The Second Time Chapter Eight: Denial

290 12 2
                                    


-Denise's POV-

Dalawang libro na nasa harapan ko, sana patnubayan ninyo ako at makapasa sa test bukas. Biology at Economics, let's get down to business! Ayoko ng istorbo.


Ring! Ring!


Phone ko yata...at si Daniel nag text! Sabi niya, "Sure kang hindi ka na nahihilo?" Ang kulit din. Ilang beses ko ng sinabi na okay na ako. Malapit na nga matulog oh. Mga 20 chapters lang naman na libro ang babasahin ko. Lord, help!


Maya-maya nag text si Jason. "Okay ka na ba, my labs?" Isa din to eh! Nabalitaan ni Jason ang nangyari and nag sorry na din ako sa kanya kasi hindi natuloy yung dinner namin. Sabi niya he understands naman daw.  It's been an hour na lage siyang nagte text at call. Bahala na nga silang dalawa ayaw ko na mag-reply, nakakapagod.

Kinabukasan, nagulat ako dahil sinalubong ako ni Daniel. Nakatayo lang siya sa campus gate habang madaming babae ang nakatitig sa kanya. "Anong ginagawa mo? Ba't 'di ka pa pumapasok?"

"May hinihintay lang." Sagot niya. Ako kaya? Assuming te! "Si Claire?" Sabi ko.

He looked at me and smiled, "Yeah"

Kagabi ko pa na realize na hindi ko talaga gusto si Daniel. Bakit? Kasi baka na-attract lang ako dahil gwapo siya, dahil matalino siya, at dahil mabait siya. Pero hindi, hindi ko na siya mahal at naka move on na ako. "You okay, Denise?" He asked me.

"Of course." I forced a smile. At lumakad ako palayo. Pero tinawag niya ako. "Denise!" Lumingon ako sa kanya. And he told me may sasabihin siya. "May favor ako."

"Ano yun?" I asked.

"Pwede mo bang ilagay tong letter sa locker ni Claire? 'Di ko kasi alam ang locker number niya."

"This is part of the deal, isn't it?"

"Yes, Ms. Ocampo. You promised to help me 'di ba?"

"Oo na, Mr. Pangilinan." Kinuha ko ang letter at kahit gusto kong basahin, hindi nalang. Linagay ko ito sa locker ni Claire, number 89. Mine is number 84. Malapit lang. Bigla, dumating si Claire. Nagulat ako sobra! "Okay ka lang?" She asked with a  small laugh. "Yeah." I answered. It seems 'di niya alam may pinasok ako na letter sa locker niya.


"By the way, nag meet kami ni Daniel kanina." Nakatingin lang ako sa kanya. Napansin kong hindi maalis sa kanya na ngumiti. Ano kaya pinag-usapan nila at mukhang kinikilig to. Hindi na ako nagdalawang-isip na tanongin siya, "Nanliligaw ba sa'yo si Daniel?"


Tumingin siya sa akin na halatang gulat. At 'di nagtagal tumawa siya nang malakas. "Hahaha! What are you talking about?"

"He did not tell you?"

"Tell me what?"

"He likes you, Claire!" And I can see it in her face. She can't believe what I'm saying. She blushed and said, "Really? Paano mo nalaman? Hindi ka nagbibiro?" I replied, "See it for yourself." Then left. I don't understand why I'm hurting this way.


Hours later, may shooting na naman kami for the film. Sinamahan ako ni Jason at gusto niyang sapakin ang basketball player na nakatama sa akin ng bola, pero sinabi kung huwag na. Pagdating naming sa soccer field, our venue, nakita ko agad si Daniel. He stared at me pero iniwasan ko ang tingin niya.


"My labs, kanina ka pa yata tinatawag ni Anne." Ay sorry naman. Tulala ako eh. Pumunta ako kay Anne and minutes after nagsimula ng mag roll ang camera dahil nandito na sa wakas si Claire.

"Oh Franco," Claire touched Daniel's shoulder, "Why won't you tell me how you feel?"

"Because you are...you are..."

"CUT!!" I said aloud. "Daniel, show more feelings. Isipin mong baliw na baliw ka kay Claire at tinatago mo lang!" For unknown reason, he just stared at me and didn't even react. Like, what's wrong? "You could pretend, Daniel. At pwede rin hindi." Claire gave him a flirty smile.

I sighed, "Sige na guys. Roll na tayo ulit." And the shooting just kept going for more than one hour. Nakaupo lang si Jason sa tabi, naghihintay sa akin matapos dahil sasamahan niya ako pauwi. Not for long, natapos rin ang filming. Thank God!

Nakasakay kami ni Jason sa sasakyan ni Claire. Nakatulog agad si Jason habang nagkwe-kwentuhan. At 'di alam kung paano pero biglang nagging topic namin si Daniel. "Parang iba yata si Daniel sa sinasabi mo noon. May binigay siya na love letter sa akin. Ang sweet niya."

"Maniwala ka," I chuckled, "He's really a chickboy. Hindi makakatiwalaan."

"But seriously," She looked straight at me, "Paano mo nalaman may gusto si Daniel sa akin?

"Sinabi niya sa akin."


"Talaga?"


"Ba't naman ako magsisinungaling?"

"I know you won't. It's just that...it's hard to believe."

"Trust me, I know." I faked a smile.

"And you?"

"What?"

"You have no feelings for him anymore?" Hindi ako pwedeng ma affected. "Of course not. Tapos na yun. And it's not like gusto niya rin ako."

"Malay mo. No one ever knows how a man's heart works diba?"

"Ewan ko. Ang topic ikaw. Ba't napunta sa akin? Sige nga, ikaw tatanungin ko. Gusto mo ba siya?"

"One hundred percent." Ay grabe siya haha. "If you really don't like him, then I'll grab the chance. So you better figure out your feelings before it's too late."

Ngumiti nalang ako at napatingin kay Jason na mahimbing na natutulog. Alam ko naman ang sagot. Wala na talaga akong feelings kay Daniel. Kasi ang hirap. Ang hirap umasa sa wala.


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 

The Second Time (Inspired by SueNie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon