-Daniel's POV-
The truth is, I just took Claire as an alibi. Hindi ko alam kung paano makalapit sa babaeng iyon. I never got the chance na sabihing "Paano kung gusto rin kita?" Sana kahit yan lang nasabi ko. Pero hindi. Tinawanan ko siya. Of course she was funny, but she was also brave. I like that about her.Hindi na ako pumasok sa Chemistry class, eh pa'no nalaman kong may manliligaw na pala siya. Usap-usapan sila ng mga estudyante sa campus. Ngayon ko lang nalaman. Huli na ako.
Knock knock
Binuksan ni nanay Helen, aming katulong, ang pinto. Habang ako, kumakain sa lamesa kasama sina mama. "Daniel, anong activities mo today? Papasok ka ba sa school mo?""Yes ma. We have meeting sa Biology group ko."
"I see. Wala ka namang photoshoots?""Wala po."
Nang biglang..."Daniel!" Malapit ko naisuka ang kinain kong fried rice. Nakakagulat ang isang to! "Mam Minchie!" Manager ko pala.
"Oh Minchie. What brings you here?"
"Oo nga, Mam. Ba't kayo napadalaw?"
"Eh kasi..Daniel, may gustong kumausap sa'yo. Natakot kasi ako maligaw siya kaya sinamahan ko nalang. Matagal mo na siyang hinahanap." Sabay ngiti sa akin. Matagal kong hinahanap? Huwag mong sabihin...
Suddenly, may biglang nag-appear na babae at sabi, "Daniel, gusto lang sana kitang makausap, kung okay lang." Hindi ako makapaniwala. Tumingin ako kay Denise mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng simpleng bestida na kulay puti. Ang ganda niya talaga, sobra. "Iho, okay ka lang?" Tanong sa akin ni mama.
"O...opo...okay lang." Nanginginig na ang aking boses. Ano bang epekto sa akin ng babaeng to? Madali sa akin maging "cool" sa ibang babae. Style ko na 'yan. Pero eto, hindi ko ito style. Ano bang nangyayari sa akin?
"Sorry ha, hindi man lang ako nag text sa'yo. Nagmamadali kasi ako." Sabi ni Denise.
Nakatingin pa rin ako sa kanya. Halos di pa rin makasalita. "Hoy Daniel!" Sabi ni Minchie na halatang gusto na akong pagtawanan,"kinakausap ka oh. Magsalita ka naman!"
"Ay oo. Sorry. Okay lang. My pleasure." Pleasure?
"Son, mauna nalang ako. Mukhang mahaba pa yan." Umalis si mama, nagbeso sa akin at parang may sinabi kay Denise. Pagkatapos, iniwan din kami ni Ms. Minchie. Kami nalang dalawa sa dining table. Sabi ko dahil ako ang may-ari, "Sit down" At umupo siya sa harap ko at nagpasalamat."Nakakahiya talaga" Mahina niyang sabi habang hindi makatingin sa akin ng diretso."Well, this is funny," I flashed a smile at her, "Nahihiya ang babaeng makapal ang mukha." Parang gusto na niya ihagis ang plato sa akin. "Hindi porket nandito ako sa mansion mo eh pwede mo na akong ganyanin ha, Mr. Pangilinan!" Naiirita niyang sabi.
I laughed,"Hahaha napaka interesting mo talaga na tao, alam mo ba yon?" Napahinto siya at dahan-dahang binalik ang plato sa lamesa. "So, what brings you here?" I asked, trying to save the conversation.Nakatingin lang ako sa kanyang mukha, Hindi niya siguro napapansin pero ang ganda talaga ng mga mata niya. "Gusto ko kasing sabihin sa'yo na, " She paused for a second," Na payag na ako sa gusto mo." Ano daw? "Gusto mo makuha si Claire diba? Tutulungan kita. Basta ipatuloy mo lang yung role mo sa pelikula, walang problema." Dagdag niya.
Ah, ganun pala. Akala ko naman sasabihin niyang gusto pa rin niya ako.
"Daniel? Okay ka lang?"
"Ha? Bakit ba?"
"Eh kanina pa ako salita dito tulala ka naman. Nagda drugs ka ba?" Biro niya.
"Ikaw ang adik, hindi ako."
"Paano naman ako magiging adik?"
"Eh nagpunta ka dito!"
"Ang labo mo ha."
"Sige ganito nalang," Tumayo ako at tumingin kay Denise, "Diba sabi mo gagawin mo yung gusto ko," Tumango siya, "At tutulungan mo talaga ako kay Claire," Tumango ulit siya, "So may isa pa akong kondisyon." At umangal siya. "ANONG SABI MO?! MAY ISA PA?!" Sumigaw siya at tumayo. Napapunta dito lahat ng aming mga katulong. "Okay lang kami." Sabi ko.
Tinignan ko ulit si Denise at umupo ako, "Grabe ka makasigaw ha."
"Ikaw naman kasi! Bakit ba may isa ka pang kondisyon?!" She sat down on the chair.
"Relax," I reached for her hand, "This will be easy." Mukha siyang kinabahan. "Ano..ano ba yan?" Sabi niya na may konting nginig. Kahit pala anong tapang ng isang tao may kinakatakutan pa rin. Hindi ko pinahalatang natatawa ako sa kanya.
"Lumipat tayong dalawa ng upuan sa Chemistry na subject." Lumaki ang mga mata niya.
"Ha?"
"Madali lang diba? Lumipat lang tayong dalawa ng upuan sa Chem. Yun lang."
"Seryoso ka ba? Bakit kailangan natin gawin yun?"
"Kasi nakaka-istorbo ang mga babae sa likod ko."
"At kailangan damay talaga ako?
"Syempre. Ikaw ang hihingin ko ng papel, tatanungin ko kung anong lesson, mga ganung bagay. So dapat nandun ka sa tabi ko."
Pagkatapos naming mag-usap, hindi ko alam kung susundin niya ang kondisyon ko o hindi. The last words she said,"Maghintay ka nalang sa desisyon ko bukas."
BINABASA MO ANG
The Second Time (Inspired by SueNie)
RomantikEverything has it's chances. Tulad kay Denise Ocampo. She finally had the chance to meet and sing with her celebrity crush, Daniel Pangilinan. After that, akala niya magtutuloy ang kanyang pangarap- ang mapa-ibig si Daniel. Pero hindi nangyari at ba...