-Denise's POV-
Gabi na. Kumusta na kaya si Daniel sa hospital? Last time na nandun ako, kasama sa loob ang kapatid niya. Nagkausap kami ni ate Gina. I told her everything that happened pati na yung kidnapping. And she just said na magdasal nalang. She promised na wala siyang ibang pagsasabihan.
I closed my eyes. Nagdasal. Sana Lord, gumaling na sin Daniel. Sana okay lang ang kalagayan niya.
Umakyat na ako sa kwarto para magpahinga nang biglang nag ring ang phone ko. Nag text si Jason at sabi niya nasa labas daw siya ng bahay ko. Anong ginagawa niya dito? Sinilip ko siya sa bintana. Andun nga siya. Naka hood jacket kasi umuulan. "Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah."
Strange. Tahimik lang siya. Hindi nagsalita at binigyan lang ako ng isang maliit na papel na nakasulat ay isang address. "Ano to?"
"Address ng bahay ni Joe." He finally spoke.
"Joe?"
"Yeah, yung secret admirer mo."
"Alam ko. Pero bakit mo binibigay sa akin."
It was a long pause. Nakatingin lang ako sa kanya. Paluha na ang mga mata niya. Unang beses ko siyang nakitang ganito. Then he said, "Paalis na ako Canada bukas."
"What? You're leaving? At bukas?! Is this a joke?!"
"Sana nga lang oo pero hindi eh," I fell silence. "Denise, nararamdaman ko na may nagbago sa'yo. Hindi ko alam kalian. Pero siguro, sakto na to. Please, be honest with me. Mahal mo pa ba ako?"Bakit hindi ko kayang sagutin."Kasi kung sasabihin mong oo kaya kong maghintay. Pero kung hindi, malaya kang pumunta sa iba at lalayo nalang ako kahit masakit."
"Jason, ano bang pinagsasabi mo?"
"Denise, isa lang ang isasagot mo. Oo o hindi?"Napaluha ako. Hindi ko maintindihan. Bakit hindi ako makapagsalita. "Ipikit mo mga mata mo kung hindi mo kaya." sabi niya. I closed my eyes. And I said, "Mahal kita." That's it. Everything must be clear. "Pero mas mahal ko si Daniel." Pagbukas ko ng aking mga mata, wala na si Jason. And probably, this is the last time na makikita ko siya.
The next day, maaga akong namili ng mga prutas para kay Daniel. Bumisita ako sa hospital at nagulat ako kasi gising na pala siya. At ang sungit pa. Biruin niyo unang kita niya sa akin sabi niya, "Why are you here?" Bakit?! Ayaw mo?!
"Mga prutas para sa'yo." Inis kong sabi.
"Ang dami ko na oh." He said. Edi sorry naman po sir!
I noticed something. Siya lang mag-isa. "Asan pamilya mo?" Tinanong ko siya.
"They all went back to America."
"Ano? Iniwan ka nila dito mag-isa?"
"Ganyan talaga. Hindi naman critical condition ko. Ikaw lang oa."
ANG KAPAL!! "Hoy mister! Hindi ako oa no!"
"Bakit mo ako iniyakan?"
"Eh kasi-kasi..kasi napakastupido mo!"
"That doesn't make any sense."
"I don't care! Labas na nga ako!" Palabas na sana ako ng kwarto nang biglang may mga lalaking biglang pumasok sa kwarto. Mga teammates ni Daniel. "Okay ka lang bro?!" Sabi nung isa. Mukha bang okay ang may injury sa braso?! Tapos dun ako natahimik nang binalita ng isang kaibigan nila ang tungkol kay Jason. "Umalis na si Jason kanina bro." At napatingin si Daniel at ibang kasamahan niya sa akin.
"Denise," Daniel said, "You know this?"
"Oo," I spoke softly, "Alam ko."
I don't know what else to say para hindi awkward. Pero yun ang totoo. Mas mabuti naman yun diba kaysa pareho kaming masasaktan?'Di nagtagal nagpaalam ako kay Daniel. Umalis na ako at may pupuntahan ako. Ang bahay ni Joe. At dinamay ko talaga ang super friend kong si Jaonna. As always. "I don't know this guy pero ang laki ng bahay ah!" She said when nakapunta na kami sa sinsabi ng address.
I pressed the buzzer at may kasambahay na lumabas galing sa malaking gate. "Ano po yun?" Sabi nung babae. I smiled then said, "Good morning po. Ito po ba bahay ni Joe? Schoolmates kasi kami."
"Sorry po mam pero wala na po si sir Joe dito."
"Ha? Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Lumipat kasi siya ng bahay sa isang linggo lang."
Ay ganun. Nagsalita si Joanna, "Ah miss, ano po ba itsura ni Joe? Gwapo ba?" Ayan tayo eh. Ganyan talaga! Sumabay naman ang babae, "Opo! Sobrang gwapo!"
"So ano full name niya?" She asked.
"Sorry po bawal sabihin."
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Basta po. Rules kasi." Ah ganun. Ano tong Joe na'to? Mysterious talaga ang peg ah!
Wala kaming nagawa ni Joanna. Sino ba talaga si Joe?
"
BINABASA MO ANG
The Second Time (Inspired by SueNie)
RomanceEverything has it's chances. Tulad kay Denise Ocampo. She finally had the chance to meet and sing with her celebrity crush, Daniel Pangilinan. After that, akala niya magtutuloy ang kanyang pangarap- ang mapa-ibig si Daniel. Pero hindi nangyari at ba...