Twelve

327K 10.4K 2.4K
                                    

Aaliyah


"Aaliyah yung anak mo!"


Ilang mura na ba ang bumaha sa isipan ko? Punyemas naman Kai, talasan mo ang pakiramdam mo dahil hindi ako ang may hawak ng lechugas kong cellphone!


"Aaliyah? Still there over the pader? Yung anak anakan mong aso nanganak na aba hoy sumagot ka!"


Tila ba nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib, akala ko kung si Ivo yung aso ko naman pala.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at inagaw mula kay Ash ang phone ko at baka kung ano na naman ang masabi ni Kai, madaldal pa naman ang buntis na 'yon.


"Oo na uuwi na ho huwag ka ngang sumigaw dahil nakakabingi. Oo na sige na bye."

Ibinulsa ko ang phone ko at napatingin kay Ash. Napabuntong hinga na lamang ako saka napapikit. Bigla na naman kasi siyang nawala sa paningin ko kaya nagkibit balikat nalang ako at lumabas na sa condo niya. Bahala na siya sa sarili niya sapat naman na siguro yung dugo ko.


****


Nang makarating ako sa tapat ng bahay ni Kai unang bumulaga sa 'kin ang kakaibang aura na nanggagaling sa loob. Teka ba't parang kinakabahan ako?

Nagpasya nalang ako na magtuloy-tuloy hanggang sa makapasok ako. Una kong tinignan kung nanganak nga ang pomeranian ko at tama nga si Kai. Sunod naman pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig.


"Ba't ang tahimik?"

Pumunta ako sa kwarto ni Ivo at Kai pero wala akong nadatnan. Pero bakit ganito? Tanghaling tapat na pero ang dilim dilim dito sa loob? Naka katol na naman ba si Kai at nakalimutan niyang buksan ang mga kurtina?


Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Kai pero bago ko pa magawa 'yon may humigit agad sa braso ko at inagaw ang phone sa kamay ko at ang sunod na pangyayari, may nakatutok nang kutsilyo sa leeg ko. What the?


Teka pinasukan ba ng magnanakaw ang bahay na 'to?! Shit sana walang nangyari sa anak ko!


"Asan nakatago ang mga pera dito miss?"


Hindi ako umimik.


"Ang tagal mong sumagot sabihin mo kung asan----ARAY!"


Siniko ko ang sikmura niya sunod naman ang mukha niya. Tumilapon bigla ang kutsilyo at dahil nga madilim dito sa loob kung saan saan ako tumakbo kahit na paulit ulit akong nababangga.


"Puny*ta! Humanda ka sa 'king babae ka!"


Napatili ako dahil ang lapit lang pala ng boses niya kaya mas lalo akong tumakbo. Ano bang ginawa ko at puro kamalasan ang nangyayari sa 'kin?!

Kinapakapa ko ang nasa paligid ko at 'di ko inaasahan na may nakabukas palang kwarto sa gilid kaya agad akong pumasok at isinara 'yon. Ginamit ko ang phone ko para magkaroon ng konting liwanag dito sa loob.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon