-Denise's POV-
After I took a bath, nagbihis ako at lumabas sa kwarto. Hinanap ko kung saan dito sa dinaming daming kwarto ang kay Daniel. I asked the maids for help, at sa wakas natagpuan ko na. Kumatok ako at sabi niya, "Pasok" na parang boss. Well, boss naman talaga siya dito.
Hindi ko alam kung bakit pero laking gulat niya na ako yung pumasok. Multo ba ako? Hindi naman ah! Bagong ligo nga eh! "Grabe ka ha" sabi ko.
"Lakas mo kasi makapang-gulat. Nakakatakot!" Aba ikaw pa-huwag na nga. May utang na loob ako sa gagong to! Tinanong ko siya, "Kumusta ang braso mo? "
"Buo pa rin," Sabi niya ng pabiro. Napansin kong naka bandage ang braso niya. Mukhang may gumamot na."Mabuti naman. Anong gusto mo? Kape? Juice?""Ikaw" Huh?
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko kape!!" Ay galit? ikaw na nga pagsisilbihan?! Sinara ko na sana ang pinto nang biglang sabi niya, "Juice nalang." Nainis ako konti. Bumalik ako sa kanya. Sabi ko, "Ano ba talaga gusto mo ha?!" Ngumiti siya at malapit na tumawa. Naku tong lalaking to! Kulang nalang sisipain ko na to! "Joke lang kape ang gusto ko!" Sabi niya at tumawa. ANO BA TALAGA TRIP MO!!!
Nagtimpla ako ng kape. Bumalik ako sa kwarto ni Daniel at binigay ito habang nakaupo siya sa kanyang sofa. Mukhang nasarapan naman siya at himala sabi niya, "Salamat." Ang sarap pakinggan. Umupo ako sa sofa, medyo malapit sa kanya at nakatitig lang ako sa napakaganda niyang mukha. Sayang, bakit ganito ang ugali niya? Ang gwapo pa naman oh! Tisoy!"Why the hell are you staring like that?" Opps, sabi ko na.
"Masama ba?" I hissed. "Siya nga pala, salamat talaga ha. Kung wala ka dun baka ano na ang ginawa sa akin ng taong yun."
"Bakit ka kasi kinidnap?""Yung guy, may galit siya kay Jason."
"Jason?"
"Yeah. I don't why." Paiyak na ako dahil naalala ko ang nangyari.
"Be careful next time. At huwag kang mag-alala ipahahanap ko ang gagong yun."
"Yeah, thanks." I can't help but smile. Parang nakakikiliti ako sa kilig. He cares kahit konti. "May isa pa akong hindi sinasabi sa'yo." I said and looked at him in the eye. "Sorry dahil nadamay ka sa prank namin kay Claire at sorry din dahil naabala ka." Tumahimik lang siya na nakatingin sa akin. Para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.
Nagmasid nalang ako sa paligid. Mas malaki ang kwarto na ito. Mas malamig ang aircon. Pero ang mas napansin ko ay ang jersey niya na nakapatong sa lamesa. Naalala ko tuloy. "Kailan nga ang game niyo?"
Napatayo siya at sabi,"Muntik ko ng makalimutan! Bukas na pala!!" Ano?! Bukas na?! Tapos sabi niya sa akin, "Ihahatid kita bukas ng umaga sa inyo, pero manonood ka ng game ha?""Oo naman." Pero may isa akong concern. "Pero paano ang sugat mo?"
"Wala to. Kagat ng langgam lang to!" Sabi mo eh. Naubos niya ang kape niya at linagay ito sa lamesa. Lumingon siya sa akin at sabi, "Alam kong si Jason ang dahilan kung bakit pupunta ka sa game." Lumapit siya sa akin. "Pero pwede bang isa din ako sa mga rason na yun?" Palapit ng palapit ang mukha niya sa akin. I guess I have no choice. Napatayo ako at sabi nang nakaharap sa kanya, "Of course."At habang nasa loob ako ng kwarto niya, may isa pala akong nakalimutan. Sina mama at papa.
PATAY!!
(Author's note: Hello sa lahat ng nagbabasa nito! Salamat dahil binabasa niyo ito lalo na yung mga sumusubaybay!! Maraming salamat talaga! Gusto kong I-announce sa inyong kahat na may bago akong gagawin na story entitled "Pangako" inspired by SueNie pa rin. Fan forever eh! Sana po abangan ninyo. Malapit na po. God bless sa ating lahat!!)
BINABASA MO ANG
The Second Time (Inspired by SueNie)
RomantizmEverything has it's chances. Tulad kay Denise Ocampo. She finally had the chance to meet and sing with her celebrity crush, Daniel Pangilinan. After that, akala niya magtutuloy ang kanyang pangarap- ang mapa-ibig si Daniel. Pero hindi nangyari at ba...