-Denise's POV-
"Bagay na bagay sa'yo!" Joanna commented. Gusto ko naman talaga ang gown na'to. Favorite color ko ang red. Bibilhin ko na ang gown na ito.Bumalik ako sa dressing room para magbihis at pagkatapos dumiretso ako sa cashier. Nang biglang lumabas si Daniel. Mukha siyang prince charming sa pinapanuod kong fairytales dati. Kung sabi nila sa akin gorgeous ako, siya naman ANG HOT!! "Daniel," her sister spoke, "You look good in that tuxedo. Pero curious lang ako, paano mo nalusotan ang mga crazy fans mo?" Huwag mo sabihing crazy, ganyan ako dati. At oo nga, hindi namin siya nakikita sa tuwing nababalitaan naming nandito siya sa mall.
"Simple lang, I used my bodyguards para maligaw ang mga babae na yan. At kapag nasa mall ako dalawa lang ang pupuntahan ko ate. Ang boutique na'to at isang private bookstore." Private bookstore? Seriously?? Meron!! I love!!! Pero hindi pwede ipahalata. Kalma lang girl. Kahit atat na atat kang malaman kung saan, kalma lang. "Malapit lang dito." SAAN BA KASI DANIEL??!
Enough. I need to pay for my gown.
"Please come again," Sabi ng ate ni Daniel pagkatapos ko magbayad at umalis na kami ni Joanna.
-Daniel's POV-Nung paalis siya, I wanted to chase her. Marami akong gustong sabihin sa kanya. Gusto kong matapos ang hindi namin pagpapansinan. Alam ko eh, gusto niya malaman kung saan ang private bookstore na yan. I want her to ask, pero ang tigas naman ni Denise. Ang hirap niya. But I know she's worth it.
Pabalik na sana ako sa dressing room nang nagsalita sa ate, "Gusto ko siya. For you." Bihira lang magsabi si ate niyan. "Why?" I asked her.
"Well, my little brother, " she started walking towards me, "There are things only fellow women can see."
I smirked, "Is that true?"
"Oo, at kayong mga bulag na lalaki mananatili kayong walang alam kung hindi niyo bubuksan ang mga mata niyo."
Sometimes talaga hindi ko maintindihan ang ate ko.
After 2 hours, pumunta ako sa isang meeting with the big boss sa industry. They want to make a movie at ang kapareha ko ay si Claire. Well that's fine, pero dapat after matapos ang movie ni Denise. At wala naman nagging problema sa schedule. Nandito din si Claire. At sabi niya ihahatid ko daw siya. But I declined. "If you want, get a taxi." Pabiro kong sabi.
"Ang sama talaga ng ugali nito!" Sabi niya na naiirita. We were heading for the parking area nang biglang perehong nag ring ang phone namin ni Claire. Maynag text sa akin, si kuya Roy. "Tulong! Na kidnap si Denise!" WHAT THE F*?!
Nagtinginan kami ni Claire. It seems pareho kami ng mensaheng natanggap. Agad kaming tumakbo papunta sa sasakyan ko. Habang nasa sasakyan, mabilis na tinawagan ni Claire si kuya Roy at naka turn on ang speaker. "Kuya Roy?! What happened?!" Nag panic si Claire.
"May kumidnap sa kanya sabi ni Joanna. Nandito nga si Joanna eh umiiyak."
Kanina lang magkasama sila ah!
"Kuy Roy, let me talk to Joanna."
At bigla, may narinig akong iyak. Si Joanna. "Claire! Claire! Hindi ko alam kung anong gagawin. Sorry talaga!!"
Claire almost cried. "Sandali. Kalma lang. Paano nangyaring nakidnap si Denise?"
"Huhuhuhu! Claire! Kasi nung pauwi kami, biglang may puting van tapos huhu! Claire! Kinuha nila si Denise!" At sa galit ko, biglang napabilis ang pagmamaneho ko at medyo halatang gulat si Claire.
"Don't worry. We'll be there right away." Sabi ni Claire at binaba na ang phone. Sa galit ko parang hindi ko matiis na dutdutin ang ibang mga sasakyan. "Daniel, calm down!"
"I can't! F*ck sh*t!" I can't control my anger. Nagagalit din ako sa traffic.
Bago umabot ng 50 minutes, nakarating na kami sa bahay ni Denise. At nakikita ko sa gate palang nasa loob silang lahat, mga pamilya ni Denise at si Joanna. Pumasok kaming dalawa ni Claire at bumuhos ang luha ni Joanna at yinakap nang mahigpit si Claire. Ang mga magulang naman ni Denise umiiyak at nakatingin sa akin. At ako, napayuko sa isang sulok at di ko napigilan ang mga luha ko.
Sa 'di ko inaasahan, may babaeng pumasok sa pintuan, "Claire!" Kaming dalawa ni Claire napatingin sa babae. Confuse ang mga mukha namin at biglang nagtawanan ang buong pamilya. Like, what the hell just happened? Ano to?!!"Claire," Denise laughed at yinakap si Claire. Hindi pa rin na gets ni Claire. "Surprise!!" What the hell? Kung sino man ang nag-umpisa nito matatamaan ko. I mean, I really thought...Ugh!
"And look, nandito din si Daniel hahahaha!!" Tawang tawa si kuya Roy. "Sorry bro ha, mukha na wrong message ko sa'yo. Nandito ka tuloy hahahah!!" At natawa pa tong gago?! Sobra na akong nagpipigil ha!!
"Kayong lahat mga walang hiya! Nadamay tuloy si Daniel oh! Kayo talaga!" Sabi ni Claire habang nagpupunas ng luha at nakangiti na siya. Ang mga magulang naman ni Denise sobra ang halakhak mukhang hindi na nga nila ako gusto pansinin.
"Pasensya ka na pinsan. Kasi sila mama eh hindi makaka attend sa debut mo bukas kaya sinurprise ka nalang nila. Nadamay lang ako haha!"
Lumakas ang tawa ni Joanna. "Pero hindi pa rin ako makaget-over kay Daniel! Look at his face! HAHAHA!!!" Hindi ko gusto ko. Tumalikod ako at umalis sa pintuan. Tinawag ako ni kuya Roy. "Sandali, Daniel! Joke lang yun ah! At saka 'di ka naman talaga dapat nasali."
"Huwag pikon, Daniel." Sabi ni Joanna.
I faced them. Hindi ko na matago ang galit ko. "You really think this is funny?" At parang tumigil ang mundo. Lahat ng tawa nila nawala. Lalo na si Denise. "Malapit akong makabangga ng maraming sasakyan kanina! Halos mabaliw kaming dalawa ni Claire. Tapos ganito?!" I stared at Denise, "We were so worried!" The atmosphere is becoming intense.
Then I sighed, "If you guys continue to do this, sana huwag nalang si Denise kasi..." I hesitate to say what I really want. Pero okay na sana kung hindi ko lang naalala ang sinabi ni Denise na si Jason ang mahal niya. "Kasi ayaw kong maabala nang dahil lang sa kanya." I said that and I can't believe it.
Everyone was silent looking at me. "Pasensya na," sabi ni Denise, "Pero makakaalis ka na."
Fine. But never do that again, or else...hindi ko alam ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
The Second Time (Inspired by SueNie)
RomanceEverything has it's chances. Tulad kay Denise Ocampo. She finally had the chance to meet and sing with her celebrity crush, Daniel Pangilinan. After that, akala niya magtutuloy ang kanyang pangarap- ang mapa-ibig si Daniel. Pero hindi nangyari at ba...