Gusto kong matulog pero laging nagri-ring ang phone ko. Ang kulit ni Jason! Sabi ngang okay ako eh! Pero seriously, paano na kapag nandun talaga si Daniel? Sana nakalimutan na niya ako. Sana may amnesia nalang siya!!
Opps! Be careful what you wish for.
Sa wakas nakatulog din ako. "Denise, anak! Hali ka na mag-almusal na tayo!" Si nanay. Sana may kape. Para maging matapang ako sa pagharap kay Daniel. Charot! Baka maalala ko lang yung sinabi ko noon. "Sana pwede maging tayo." Leche yan! Huwag na nga!
"Nak, okay ka lang?" Nasa lamesa pala ako. Kanina ko pa hindi ginagalaw ang pagkain. Okay lang nay. Medyo busog lang." Sagot ko. Diretso ako sa kwarto pagkatapos kumain. Mahirap na, matagal ako mag-ayos ngayon. Hindi ko naman maitatanggi, kanina pa kumakabog ang dibdib ko habang sumasakay sa van ni tatay. Nandito na kaya si Daniel? O baka naman joke lang lahat ng to. Oo nga, tama! Baka kapag sinampal ko sairili ko, magigising ako sa katotohanan.
"Magigising ka sa katotohanan na baliw ka nak!" Biro ni tatay habang nagmamaneho. "Kanina ka pa sampal ng sampal sa mukha mo ah. Pag may mangyari diyan sige ka!"
"Eh kasi naman nakakainis!"
"Ang alin?""Basta tay."
"Teka ha, pansin ko lang. Nakaayos ang buhok mo ngayon ha. Parang rebonded. May pinagagandahan ka ba nak?""Tatay naman oh. Wala! Gusto ko lang gawin to."
"Sige sabi mo ha. Huwag muna magbo boyfriend ha. Sabihin mo kay Jason yan."
"Oo tay alam ko po."
"Oh sya, nandito na tayo sa school mo. Pumasok ka na."Hindi ko man lang napansin. Nandito na pala kami sa gate ng school. Wait a minute. Ba't sobrang dami ng tao sa gate. At puro girls. At saka may gwapong lalaking bumaba sa puting fortuner pinagkakaguluhan nila. Naka uniform at naka shades ang lalaki at gwapo at matangkad parang pamilyar..Don't tell me...OH MY GOD!!!
"Oh anak, anong hinihintay mo? Pasok ka na." Tay naman eh! Kung alam nyo lang! Iihi talaga ako dito!!
Wala akong choice kundi bumaba. Dahan-dahan akong bumaba sa van. Hindi masyadong malayo ang sasakyan ni Daniel at napapaligiran siya ng maraming babae. Imposibleng mapansin niya ako. Sa pinakadulo ako naglakad malayo sa mga nagkakagulong fans ni Daniel. Pero biglang napansin ako ng cinematographer ng aming society na si Cindy Batallones at sabi, "Denise, puntahan natin si Daniel Pangilinan. Siya ang new actor natin diba?"
"Mamaya na Cindy.""Bakit? May kinakatakutan ka?" Natahimik ako sa sinabi niya. Tinignan ko si Daniel at tumingin ako ulit sa kanya. "Natatakot kang ma-late! Haha! Ikaw talaga Denise. May oras pa naman eh!" Bigla niya akong hinila pero pinigilan ko siya. "Seryoso, Cindy. May gagawin pa ako." At mabilis akong tumakbo. Salamat Lord at magaling ako sa pag-iwas. Kung yan ang test naming sigurado perfect ang grado ko haha!
I ended up sa chapel ng school. Tahimik. Gusto ko dito. This is my favorite spot. Pag may problema ako, dito ako pumupunta.
"Ba't di mo sinasagot phone mo kagabi?" Si Jason. Napangiti ako nung nakita ko siya, Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko. "Sorry ha, nakatulog na kasi ako."
"6 pm tulog ka na?"
"Oo eh. Pagod lang."
"So, anong problema mo?"
"Wala nga eh. Alam mo ang kulit mo."
"Naiinis ka ba talaga sa akin?"
"Syempre!""Kahit cute ako?" He smiled at di ko mapigilang tumawa. "Sige na cute ka na. Yabang din noh. Hiyang hiya ako sa humility mo." Ito ang gusto ko kay Jason. Nandito siya palagi sa tabi ko. Kahit hindi ko sabihin alam niyang may iniisip ako. "Pasok na tayo." Yaya ko. Hinawakan niya kami ko at ngumiti, "Sure, my labs." Kung hindi ko lang gusto ang taong to, nasapak ko na talaga.
Seatmates kami ni Jason sa subject na Chemistry. Oh, haven't I mentioned before? Ang course ni Jason ay Electrical Engineering. Pareho kaming nasa Sophomore year. We knew each other 6 moths ago kasi ka grupo ko siya sa Math. At dun, nagkakilala. Masayang masaya ako dahil nakilala ko siya. Palaging nandiyan para sa akin.
And it's decided. I won't worry about anything today. Kahit pa tungkol kay Daniel. Kahit pa nandito siya ngayon. Kahit pa...
"Class," Our Chemistry professor spoke as soon as she entered the class, "We have a new student." May lumabas na lalaki sa pintuan. Biglang nagtiliian ang mga babae. They can't believe it lalo na ako. Lord naman, joke lang naman ang sinabi ko kanina. Ba't nagiging totoo?
"Waaahh he's here!! Classmate natin siya!!! Hindi ako makapaniwala!!!" Sigaw ng babae sa likod ko. Kilig na kilig. Si Jason naman mukhang naiingayan sa mga tilian ng mga girls. Grabe lang kasi sila.
"Okay, Mr. Pangilinan, welcome to the class. I'm sure you don't need to introduce yourself. Mukhang dami mong fans dito, right girls?""YESSSS MAAAAMMMM!!!" Sumagot naman sila. Nakatulala lang ako.
"Can I take my seat mam?" Sabi niya habang nakangiti.
"Okay, may vacant dun sa kanang tabi ni Ms. Ocampo." YOU"VE GOT TO BE KIDDING ME!!!
Tumingin sa akin si Daniel at ngumiti. Naku naku naku! Eto na nga ba sinsabi ko!! Hiyang hiya na ako! Namumula na siguro ang mukha ko. Habang naglalakad siya papunta sa akin este sa tabi ko, nag-alala si Jason kung bakit sobrang pula ng mukha ko. Sabi ko naman wala lang. Naiinitan. Nasa tabi ko na si Daniel at promise, kulang nalang maging paranoid na ako. Hindi ko maalis ang kaba sa dibdib ko. Hindi naman niya ako kinakausap. Naalala niya kaya ako. "Ah Ms.Ocampo,"
"Ay palaka!!" Napasigaw ako sa gulat.
"Okay ka lang?" Tanong ni Daniel.
"Oo, bakit?" Hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kanya.
"Can I ask for one sheet of paper?"
"Bakit may quiz ba?"
"No, uhm...I'm just gonna write something."
"Sige." Kumuha ako ng papel at binigay ko sa kanya. Okay na pala ang lahat. Mukhang di naman niya ako naalala. Buti nalang. Paranoid lang talaga siguro ako. "Isusulat ko kasi dito ang istorya ng isang babaeng ang lakas ng loob na mag confess sa lalaking kasing sikat ko."
What the hell? Is he playing games with me?
BINABASA MO ANG
The Second Time (Inspired by SueNie)
RomanceEverything has it's chances. Tulad kay Denise Ocampo. She finally had the chance to meet and sing with her celebrity crush, Daniel Pangilinan. After that, akala niya magtutuloy ang kanyang pangarap- ang mapa-ibig si Daniel. Pero hindi nangyari at ba...