Forty Five

313K 7.1K 1.6K
                                    

BG: Unconditionally by Katy Perry

Aaliyah

Location: Brazil

Sweat almost dripping.

Trembling hands.

Speechless mouth.

"Natatae ka ba Aaliyah? Pwede ka namang dumiretso sa banyo kung gusto mo." Sinamaan ko ng tingin si Rachel na siyang nag aayos ngayon ng make up ko. Sino pa ba?

"Joke lang! Girl, relax ngayon ang kasal mo 'di ka nila bibitayin ngayon okay? Breathe in, breathe out. Sige ganyan lang, sundan mo lang ako."

I tried following her pero mas lalo lang yata ako kinabahan. Hindi pa rin ako makapaniwala na ngayon na ako ikakasal. Napagplanuhan namin--oh mas magandang sabihin na pinagplanuhan ni Ash na ikasal kami sa isang isla dito sa Brazil. Hindi ko alam kung bakit nagpakalayo pa kami pero hindi na ako nagreklamo, isa pa ngayon lang 'to mangyayari.

"Alam mo Aaliyah? Pag ako ikakasal di ako magmumukang natatae sa kasal ko, cheer up! Ang blooming mo pa naman."

Napairap ako, hindi ko alam kung pinapakalma ba ako ni Rachel o ano. Pero totoo nga naman, ayokong magmukhang na constipated sa araw ng kasal ko. Ginawa ko ang makakaya ko upang ngumiti at paulit ulit kong itinatak sa isipan ko na ito ang pinakamahalagang araw para sa'kin. Okay, smile smile smile.

"Yan! Good good! Di ka na mukhang natatae."

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Cindy at Kai na mukhang kakatapos lang ayusan. Pareho silang naka pulang gown pero pansin ko ang hawak ni Cindy na white gown inilapag niya yon sa kama at nakangiting tumingin sa'kin.

"Blooming like me! Emeged!"

Sumegundo naman si Kai at inilagay ang white strappy heels sa ibaba ng kama.

"Oh my gosh! I'm so happy for you!"

Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko lang dahil baka masira ang make up ko. Lumapit sila sa'kin at yinakap ako ng napakahigpit. Nagkwentuhan kami at nag asaran kung sino ang sunod na ikakasal. Pagkaraan ng ilang minuto lumabas silang tatlo para makapagpalit na ako.

Malapit ng mag alas diyes ng gabi, oo gabi ang pinagplanuhan nila. Wala namang problema sa'kin yon para naman maiba. Lumapit ako sa kama at sinuri ang gown na inilapag kanina ni Cindy.

Fish tail white dress, lacey and see through at the top with a gold belt in the middle.

Kung titignan parang pang wedding at pang celebration ang gown na 'to pero mas mabuti na 'to kaysa naman magsuot ako ng ball gown at high heels, eh puro sand ang aapakan namin doon. Isinuot ko 'yon at namangha ako dahil saktong sakto ito sa katawan ko.

It really did hugged my curves.

Isinuot ko naman ang strappy sandal ko saka tumayo at pinagmasdan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin.

This day is the day I will be tying the knot with Ash, sa kabila ng pinagdaanan namin at sa kabila ng hirapan, here I am standing infront of a mirror, facing the reality that tonight we will be sealing our vows to each other. Hindi ko na mapigilang mapaluha sa saya. I don't care if I sounded so cliché, try to put your feet on my shoes and you'll know how great this feelings are.

Muli na namang bumukas ang pinto at inilabas non ang shokoy kong kapatid na nakangiti ng malawak, nakasuot siya ngayon ng itim na tuxedo at ang linis ng pagkakasuklay sa buhok niya. Sa wakas nagmukhang normal 'tong kapatid ko. Humarap ako sa'kanya at ngumiti. "Kuya Keith.."

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon