Eighteen

308K 9.2K 1K
                                    

Aaliyah

"ROLLING IN THE DEEEEEP! HOY TANGINA SABAYAN NIYO AKO!"

Nakapunta na ako dati sa lugar na 'to pero hindi pa rin ako sanay sa maraming usok at amoy ng alak. Ano na naman kayang hinithit ng lalaking 'to at dinala ako dito sa bar?!

"Kung balak mong magpakalasing huwag mo akong idamay!" Peste kailangan ko pa talagang sumigaw marinig niya ako. Sino ba kasi yang kumakanta na yan?! Sarap ihukay ng buhay bwisit.

Pero mas lalo lang ako nainis dahil inisnob niya lang ako at nagpatuloy lang sa pagkaladkad sa 'kin. Aba! Suking suki na talaga ako sa pagkakakaladkad niya sa'kin, maawa naman siya sa kamay ko ilang beses na niyang hinila-hila.

"Kung inexcuse mo lang ako para dito mas magandang ibalik mo na ako sa Academy!"

"Shut up."

Naiinis na ako dito't laha't lahat, shut up lang isusumbat niya sa'kin?

"VIP room."

"This way sir."

Tuluyan na naman niya ako kinaladkad pagkatapos niyang kausapin yung isang stuff. Umakyat kami sa third floor ng bar at tuluyan na kaming pumasok sa VIP room. Tuluyan ko ng hinila ang kamay ko at medyo inistretch pa, ikaw ba naman kasi hilain ano?

"Anong ginagawa nito? Kung trip mong maglasing at mang chix, well, dapat hindi ako ang kinaladkad mo, meron naman si Ark o di kaya maraming chix sa school."

"Pwede bang tumahimik ka muna?!"

Medyo napaigtad ako nang bigla niya akong sigawan. Anong problema ng lalaking 'to? Bad mood? Napailing nalang ako at pinihit ang door knob.

"Mas mabuting magpahangin ka muna ng ulo." Lalabas na sana ako kaso muli niya akong hinila papaloob at ni-lock ang pinto. Yung totoo? Ang gulo ng lalaking 'to. Mabilis ko siyang hinarap pero hinawakan niya bigla ang magkabila kong balikat at isinandal sa pinto.

"Hindi kita in-excuse para iwanan mo lang ako ng basta basta." Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa mukha ko. Medyo napanganga ako sa sinabi niya.

"Ha?"

Hindi pa ako nakaka-recover nang bigla niyang pitikin ang noo ko. Nyemas! Ang bipolar ng lalaking 'to, hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isipan niya.

Sinamaan ko nalang siya ng tingin at itinulak siya paalis sa harapan ko. Tumawa nalang siya ng mahina at kumuha ng wine sa maliit na bar, aba ewan ko hindi naman kasi ako sanay sa mga lugar na ganito.

"Why don't you join me here Lopez?" Napatingin ako sa kanya, may hawak siyang goblet na naglalaman ng wine. Agad akong umiling, I've learned my lesson from the past kaya "Thanks but no thanks." I don't want to be reckless again, at isa pa nagiging shunga ako pag lasing. Pahiya ako pagnagkataon. Pero pasalamat nalang ako at hindi na ulit siya nagtanong pa. Mabilis niyang ininom yung laman ng goblet.

"Himala at hindi ka nagyaya ng babae mo ngayon?"

"Why would I?"

"Anong 'why would I' ka diyan?" Umupo ako sa isang sofa at nagpahalumbaba. Medyo masakit puson ko dahil alam niyo na at isa pa lumalabas ang sungay ko kapag meron ako.

"Tss." Sinamaan niya lang ako ng tingin bago nagpatuloy sa pag-inom. O-kay? Dinala lang ba talaga niya ako dito para panoorin siyang uminom at mamatay sa sobrang kaboringan? Tsk iba rin talaga trip neto eh. Agad akong napatayo nang may maalala ako. Ramdam ko na napatingin siya sa'kin, binigyan niya ako ng 'problema-mo-look' pero hindi ko nalang ito pinansin.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon