Forty One

221K 6.6K 1.4K
                                    

BOOK OF HALEI PART 3 (Last)


Third Person's POV


"What's your name?" Nakatulala lamang si Aaliyah at hindi pinansin si Ash na nakatayo sa paanan ng kama niya. Hanggang ngayon iniisip pa rin niya ang kanyang kapatid. Sa loob ng anim na araw na nakatulog siya hindi niya alam kung anong nangyari, kung anong ginagawa ng kapatid niya.


"H-Halei..." Bigla niyang nabanggit ang pangalan ng kapatid niya.


"Your name is Halei?" Tila ba walang naririnig si Aaliyah at panay ang bulong niya sa pangalan ng kapatid niya.


****


Siyam na buwan na ang nakakalipas, sa bawat paglipas ng buwan mas lalo lang napapalapit ang loob niya kay Ash. Sinubukan niyang iwasan ang mga nararamdaman niya pero huli na siya nang mapagtanto niyang nahulog na nga ang loob niya. Alam niyang sa likod ng mga kasungitang ipinapakita niya ay may malalim na rason. 


Tila ba nawala na sa isip niya si Halei at ang kanyang mga magulang, tulad ngayon iniisip niya kung paano niya mapapalaki ng mabuti ang kanyang anak. Hinaplos niya ang malaking bukol sa tiyan niya at kinausap ito na para bang naririnig ng bata sa loob.


Maya't maya'y bumukas ang pinto at iniluwa 'non si Ash, gaya ng dati malalamig pa rin ang mga mata nito. Tila ba hindi niya napansin si Aaliyah at naupo siya sa kama, lumapit naman si Aaliyah sa kinaroroonan niya pero hindi pa man siya nakakalapit sa kinaroroonan ni Ash narinig niya na lumabas sa bibig nito ang isang pangalan ng tao na nakalimutan niya sa loob ng siyam na buwan. Agad siyang napatigil sa kanyang kinatatayuan nang marinig niya ang pangalan ni Halei.


"H-Halei..." Pag uulit ni Aaliyah na siyang narinig ni Ash kaya napatingin siya.


"Why are you calling yourself?" Kunot noong tanong ni Ash kaya napakunot noo rin si Aaliyah. Sa loob kasi ng siyam na buwan hindi siya tinatawag ni Ash sa kahit na anong pangalan kahit na Halei ang ibinagay na pangalan ni Aaliyah noon.


"Ano?"


"You told me your name is Halei. What's wrong with that?" 


Hindi makasagot si Aaliyah, mukhang ngayon niya lang napagtanto ang katangahan niya. Habang kasama kasi niya si Ash noon wala siyang bukambibig kundi ang pangalan ni Halei. Magsasalita sana ulit siya nang may kumatok sa pinto, binuksan 'yon ni Ash at bumungad sa'kanila ang isang matandang babae, sa pagkakaalam niya isa siyang yaya.


"Tawag po kayo ng inyong ama." 


Kita niya ang pagbuntong hininga ng malalim ni Ash, sa isang iglap siya na naman ang naiwang mag isa sa loob ng malaking kwarto. Hindi niya napigilan ang kanyang kuryosidad at palihim na lumabas sa kwarto. Dahan dahan siyang naglakad sa mahaba at tahimik na pasilyo hanggang sa makarinig siya ng mga boses galing sa unang palapag.


Dinala siya ng mga paa niya pababa sa hagdan pero hindi pa man siya nakaka apak sa huling baitang, napatigil siya sa kanyang narinig, mas lalo pa siyang nasaktan sa nakita.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon