Epilogue

325K 8.5K 1.8K
                                    

Aaliyah

Hindi pa man ako nakakadilat, mabilis akong tumakbo papuntang banyo at muli ko na naman hinarap ang bowl, nakaramdam ako ng kamay sa likod ko habang hinihimas nito at tinatanggal ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko. Morning sickness ugh! Make it stop.

Mahigpit ang hawak ni Ash sa balikat ko hanggang sa inalis ko ang mukha ko sa harapan ng bowl at nanghihinang sumandal sa pader. Tinulungan niya akong tumayo at inabutan ako ng isang basong tubig. Nginitian ko siya ng matamlay bago nagmumog at nagsipilyo.

"Sorry, I can't do anything when you're struggling every morning."

Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko, pinunasan ko muna ang bibig ko bago ako tumalikod at hinarap siya. Hinawakan ko ang pisngi niya at mahinang tinapik ito, pero hindi ako makapag pigil, kinurot kurot ko 'yon hanggang sa sumimangot siya. I giggled, yup yup yup pinaglilihian ko ang asawa ko that's why he's frowning. Awww cute.

"Stop massacring my face hon." Hindi ko siya pinakinggan at pinindot pindot ang pisngi niya, nakakagigil! Pero bago ko pa tuluyang pisilin ang pisngi niya agad niyang hinawakan ang magkabila kong kamay, mas hinigpitan niya ang hawak niya sa bewang ko bago niya ako hinila kaya mas dumikit ang katawan ko sa'kanya.

"Don't do that. You're turning me on." He frown again pero ngumiti ako ng pilyo. After our honeymoon one month ago we went back here in Italy, we chose to stay here for good but last night was uhm he didn't let me rest. "Maawa ka sa katawan ko Ash, I'm pregnant and from now on, sex is a big no no no. Okay?" Nakalaya ang kamay ko sa hawak niya dahil bahagya itong lumuwag dahil sa sinabi ko. Hinawakan ko ang buhok niya at nilaro laro ito gamit ang mga daliri ko. Anong conditioner kaya gamit niya? Medyo napansin kong napanganga siya pero nakatuon ang atensyon ko sa buhok niyang malambot. Mamaya kakalkalin ko yung basurahan para malaman ko kung anong ginamit niyang conditioner.

"What...did...you...say?" Napukaw ang atensyon ko at ibinalik ko ang tingin ko sa'kanya, hala! Bakit ang dilim ng mukha niya? May sinabi ba akong mali? Sinabi ko lang naman na bawal, "Bawal ang sex dahil buntis ako, Ash may dumi ka ba sa tenga?" Sinamaan niya ako ng tingin bago niya ako inikot kaya nakasandal na akong ngayon sa pader habang nakakulong sa mga braso niyang nasa magkabilang gilid ko lang.

"We are making love hon, not sex. And..." Ang lapit ng mukha niya sa'kin at isang maling galaw lang tuluyan ng magdidikit ang labi namin. "You're still 2 weeks pregnant, I asked your doctor and unfortunately she told me, we can still make love." Nanlaki ang mata ko, what a sneaky vampire. Ngumisi siya kaya 'di ko maiwasang sumimangot. Isa lang ibig sabihin niyan. Wala akong kawala sa'kanya.

Bahagya ko siyang itinulak papaalis sa harapan ko mas lalo pa akong sumimangot dahil hindi matanggal tanggal ang ngisi niya sa kanyang labi.

"Oh shut up, I'm hungry." To be honest, that's my excuse. Wala akong ganang kumain at isa pa baka magsususuka na naman ako. Believe me, ito ang pinaka nakakainis pag nagbubuntis ka.

"Then let's go to our bed." Nanlaki ang mata ko.

"I mean the real food!" Tumalikod ako at mabilis na lumabas ng banyo pero mabilis niyang hinigit ang braso ko.

"Hey, I'm just kidding please don't be mad." I can't help it, sa mga nakaraang araw mas nagiging emosyonal ako. Pabago bago bigla ang mood ko tapos ngayon bigla nalang humupa ang pagkainis ko dahil sa sinabi ni Ash. I know he's just kidding but ugh! Suck this pregnancy hormones!

"Hon?"

"I'm hungry." Tumalikod ako pero hinila niya ako kaya sumubsob ako sa matigas niyang dibdib. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko kaya napapikit ako. I really feel comfortable being in his arms.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon