The Second Time Chapter Nine: New admirer

268 10 0
                                    


 

After dinner, tumawag si ate Maricel. Kinakamusta niya yung film at society. She also told me na maging extra careful kay Daniel. Chickboy daw. Pfft! I couldn't stop laughing. Kung pwede lang sana eh ibang actor nalang kunin namin, kaso ayaw ng lahat.

It's been a week since the filming started. Okay naman lahat. Si Daniel nga lang sometimes distracted. Eh pa'no nandun crush niya, si Claire, at ka eksena pa niya. Tadhana nga naman. Dati ayaw mo sa kanya tapos isang araw magigising ka nalang mahal mo na. At meron namang matagal mo ng mahal pero kailangan mong kalimutan dahil iba gusto niya. Kapag yan talaga si kupido nakita ko sisipain ko yan!

Pag gising ko sa umaga isang good news ang sinabi ni mama sa akin. Uuwi na daw si kuya next week from New York. Ang saya! Halos 3 years ko na rin hindi siya nakikita. Sana talaga matuloy na tong pag-uwi niya. Ilang beses na kasing sinasabi na uuwi siya tapos hindi naman pala matutuloy.

Pagdating ko naman sa classroom, si Jason ang una kong nakita at may dalang good news. "Napasok ako sa basketball team!!" Sabay mahigpit na yakap sa akin. Biglang dumaan sa gilid namin si Daniel. Seryoso ang mukha, hindi nagsasalita at walang pinapansin.  Problema nito?

'Di nagtagal umupo na ako sa aking upuan. Sinusulyap ko si Daniel pero parang out of this world siya. "Psst!" I'm trying to catch his attention. "What?" Ang hard te.

"May problema ka ba?" Concern kong tanong.

"Wala." Matipid niyang sagot.

"Eh bakit ang mukha mo parang binagsakan ng langit at lupa?"

"Do me a favor. Be quiet." Medyo harsh ang tono ng pananalita niya. Ang  sama nito. Concern lang naman ako as a friend. Take note, friend lang. Kung ayaw niya, eh 'di huwag. After ng Chemistry class ko, dumiretso ako sa locker ko. Ang hindi ko alam, pinagkakaguluhan na pala ang locker ko dahil sa isang sulat.

"Woah! May isa pang admirer si Denise!" Sabi nung babaeng may hawak ng letter. Kinuha ko agad sa kanya ang sulat at binasa: Dear Denise, I wish you could see me right now. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong sabihin sa'yo na mahal kita. Kung pwede lang sana tayo nalang kaso iba ang nasa puso mo. But I won't give up. I'll be here waiting for you. Love, Joe." Joe? Wala akong kilala na Joe for heaven's sake!


Pinakita ko kay Claire ang sulat. Nasa garden area kami ng campus nakaupo sa isang bench. Mabuti naman pareho kaming vacant ngayong 3pm. Sabi niya, "Wow Denise! Ikaw na! May kilala kang Joe?"


"Wala nga eh. Yun ang pinagtataka ko. Sa buong buhay ko, wala akong kilala na Joe."

"Siguro naman kilala mo ang mukha, pangalan lang hindi."


"Ewan. I don't care."


"Asus! I don't care ka diyan," She gave me back the letter, "Kung wala ka talagang pake eh ba't pinakita mo pa sa akin? Alam ko na. You want advice?"


"Sige, please." I said. Malapit na sanang magbigay siya ng advice nang biglang may tumawag sa cellphone niya at may something urgent daw. Mabilis siyang tumakbo leaving me all alone. Well, I[m used to this even before Jason came into the picture. Not life, picture. At hindi ko naman akalain na dadating ang isang tao sa tabi ko ngayon. "Looks like the rumor is true. May love letter ka." Chismoso ang peg?


"Why are you talking to me right now, Daniel? Akala ko bad mood ka."


Umupo siya sa tabi ko at sabi,"I need some fresh air. Kung wala, mababaliw na ako."


"Baliw ka na."


"Sige na. Sorry kanina."


"No need. Wala naman akong pakialam. Mag beast mode ka kung gusto mo. I won't stop you."


"Alam mo ba kung gaano kasakit yang sinasabi mo?"


I laughed, "Eto naman joke lang! Hahaha!"


He almost laughed too. Then, there was 10 seconds of silence. Pero hindi awkward unlike kanina. So calm and comfortable. It's like I could stay here forever with him. But no, no Denise. Mali yan.


"So," He started talking again, "Tell me about that letter."


"Do you know anyone named Joe?"

"Dito sa school? Meron."


"That's the name of the sender. And apparently, admirer ko siya."


"Oh, so you wanna find him? Baka naman nandito lang siya nakatingin sa'yo."


"Wow! Ano yan? Stalker?"

"Malay mo diba?"

The truth is, I really want to know this guy. Pero may Jason na ako. Kung kay Daniel nga tinigil ko, ditto kay Joe pa kaya. So no, hindi ko na kailangan malaman kung sino pa tong si Joe. Ang lamig. Balita ko may bagyong paparating. Malapit ng bumagsak ang ulo ko sa shoulder ni Daniel nang biglang dumating si Jason at hinila ako palayo.


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 

The Second Time (Inspired by SueNie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon