-Denise's POV-
Nagtinginan ang lahat nang sabay kaming pumasok ni Daniel sa klase at ako'y may dalang pulang rosas. I bet, chismis na naman ito. Three girls ran towards us. "Tell us! Kayo na ba?" Naku! May rosas lang magkarelasyon na? Grabe sila oh!"If you don't mind, please shut up." Daniel told them then went to his chair at the back. Speechless ang tatlong gaga. Ayan kasi, akala niyo anghel yang idol niyo? Please!
Nang umupo ako, sabi ko kay Daniel, "Nairita ka na naman?"
"It's not that. Ayaw ko lang may maling chismis. At baka mag beast mode yang si Jason, mapahamak ka pa." He might not be an angel, pero mabuti pala siyang tao. And he's right. Baka magalit lang si Jason. Sabi nga ni Jason nung nalaman niyang may nagbigay sa akin ng love letter focus lang daw ako sa isa. Kung siya, siya. Kung iba ang hanap ko, mabuti pa't magpakatotoo ako. But he's not mad. He just want to get an answer straight from me if I still like him or not. Then I answered him, "Of course. I like you. Wala ng iba." And he said, "Then focus on me. Only me. Walang iba."
Few minutes bago dumating ang professor, pumasok na si Jason. He looked at me and smiled. I smiled back. Then Daniel commented, "You two look good." Well, thank you, because we really are.
Ngayong hapon pupunta ako sa practice ng game nina Jason at Daniel. Kasi for one, nandun si Jason labs ko. And two, uhm nandun din si Daniel at...at sabay kami papunta sa shooting. Plano kong gumawa ng tarpaulin. Magche cheer ako nang sobra sa kanila!
Wala akong klase sa last subject ko. Bago ako pumunta sa gym, dinaanan ko muna si Claire sa canteen. "Claire, may gustong magbigay sa'yo nito." At binigay ko sa kanya yung rosas.Masaya siya at medyo namumula ang pisngi. "Kanino galing?" She asked me.
"Kay Daniel." Kanino pa nga ba?
"Oh," Ang ngiti niya abot tenga. "He has basketball practice this afternoon diba?"
"Oo, pupunta nga ako eh kasi nandun si Jason."
"Si Jason lang ang gusto mo makita?" Hindi ko maintindihan. Pati ang utak ko naguguluhan. Then Claire chuckled, "You don't have to answer right away. Basta sinabi ko na sa'yo, figure it out or else may ibang kukuha." What is she saying?
Kasama ko si Claire papunta sa gym. It seems she wants to support Daniel. Pagdating ko sa gym, nakakagulat ang daming fans club ni Daniel! And this isn't the real game yet, practice pa lang. May Daniel Nation, Daniel Forever, at iba pa. Halos mapuno na nila ang buong gym. Mabuti nalang tinirhan kami ni Claire ng seat sa first row. Iba talaga si Jason nag request ng vacant seat para sa akin at sa pinsan kong to.
Malapit na masira tong tenga ko dahil sa malakas na sigawan ng mga fans. "GO DANIEL! GO DANIEL!!!" At meron din ibang "FOREVER LOVE! WE LOVE YOU DANIEL!!!" Guys! Nakakabingi ha!!Ten minutes later, nagsimula na ang practice. Unang nag three point shot si Jason. Pasok! Galing ng labs ko!! Habang nag standing ovation ako, I can't help but notice na lagging nagtitinginan sina Daniel at Claire. Maya-maya naman si Daniel na. Halos mabaliw lahat ng tao dito sa kakahiyawan. Or rather, baliw na silang lahat! Lalo na nung naka three point shot si Daniel. And after siya nag shoot, he came closer to Claire and said, "Para sa'yo" Sabay kindat.
Dun na, dun na nagsimulang uminit ang mga ulo ng maraming fans. Eh paano, nalaman na nilang nililigawan ni Daniel si Claire. Pero teka, totoo na nga bang nagliligawan na sila? "Claire, can I ask you something?"
"Sure. Ano yun?"
"Nanliligaw na ba sa'yo si Daniel?"
"Actually," her smile widened, "Kami na." And for whatever reason, sumakit ang dibdib ko. Hindi ako makagalaw at hindi rin ako makapagsalita. Ayoko ng ganito. Hindi pwede to. Bakit ba...bakit ba ako nasasaktan?
"Denise!" Narinig ko nalang ang malakas na boses ni Claire. "You alright, Denise?"
"Okay..okay lang.." Halos nanghihina ang boses ko at nakatingin lang sa kanya.
"Did you hear what I just said? Kami na!" Please! Huwag naman ulitin. 'Di nagtagal pumunta ulit sa amin si Daniel. I looked at him na parang ang laki ng atraso niya sa akin. "Daniel, totoo ba?!"
"The what?" Halatang kinakabahan siya.
"Kayo na ng pinsan ko?"
"Claire, you said that?" He looked at Claire at si Claire naman nakangiti lang sa kanya. "Answer me!" Tumaas boses ko at parang tumahimik ang buong paligid. "Ba't 'di mo sinabi sa akin? You could have told me para 'di ko na ginagawa ang mga pinanggagawa mo sa akin!"
"What are you talking about? Hindi kami ni Claire!" And that my friend, is the worse line I ever heard. Parang nagising ako bigla sa mahimbing na tulog. Gusto kong sapakin si Claire sa malakas niyang tawa. "I didn't know ganun ka mag react Denise hahahaha!!" Aba! Funny? Sampalin kaya kita gaga!!
"Are you making a scene, Denise?" Jason came and asked me. I just stared at him. Suddenly, he grabbed my arms and softly whispered to my ear, "I'll take you home."Everyone was watching us and very silent. Nakalabas na din kami sa gym at nakahawak siya sa kamay ko habang naglalakad kami papunta sa kanyang sasakyan sa backgate ng campus. Nung nasa loob na ng sasakyan, I apologized to him at sinabi kong hindi na niya ako kailangan ihatid pauwi. Then he said, "Remember when I said focus on me? I meant it. So now, think of no one but me." Seriously this guy. Ngayon alam ko na kung bakit si Jason ang mas pinili ko.
BINABASA MO ANG
The Second Time (Inspired by SueNie)
RomantikEverything has it's chances. Tulad kay Denise Ocampo. She finally had the chance to meet and sing with her celebrity crush, Daniel Pangilinan. After that, akala niya magtutuloy ang kanyang pangarap- ang mapa-ibig si Daniel. Pero hindi nangyari at ba...