-Denise's POV-
"Anak! Anong nangyari sa'yo? Umiyak ka ba?" Nag-alala ang mama ko. At si tatay naman, "Sinong umaway sa'yo? Susuntukin ko 'yan!" Beast mode ang dalawang to. I can't blame them though. Pulang pula ang mga mata ko halatang umiyak at ang mukha ko naman parang linampaso sa isang sako ng sibuyas. Sinabihan sila ni kuya Roy, "Nay, tay, Kalma lang po. Wala pong umaway kay Denise. Pabayaan niyo muna siya.""Akyat lang po ako sa kwarto." Nanghihina ang katawan ko. Siguro dahil sa kaiiyak. Ganito kasi ako kapag nalulungkot pati katawan ko damay. What the heck just happened? Ba't ko nasabi yun? Pati ako nagulat. Tinawagan ko ang bestfriend kong si Joanna at sinabi ko sa kanya ang lahat. 'Di nagtagal dumating siya sa bahay at pumasok sa kwarto ko.
"Alam mo," She sat beside me on the bed, "bihira lang tayo magkita tapos ganito pa ang madadatnan ko. Ano bang meron ang Daniel na yan ha at pwede ka niyang paikutin?"
"Bestie naman, hindi sa ganun. Kasalanan ko."
"Stop saying that. Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Alam mo kung ano ang kasalan? Ang maging tanga!""Nandito ka ba talaga para I comfort ako?"
"Syempre! Pero ito ha sinasabi ko sa'yo, kung hindi ka lalayo kay Daniel, paulit-ulit ka nalang masasaktan.""Ano?"
"Can't you see it? Mahal mo siya! Kaya ka nasasaktan dahil mahal mo pa rin siya!"
"Pero mahal ko si Jason.""Kung mas mahal mo talaga si Jason, lalayuan mo si Daniel. Kailangan mong mamili sa dalawa: Si Jason o Daniel?" Diba matagal na ako nakapili at si Jason yun. Kaya lang, walang effect kasi iba pa rin ang nasa puso ko. Tama si Joanna. I need to choose right now. But this time, totohanan na at walang atrasan . "Denise!" May tao sa labas ng kwarto ko. Boses ni kuya."Nandito si Daniel."
I hope pagkatapos ng gabing ito wala akong pagsisisihan.
-Daniel's POV-Nagdala ako ng isang bouquet of red roses para kay Denise. I want to apologize to her dahil kahit saang angulo tignan, ako ang dahilan kung bakit umiyak siya. I didn't know na ganun pa rin ang nararamdaman niya. At hindi maaaring siya lang ang magtatapat diba? Dapat ako rin. I'm gonna confess to her tonight.
Pumasok ako sa bahay niya. Ang kuya niya ang unang sumalubong sa akin. "Ba't ka nandito, Daniel? Hindi porket magkaibigan tayo papayagan na kitang mangligaw sa kapatid ko."
"Ah hindi kuya Ron. Kakausapin ko lang muna."
"Sige. Pero binabalaan kita ha, huwag mo siyang sasaktan ulit."
At dumating ang mga magulang niya. "Siya ba?! Siya ba ang nagpasakit sa anak ko! Ha! Siya ba?!" Inaawat ni kuya Ron ang tatay niya. Parang gusto na akong upakan. Galit na galit naman makatingin ang mama niya sa akin. "Nay, tay, huminahon kayo. Mag-uusap lang sila ni Denise."
"Hindi ako papayag! Paalisin mo yan!" Sabi ng mama niya.
"Nay naman para kay Denise din to. Sige na ako na bahala."
"Hindi pwede!!" Sigaw ng tatay niya.
"Ano? Gusto niyong magmokmok yang sa kwarto si Denise?! Sige na! Pumasok na kayo sa kwarto at ako na bahala dito!" Pumayag na rin ang nanay at tatay ni Denise na mag-usap kami. Naghihintay lang ako sa labas ng gate nila nang maya-maya. "Denise!" Sa sobra kong saya, tumakbo ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.
Pagkatapos ko siyang yakapin, sabi ko, "Denise! Hindi mo alam kung gaano ako ka saya dahil sa nangyari. Gusto kong malaman mo na-"
"Sandali," She cut me off, "Kung ano man ang gusto mong sabihin, huwag na. Hindi na kailangan."
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
"Alam mo, totoo yung sinabi ko kanina. Minahal kita at akala ko nawala na yun. Kaya lang nakita kita ulit," She's trying to stop her tears, "And I never thought these feelings would come again."
"Bakit ka ba umiiyak? Denise, mahal ki-"
"Shhh, "She touched my lips and said, "Sabi ko diba huwag mo ituloy. Makinig ka nalang sa sasabihin ko." Hinawakan ko ang kamay niya at binaba ito. Then she continued, "I didn't expect na babalik lahat. Akala ko super crush lang kita. But I guess I was wrong." She paused for a moment. "Pero mahal na mahal ako ni Jason at gusto ko rin siya even when you appeared again. That's why..."
"Ano? Denise! Ano?!" I wanted to cover my ears. "For now, Daniel, I need to stay away...from you." The leaves are falling and the night is so cold. Pero walang mas lalamig at sasakit pa sa sinasabi ni Denise ngayon.
BINABASA MO ANG
The Second Time (Inspired by SueNie)
RomanceEverything has it's chances. Tulad kay Denise Ocampo. She finally had the chance to meet and sing with her celebrity crush, Daniel Pangilinan. After that, akala niya magtutuloy ang kanyang pangarap- ang mapa-ibig si Daniel. Pero hindi nangyari at ba...