The Second Time Chapter Fourteen : Broken heart

255 9 1
                                    


-Daniel's POV-

I woke up in the morning na walang energy at pagod na pagod. Sana panaginip lang ang nangyari kagabi. She didn't even accept my flowers. I guess I should just respect her.  Another night passed and now it's time para pumasok. Pagdating ko sa classroom, umupo ako sa aking usual seat. Ang tanong, tatabi pa kaya si Denise sa akin. And the answer is...no.

She went back to her previous seat. Hindi nga siya tumingin sa akin. After nag discuss ang professor, kinausap ko siya kahit alam kong nasa tabi lang ang manliligaw niya. "Denise, can we talk?"

"About what, Mr. Pangilinan?" Ang kalma ng pagakakasalita niya.

"Yung sinabi mo..."

"Ah about the scenes mo sa film, no worries na arrange ko na at malapit na tayong matapos."

"Ganun lang?" That made her paused for a moment. "Yes, ganun lang." Then she's gone together with Jason.

Sa hapon na yun, I looked around sa gym baka nandito siya. Pero si Claire lang. May shooting kami ngayong gabi at nagulat ako kung saan. Sa bahay mismo ni Denise. At nabalitaan ko na kuya niya raw ang nag utos na dito nalang sa bahay. Si kuya Roy talaga!

Pagkatapos ng ika-anim na scene, lumapit ako kay Denise. "Pwede bang makahingi ng tubig?" Kahit nasa harapan niya ako, hindi niya ako pinapansin. Parang wala siyang nakikita. Tumayo siya at umalis. Linapitan naman ako ni kuya Roy, "Oh brad nandito lang ang tubig oh halika." As soon as I finished drinking sabi ni kuya  Roy, "Hindi pwede yang ginagawa mo brad. Layuan mo kapatid ko, okay?" 

Ang malas naman talaga! 'Di nagtagal nagsimula ang next scene at lumipat kami sa garden nila na napakalaki. Bigla ko nalang narinig ang isang kanta at medyo nadala ako. Tumingin ako kay Denise at gusto kong sabihin na hindi ko sinasadya na masaktan siya. Nakikita ko sa mga mata niya, gusto na niyang lumuha. Pero hindi lang naman siya ang nasasaktan dito. Ako rin.

Lage kong iniisip na gusto niya lang ako, hindi mahal. Kasi ang mahal niya si Jason.


 

-Denise's POV-

Alam kong sa simula lang 'to. Masakit, parang hindi mo magawang iwasan siya pero alam kong masasanay din ako. Si kuya ang nag-isip na dito nalang sa loob ng bahay mag shooting. May malaki naman kaming garden pwede dun mamaya. Hindi ko pinapansin si Daniel. Para saan pa? Sabi nga ni kuya, don't let yourself get hurt.

Pumunta kami sa garden naming at ang ibang staff nagdala ng malaking speaker. May isang scene kasi na mage-emote ang bida, si Claire. Naka position na si Claire sa area na may maraming bulaklak at 'di nagtagal tumunog ang isang kanta.
 

Sumulyap ako kay Daniel habang dinadama ko ang kanta. Kaya ko gawin ang lahat pero dadating din ako sa punto na susuko ako. Lalo na kapag 'di ko na talaga kaya. Bakit kasi hindi nalang ako ang mahal mo?

Hindi ko maiwasan mapaluha. Habang ginagawa ni Claire ang acting niya at di pa tapos ang kanta, tumabi sa akin si kuya. "Masakit ba? Alam mo okay lang sana kung kaya ko tanggalin yan bunso, pero hindi eh. Ang tanging makakagamot niyan ay ikaw mismo." At bumwelta ang linyang, "Kapag ako ay nagmahal, umiyak man ako hindi ko ito ikakahiya."

Si Claire ang mahal niya, hindi ako. Wala akong nagawa kung 'di magtago sa likod ng kuya ko at umiyak.

Hindi ko namalayan tapos na ang kanta at tapos na rin sa scene si Claire. She approached and asked me, "Okay ka lang?" Halata namang pulang-pula ang mata ko. Hindi ako sumagot. Then she said, "Come on, mag-usap tayo."

Lumakad kami papunta sa kusina kung saan walang tao. She started the conversation first, "Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Daniel?"

"Ha?" I wiped my tears.

"Huwag kang umarte, hindi bagay!" Napatawa kaming dalawa, "I mean, si Daniel walang sinasabi pero alam ko may iniisip siya at hindi kayo nagpapansinan. Ano ba talaga?"

"May nasabi lang ako sa kanya na hindi dapat."

"Ano?"

"That I love him."

"What?!"

"Yeah, and I know wala ka ring alam so sorry. Pero wala ka dapat ipag-alala, ikaw ang mahal niya."

"This is ridiculous!" Lumakas boses niya.

"Bakit naman?"

"And what did he say?"

"Wala naman siyang sinabi. Ako lang meron. Sabi ko si Jason pa rin ang mahal ko so I need to stay away from him."

"Kaya pala hindi kayo nagpapansinan." She looked frustrated. "But tell me Denise, okay ka lang ba sa ganito? I mean, masaya ka ba?" I answered her yes but I wasn't even sure yet. Then she said, "Actually, gusto kong sabihin din sa'yo na mahal ko si Daniel at magpapaligaw na ako sa kanya. Is that okay with you?"


"Bakit naman hindi?" At nagsimula ulit bumuhos ang mga luha ko. Kahit anong pigil ko, umiiyak pa rin ako. Claire hugged me tight and spoke softly, "Tama na. Sa una lang yan."

They all went home afterwards. Hindi ako nakatulog buong gabi at hindi ko alam kung bakit. The next day, nagulat nalang ako nang makita ko sa tv ang announcement ni Claire, "Yes, nanliligaw si Daniel sa akin." Wow lang.

Kalimutan mo nalang yan Denise. Kumain ka nalang. Then after few minutes may na receive akong text from unknown number, "Don't worry, I'm here for you always. -Joe" The guy who gave me letter? How did he get my number?


 


 


 


 


 


 


 


 


 

The Second Time (Inspired by SueNie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon