The Second Time Chapter Twenty-four : Chance

197 11 1
                                    


-Denise's POV-

"Ingat lang!" Sabi ni Jason habang binubuhat na si Daniel papasok sa ambulance. Wala na talaga siyang malay. Nakaalis na rin ang ambulansya at habang hindi ko mapigilan ang iyak ko, may nag text. Si Joe na naman. Sabi niya, "Are you doing well?" This is not the right time for this.

Nakita ko si Claire papunta sa akin. The she asked me, "Wanna come with me? Susundan natin ang ambulance!" At hindi na ako nagdalawang-isip na sumakay sa sasakyan ni Claire. We ended up in Good care hospital.
Nakita kong tinakbo sa emergency room si Daniel. Kasalanan ko 'to. If I didn't caused him trouble, hindi sana magkakaganun ang braso niya. Kung sana mas pinigil ko pa siya na maglaro..."Denise!"Claire shouted. "You're not blaming yourself, are you?"

"Ha?"

"Alam kong nakidnap ka at si Daniel ang sumagip sa'yo. Alam ko rin na ikaw ang unang nakatuklas na may masamang balak ang Black Sparrows sa kanya at sinabi mo agad ito. Actually, marami pa akong alam na hindi mo nalalaman."


"Paano mo nalaman lahat yan?"

"Don't underestimate me, my dear cousin. May connections yata ako."


"So what are you trying to say?"


"My point is, dapat lawakin mo ang isipan mo. Huwag ka lang umiyak diyan."

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Makipagkita ka kay Joe." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Talaga lang ha malawak na pag-iisip na yan? "Malay mo diba, siya ang answer to you prayers" Ang corny nito. May Jason na ako.

"Pero paano kung ayoko at hindi ko gagawin?"

"Eh di magmukmok ka diyan at magpaka tanga." Sabi niya. Ang hard te! "Ang gusto ko lang naman kasi Denise, maging masaya ka."

"Masaya naman ako."

"Alam mo, hindi ako naniniwala. Mahal mo ba talaga si Daniel?"

Ang pranka ng tanong niya. "Hindi."

"Sometimes love is just right there, you just don't see it."

"Claire, okay ka lang?" I asked.

"Remember when I said figure it out before it's too late? I'm telling you now, Denise...it's not yet too late." What does she mean?

Maya-maya dumating na ang kapatid ni Daniel na si ate Gina. Naluha siya ng nakitang walang malay ang kapatid niya. Dumating din ang mga magulang ni Daniel. Nahiya ako. Parang feeling ko kasi kasalanan ko lahat.

Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Claire. Honestly, gusto ko rin malaman kung sino si Joe. Not for anything romantic, pero curious lang ako. But I'm so afraid na baka ma disappoint ako. But Claire was right. I need to expose myself with other people. Hindi pa naman kami ni Jason noh. May chance pa. Eh di sige, I'll give this Joe a chance.


 


 


 


 


 


 


 


 


 

The Second Time (Inspired by SueNie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon