames. Nagsimula ulit ang laro. Hindi na pinaglaro si Daniel. Natapos ito sa score 50-53. Lamang ng 3 points ang Blue Flames.
Last quarter na. The ball started with Jason, pinasa kay number 6 May umaagaw pero pinasa agad kay number 4. Balik uli kay Jason at shoot!! After ang bola ay nasa kalaban. Pinasa sa number 3. Inaagaw ni Jason ang bola pero hindi naagaw. At na shoot ang bola! Ang intense!!Pero nagulat lahat nung naka shoot ng 3 points ang kalaban. Which means ang score na ay...54-54. OMG!!! Mas super duper intense nato!! One minute and 40 seconds nalang at naka shoot ulit ang kalaban ng 2 points!! Guys, habol!! Jason!!
Super haggard na ang labs ko. Sa 1minute and 15 seconds na oras na natitira, naisipan ng coach na ipasok si Daniel. Naku naman! 55-54 na ang scores. Lamang ng 1 point ang kalaban. Sa laro, hindi na shoot ni Daniel ang bola at nakakaloka 55 seconds left nalang!!
Naka shoot ang kalaban dahil naagaw ang bola kay Daniel. Or more like, nanghina si Daniel at medaling naagaw. Mukhang ganun yata. 56-54 ang scores. 45 seconds left. Naka 2 points si Jason. Nice!! Hindi kasi niya binigay kay Daniel ang bola.
30 seconds left, naka shoot ng 2 points ulit ang kalaban!! Ano ba yan!! Ang lamya kasi ni Daniel hindi maganda ang defense niya!! Blue Flames, gising na kayo!!!
Napaka intense na ng gym. Lahat parang masisira na ang lalamunan sa kakasigaw. 25 seconds left, naka Daniel ang bola. Sinubukan niyang I shoot pero wala. Ano ba!! hoy!!! 59-56 ang scores.
10 seconds left. Naagaw ni Daniel ang bola. Go Daniel!!! Go!!! 9. 8. Akala ko ipapasa niya sa iba pero hindi pala. Balak niyang mag 3 points shot. Ano ba Daniel!! 5. He jumped over and swayed the ball on top of him. 4.3. Lumilipad ang bola sa direksyon ng basket. 2.1.0.. "DANIELL JUSKO!!!" Sobra ang luha ko! Napano siya!! Ba't may dugo sa braso!!!Hindi na shoot ang bola. But it doesn't matter anymore. Tumahimik ang lahat na nakatingin kay Daniel. Malakas ang pagkatumba niya at may lumabas na dugo galing sa braso. Naka handusay lang siya sa floor at walang malay.
"Ambulance!" Sigaw ng coach. "Somebody tumawag ng ambulance!"
Tumakbo ako sa kanya habang pumapatak ang luha ko. Hinawakan ko ang kamay niya, "What the hell are you thinking?" I cried.Nagulat ako nang ngumiti siya, "I'll protect you."
Again, hindi ko alam kung anong sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
The Second Time (Inspired by SueNie)
RomanceEverything has it's chances. Tulad kay Denise Ocampo. She finally had the chance to meet and sing with her celebrity crush, Daniel Pangilinan. After that, akala niya magtutuloy ang kanyang pangarap- ang mapa-ibig si Daniel. Pero hindi nangyari at ba...