Forty

243K 7K 1K
                                    

BOOK OF HALEI PART 2 (Continuation)


Third Person's POV


Tinignan ni Halei ang kanyang sarili sa salamin. Mugto ang kanyang mga mata at wala kang makikitaan na emosyon sa berde niyang mga mata. Bumalik ang dati niyang hitsura pagkatapos siyang gahasain sa eskenita. Muli na namang bumuhos ang kanyang mga luha nang maalala niya ang sinapit niya.


Suot suot pa rin niya ang puting belo, hindi niya maiwasang kapain ang kagat sa'kanyang leeg at isa lang ang naaalala niya. Si Aaliyah, ang kapatid niya, kahit na magkaiba sila ng lahi itinuring pa rin nila ang isa't isa bilang magkapatid. Hindi na niya napigilan at muling bumuhos ang kanyang mga luha. Wala na siyang inaksaya pang oras at lumabas sa silid na kinaroroonan niya at napatingin sa paligid kung may mga nakabantay.


Nang masiguro niyang wala, hindi na siya nagdalawang isip pa kundi tumakbo bago pa siya maabutan ng iba.


Sa kabilang dako naman walang tigil ang pag-aalala ni Aaliyah para sa kanyang kapatid. Inaasahan niya kasi na uuwi 'to ng bandang hapon at may dala-dala ulit na mga prutas pero hating gabi na pero wala pa rin siya. Imbes na nagpapahinga ngayon ang kanilang magulang, nasa kabilang bayan ito para hanapin si Halei habang si Aaliyah naman lumusog sa loob ng gubat. Iisa lang ang taong nasa kanyang isipan at walang iba kundi si Peter.


Malakas ang kutob niya na alam ni Peter kung nasasaan si Halei, kanina pa siya palakad lakad sa loob ng gubat at isinawalang bahala niya ang nakakatakot na tinig ng mga mababangis na hayop na nasa paligid lamang. Tanging ang ilaw galing sa buwan ang nagbibigay ilaw sa dinadaanan niya, hindi rin nagtagal nahagip ng mata niya ang isang portal na biglang lumitaw di kalayuan sa kinatatayuan niya. Pinili niyang magtago sa likod ng isang puno at nakita niya rito si Peter na lumabas mula sa portal, may kakaiba sa ngisi niya na mas lalong ikinainis ni Aaliyah. Walang ano-ano'y biglang umihip ang hangin ng napaka lakas at tila ba nakiki-ayon sa emosyon na nararamdaman ni Aaliyah.


Napahigpit ang hawak niya sa puno nang marinig niya ang kakaibang tawa na kumawala sa bibig ni Peter. May isang mangangaso na lumapit sa'kanya na ngayon ay may iba ring ngisi.


"Mukhang masaya ka ngayon ah? Wag mong sabihin may nadawit ka na namang babae?" Ngumiti ng pilyo si Peter bago tumango. Nanlalaki ang mata ni Aaliyah at iniisip niya na sana hindi si Halei ang babaeng tinutukoy niya.


"Sino naman yan? Mukhang nasarapan ka ah?" Napatingin si Aaliyah sa isang lalaki at mas lalo lang tumindi ang galit niya.


"Si Halei. Nakisama ka sana kanina, ang ganda ng hubog ng katawan." Narinig niya muli ang mala demonyong tawa ni Peter. Tila ba huminto ang mundo ni Aaliyah nang marinig niya ang pangalan ng kanyang kapatid. 


"Ang daya mo! Tawagin mo ako kung may bago ka ulit nadali ha?" May kung anong kakaiba na dumadaloy sa katawan ni Aaliyah, tila ba siniklaban ang loob niya at biglang pumula ang kanyang mga mata, kasabay non ang bigla na lamang pagbuhos ng malakas na ulan at ang napakalas na kulog. Lumabas siya sa puno na kanyang pinagtataguan at hinarap ang dalawang mangangaso na hanggang ngayon ay hindi pa napapansin ang kanyang presensya dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan.


Aalis na sana silang dalawa nang bigla na lamang nagsalita si Aaliyah na biglang ikinatigil ng dalawa. "Gusto niyong maglaro? Ako taya." Bakas sa kanyang boses ang tinding galit pero nakangisi lamang siya sa mukha nila Peter na ngayon ay nanlalaki ang mga mata.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon