Twenty Nine

311K 8.3K 2.2K
                                    

Aaliyah

"Ash saan dito pwede mag shower?" Pinagpawisan ako kanina kaya nanlalagkit ako ngayon.


"Second floor, left corner, last door. That will be your room. " Tumango ako, my luggage isn't that heavy kaya di ako mahihirapang ipunta 'to sa second floor. "But if you want we could take a shower together." Bwisit nagbingibingihan nalang ako at mas binilisan ko pang maglakad. Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina but why did I find it so sexy---siguro kailangan ko nga talagang mag shower.


Pagkarating ko palang sa second floor  lumiko ako sa kaliwa. Last door daw kaya napatingin ako sa pinakadulo ng pasilyo. May iisang pinto doon, hindi kaya 'to? Nagkibit balikat nalang ako at napagpasyahan na doon pumasok.


Pagkapasok na pagkapasok ko palang bumungad sa'kin ang napakalaking kwarto. Puro itim at puti lang ang kulay na nakikita ko pero nababagay ito. Naging maingat ako sa lahat ng kilos ko, mukha kasing mamahalin lahat ng gamit na nandito. Iniwan ko muna ang luggage ko sa isang tabi at kumuha ng towel at damit.


May tatlong pinto dito sa loob ng kwarto, yung isa main, yung nasa kanan walk in closet so I'm guessing na yung nasa kaliwa ang shower room. Pumasok na agad ako, I took off my clothes and do the rest.  Kumikirot na naman ang likod ko pero mas tumindi na ngayon. In-off ko muna  saglit ang shower dahil mas lalo lang humahapdi yung likod ko.


"Aray..." Napadaing ako lalo na't para bang may tumutusok sa may bandang bewang ko. Napahawak ako ng mahigpit sa bagay na nasa gilid ko, saktong may full length mirror akong nakita kanina malapit lang sa kinaroroonan ko kaya napagpasyahan kong pumunta doon. Tumalikod ako saka nilingon kung anong masakit sa bewang ko.


"Fvck?"


Where on earth did my back got those tattoo?! Sa pagkakatanda ko naman hindi ako nagpatattoo sa kung sino man. Tinitigan ko pa 'to kaya napansin ko ang pamumula nito sa paligid. I took a lot more closer at doon ko lang napansin na words pala 'to na nakasulat sa latin. What the heck?


****


Pagkatapos kong mag shower lumabas na ako suot suot ang isang manipis na night gown. Agad na tumama ang lamig ng aircon sa balat ko pagkalabas na pagkalabas ko palang. I just shrug off about that tattoo, saka ko nalang yan pro-problemahin.


Narinig ko na bumukas ang pinto kaya napalingon ako dito. Anong ginagawa niya dito?


"Anong ginagawa mo dito?" Parang iba yata kutob ko ngayon?


"Going to sleep?" Nakangisi niyang saad kaya di ko maiwasang kabahan. Oh no, not again.


"Akala ko ba kwarto ko 'to at teka nasaan si Ivo?" I'm starting to feel unease kaya kunwareng hinahanap ko ang suklay  sa luggage ko pero bigla kong naalala na siya pala nag empake ng mga gamit ko. Omaygad.


"Oh, I forgot to tell you that this will be our room. And don't worry about our son, he's a big boy now, he's sleeping in his own room." Medyo napalingon ako sa gawi niya, yung ngisi niya talaga nagpapakaba sa'kin.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon