Ten

341K 10.1K 1.9K
                                    

Aaliyah

I can feel my heart pounding so fast hanggang sa makaramdam nalang ako ng malamig na kamay na humawak sa balikat ko. Huwag niyong sabihin na may isang nagteleport papunta rito sa tabi ko?! Jusko ayaw ko pang mamatay!

"Chill guys! Tinatakot niyo ang  naliligaw na bisita natin dito sa academy." Biglang nagsalita yung lalaki sa tabi ko. Hindi tulad nila, normal lang ang hitsura niya pero mukhang babaero.

Nagulat nalang ako nang biglang mag si yukuan sila.

"Oh anong kaartehan yan? Lumayas nga kayo sa harapan ko, ngayon din." Bigla nalang sila nawala sa paningin namin at biglang humalakhak 'tong abnoy na lalaki sa tabi ko.

"Kuya naka shabu ka?"

"Pfft! Hahaha!" Punyemas, naka shabu nga! Feel na feel niyang tumawa kaya umalis nalang ako at baka kung anong gawin niya sa 'kin pero hindi pa man ako nakakalayo agad niya akong hinigit sa braso.

"Uy teka lang, baka sapakin ako ng kapatid ko pag nawala ka sa paningin ko. Makabasag bungo pa naman yun kung maka-batok. Tsk langya men!"

Binigyan ko siya ng weird look. Ang daldal niya at kung makausap sa 'kin para niya akong ka-tropa sa kanto. Di bale gwapo naman siya, naka-katol nga lang.

"Ay oo nga pala, kilala mo si Ash?" Tanong ko.

"Hanap mo kapatid ko? Yiih~" Sinamaan ko siya ng tingin pero ano daw? Kapatid niya si Ash? Pero bakit hindi sila magkamukha? Medyo pamilyar nga lang 'tong mukha ng bakulaw na 'to sa 'kin.

"Paki sabi diyan sa kapatid mo na kailangan na niya akong ibalik sa amin kung ayaw niyang sipain ko siya."

"Talaga? Sisipain saan?" Pang aasar niya. Pucha!

"Gusto mo ikaw sipain ko? Ang dami mong satsat."

"Chill! Daldalhin din kita doon sa bakulaw kong kapatid pero kailangan muna kitang ilibot dito sa academy."

"Bakit? Para saan?"

"Tour, kasi dito ka na mag aaral?" Nagtataka siyang sumagot. Para bang sinasabi niya na 'hindi ba sinabi ni kuya na mag aaral ka dito?'

"Oh shoot 20 minutes left. Tara na!" At saka niya ako mabilis na kiladkad. Langya, magkapatid nga sila!

****

"At ang pinaka importante sa 'kin dito sa academy ay ang tentenenen CAFETERIA!" Hinila niya ako papasok at pinaupo sa isang vacant table. Kung pagbabasehan ang normal na tao sa bampira, wala naman itong pinagkaiba maliban sa mapuputla nila balat at mas maganda ang features nila.

Maya maya'y bumalik siya na may dalang mango royale.

"Whoo! Nakakapagod din palang mag tour men!"

"Ikaw ba naman kasi ang dumaldal ng dumaldal ano?"

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Eh hindi ka naman kasi nakikinig."

"Ako pa ngayon may kasalanan?"

Hindi na siya sumagot at patuloy lang sa paglamon ng pagkain niya. Bigla kong naalala ang oras kaya tumingin ako sa orasan ko. Madaling araw na pala!

"Uy---"

"Hindi 'uy' ang pangalan ko men." Napa irap ako. Bakit ang hilig niya sa men ano?

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon