-Denise's POV-
6am pa lang hinatid na ako ni Daniel sa bahay. Hindi na siya nagpakita sa pamilya ko. Umalis agad. 9 am ang game mamaya. I can't be late. Apparently, di ko na kailangan mag-alala kina mama dahil nagpaalam na kagabi si Daniel sa kanila at pumayag naman. Ang problema ngayon, si kuya.
"May nangyari ba?" Ay grabe si kuya pagpasok ko yan agad ang tanong!
"Wala!" Diin ko.
"Sigurado ka?" Ang kulit!
"Wala nga kuya, okay? Relax!" At umakyat ako sa kwarto. Ayoko ng maraming tanong. Nagbihis agad ako. Mukhang walang alam ang pamilya ko sa nangyaring kidnapan. Kinausapan ko kasi sina Daniel at Joanna na huwag na ipaalam sa iba at kalimutan nalang. Ayoko kasing mag-alala pa ang pamilya ko. Okay naman ako eh, may nag save naman sa akin.
Suot ko ang aking favorite shirt na tinuturing kong lucky charm at isang black na shorts. I need luck dahil magchi cheer ako ngayon sa team ng labs ko. 30 minutes before time, umabot na ako sa gym. Jusko, hindi pa nga nagsisimula ang laro, puno na ang gym. Meron pang mga reporters at camera men. Anong nagyayari?!
"Ang ultimate heart throb na si Daniel Pangilinan ay maglalaro ng basketball ngayon at ang kalaban ay ang Black Sparrows..." Nag-ulat ang isang babae at nakaharap sa kamera. Oh how can I forget? Maglalaro ang isa sa mga pinakasikat na celebrity at halos buong gym ay napapaligiran ng mga fans niya.I went inside. Nakakaloka ang ingay!! Nakita ko si Daniel at linapitan siya. "Hoy grabe! Ang dami mong fans dito!"
Sabi niya nang napakalakas, "Hindi ba isa ka sa kanila!!"
I smirked, "Dati lang yun sira!!!" Then I noticed na nagsuot siya ng shoulder band. Bumulong ako sa kanya, "Hoy, kumusta na ang sugat mo sa braso? Hindi ma delikado na maglalaro ka?"
"Okay lang. Trust me." And he showed off his smile at me."You're here." Si Jason.
"Yeah. Saan ako uupo?"
"Come on." He said and held my hand, "Tabihan mo si Joanna." I went with him at tumabi kay Joanna. But something's not right.
"Denise, okay ka lang?" Concern na tanong ni bestie.
"Oo, okay lang ako." At tapos sinusulyap niya yung kung sino ang tinitignan ko. "Alam mo, kung ako si Daniel, natunaw na ako."
"Anong pinagsasabi mo?"
"Ay wala. May babae lang kasi na sobrang gaga hindi niya maamin ang feelings niya."
"Talaga? Sino?"
"Ang gaga talaga nito." Mahina niyang sabi. Eh? Anong ginawa ko sa kanya! Grabe siya!! Ang init ng ulo!!
Ilang minuto ang lumipas, nagsimula na ang laro. Naka posisyon na ang Blue Flames (Team nina Jason at Daniel) at ang kalaban nila na Black Sparrows. First on the lead si Jason. Tapos pinasa kay number 3. Tapos kay Daniel. Tapos kay number 4 at kay Daniel ulit then shoot!! BRAVO!!! Parang lilindol dito sa saya!! Pati si Joanna hindi na makaupo!!
Naka 2 points na ang Blue Flames. Pero nag-aalala ako sa braso ni Daniel. Next, nandun ang bola ulit kay Jason. Pinasa sa seven pero nakuha ng kabilang team. At yun, nakashoot sila. Naku naman!! "Sige lang guys, bawi!!" Sigaw ko nang malapit si Jason sa akin. Kumindat siya. Narinig ko naman si Joanna, "Ay taray. Nakakahimatay ang kindat. Haba ng hair mo girl!"
Dumaan ang ilang rounds. Naka 20 points ang Black Sparrows habang 23 points ang Blue Flames. Medyo napansin kong may kakaiba na kay Daniel. Nakikita at nararamdaman ko sa ekspresyon ng mukha niya. May masakit. Natapos ang half-quarter, pumunta ako sa comfort room at hindi lang malayo ang locker room ng boys. Bago ako umalis sa cr, dumaan sila at may pinag-usapang hindi ko nagustuhan.Sabi nung number 4 ng Black Sparrows, "Brad, daming fans ni Daniel dito."
"Oo nga, lugi tayo." Sabi nung isang kasama nila na number 7.
"May plano ako."Sabi ni number 6. Kinabahan na ako. Kung ano man, masama 'to. Pag-alis nila, mabilis kong hinanap si Daniel. At nung nakita ko siya sa bench kausap si Claire, sabi ko,"Daniel, usap mo na tayo!" Nagtaka siya. "Bakit?"
"Basta!" I rushed. Pumunta kami sa isang sulok malayong-malayo sa mga kalaban nila. "What's wrong?" He asked me.
"Narinig ko kanina may masamang balak ang kalaban mo sa'yo."
Hindi man lang siya nagulat. He smirked, "Hayaan mo sila."
"Anong hayaan?! Paano na ang braso mo?! Hay naku! Kapag may nangyari sa'yo hindi ko alam ang-" Nagulat ako sa pinagsasabi ko. Siguro na hyper lang ako. Dulot lang to ng kaba. Relax. "Hindi mo alam kung anong gagawin nila diba? Nakakatakot."
"Yun lang? Sus!" He looked around. "Wala silang panama sa akin. Alam mo yan diba?"
I can't argue. I sighed, "Basta binalaan kita. Diyan ka na nga!"
"Uy Sandali!" Bumalik na ako sa upuan. Napansin ni Joanna ang mood ko. "Oh bestie! Kanina abot langit ang saya mo, ngayon parang ang makakasuntok ka ng tao! Anyare?"
"Yan kasing si Daniel ayaw makinig! Sinabi ko sa kanya na mag-ingat siya dahil concern ako pero-"
"Sinabi mo na yan girl. Walang bawian." Bwisit naman oh!Nagsimula na ang next quarter na game. Nasa kabilang team ang bola at pinapasa-pasa. Pero naagaw ni Daniel ang bola. Pilit siya binabangga ng kalaban sa braso pero matigas si Daniel. Hawak-hawak ko ang mga kamay ko, nagdadasal na sana walang masamang mangyari. Malapit na tumulo ang luha ko. Kaya lang nung isho-shoot na sana niya ang bola..."DANIEELLL!!" Paiyak kong sigaw at umiiyak na rin ang buong fans niya!
Bago kasi siya maka-shoot, tinamaan ng number 4 from Black Sparrows ang braso ni Daniel at natumba tuloy. Nangigigil ako! Susuntukin ko yan! "Foul, number 4!" Malakas na sigaw ng referee. Buti nga!
"Brad! Daya yun ah!" Sabi ni Jason kay Daniel habang tinutulungan tumayo. Tumakbo ako papunta kay Daniel na paiyak. "Hoy Daniel! Sabi ko sa'yo eh!"
"Don't cry." At nagawa pa niyang ngumiti. Nakasandal na nga siya kay Jason! Naiinis na ako ah!
"Sabi ko naman kasi diba! Ayaw ko makinig!" I can't help my tears.
"Denise, ano bang nangyayari sa'yo?" Jason said. Bigla pumunta sa amin ang referee, "Ano, Mr. Pangilinan, lalaro ka pa o hindi?" We both shockingly looked at him when he replied, "Yes." Sinigawan ko siya, "SIRA BA ULO MO?!"
"Kailangan kong gawin to," Obvious na hindi talaga maganda ang kondisyon niya "Para sa'yo." Ha? Anong ibig niyang sabihin? Hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
The Second Time (Inspired by SueNie)
RomanceEverything has it's chances. Tulad kay Denise Ocampo. She finally had the chance to meet and sing with her celebrity crush, Daniel Pangilinan. After that, akala niya magtutuloy ang kanyang pangarap- ang mapa-ibig si Daniel. Pero hindi nangyari at ba...