The Second Time Chapter Fifteen : Like strangers

207 11 0
                                    


-Denise's POV-

Pumasok ako sa eskwela at sa gate palang, si Joanna ang una kong nakita. "Bestie!"

"Maaga ka yata ngayon ah?" Sabi ko sa kanya.

"May meeting eh. Ah pero ikaw, may surprise na naghihintay sa'yo!" Anong surprise? Hindi pa nga ako nakakatanong sa kanya kung ano yun ay hinila na niya ako. Mas excited pa sa akin oh. Umabot kami sa locker ko at yun na nga ang surprise, isang pulang rosas. Kinuha ko ito at may maliit na card sa tabi. Ang nakasulat: Smile always. -Joe. Heto  na naman ang Joe nato!

"Alam mo nag text to sa akin kanina eh." Sabi ko kay Joanna.

"Talaga? Anong sabi?"

"Basta! Naku kapag nakita to ni Jason!"

"Mag-aaway na naman kayo."

Then all of a sudden, dumating si Claire, with Daniel. "Who's that from?" Ngumiti si Claire sa akin at nakatitig lang sa akin si Daniel. "Kay Joe na naman." I said.

"May bago ka na naming admirer. Haba ng hair!" Sabi niya.

"Kung maka blush on naman tong pinsan mo kala mo nasa fashion show." Bulong sa akin ni Joanna. Tumahimik kaya tong isang to!

"Alis na ako." I excused myself pero bigla akong tinawag ni Daniel. "Diba pangako ko sa'yo hahanapin ko ang Joe na yan?" Sabi niya. I flashed a smile to him and spoke, "Hindi na kailangan. Salamat." At umalis na ako.

Lunch time, himala hindi busy si Joanna. Umalis kami sa campus at kumain sa paborito naming café. Promise, masarap ang ulam.

"Sila na ba ni Daniel?" Biglang tanong ni Joanna sa akin.

"Ang alam ko nanliligaw palang."

"Talaga? Kung maka hawak kasi sa kamay si Claire-"

"Joanna, tama na. Let's eat, please?"

"Okay," At mahina niyang sabi, "Affected talaga ang isang 'to."

"Ano sabi mo?"

"Wala. Sabi ko masarap din magkape kasi matapang, hindi yung nagtapang-tapangan." Matatawa ba ako sa sinabi niya? Sarap sapakin ano!


Sa hapon, pumunta ako sa gym para bumisita kay Jason sa practice. Nagkataong nandun si Claire. Ang sweet nila ni Daniel. Si Claire ang nagpupunas ng pawis ni Daniel. When Claire saw me, tinawag niya ako. Sabi niya, "Denise!" At tumingin sa akin si Daniel, "Dito ka umupo." Pero sabi ko huwag na. Umupo ako sa other side kung saan malayong-malayo sa kanila.

Lumapit sa akin si Jason. "Ba't di ka dun umupo?" Sabi ko naman,"Mas gusto ko dito."


Ilang beses nag shoot si Daniel pero ilan lang ang pumasok. Pinagalitan siya ng coach. Ano ba kasi nangyayari sa kanya? Isa siya sa mga pinaka magaling dito! In the middle sa practice nila, dahan-dahang lumapit sa akin si Daniel. At nung malapit na talaga siya, saka ako nagtangkang umalis. "Sandali!" Hinawakan niya ang kamay ko. "Huwag mo naman ako iwasan oh."


"Pre, bitawan mo." Si Jason. "Ayaw niya nga diba, ba't mo pinagpipilitan?!"


But Daniel didn't mind him. "Denise naman! Magkaibigan tayo diba? Ang hirap kasi! Kausapin mo naman ako!"


Humarap ako sa kanya at sinabi, "Simula ngayon, hindi na tayo magkakilala." And I let go of his hands at umalis. I don't want to make a scene again. Gusto ko ng umuwi. Hindi ko alam kung susundin niya ang sinabi ko pero yun nalang ang gusto ko. Alam kong mahal siya ni Claire at mahal niya din si Claire, at ako, wala ako sa eksena.


Alam kong nagtataka din si Jason kung anong nangyari pero he choose to respect my privacy. Sasabihin ko naman din sa kanya eh kapag okay na, pero huwag muna ngayon. Dumaan ang gabi, nagtext na naman si Joe. Sabi niya, "Nagustuhan mo ba ang rosas?"


I decided na mag reply sa kanya, "Hindi. Ang pangit kaya." Biro ko.

"Weh? Talaga? Hindi ka ngumiti?" Sabi niya.


"Sino ba kasi 'to? Pakilala please." At matagal siyang hindi nagreply. Ang sama ng ugali nito ah! Mga 3am, nag ring ang phone ko. May text message. Mukhang kilala ko na kung kanino galing. "Hindi ako makatulog sa kakaisip sa'yo.-Joe" Ay grabe siya! Gusto kong magreply pero inaantok na ako. Less than an hour later nag text ulit siya, "Marami akong mga bagay na hindi masabi sa'yo ng harapan pero dito ko nalang sasabihin. Mahal kita.-Joe."


Sa hindi mapaliwanag na dahilan, nakatulog ako na hindi maalis ang ngiti sa aking mukha.


 


 


 


 


 


 


 

The Second Time (Inspired by SueNie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon