Seventeen

313K 8.9K 1.7K
                                    

Aaliyah

Nakatulala ako pagkatapos buksan ni Cindy ang pinto ng dorm niya. Mabilis na sumalubong sa 'kin ang kakaibang aura at ang malamig na temperatura.


"Sigurado ka bang andito na ang anak ko?"


Ngumiti sa 'kin si Cindy at marahang tumango. Gusto kong maiyak dahil sa wakas mahahawakan ko ulit ang anak ko. Dalawang araw na hindi ko siya nakakasama at kalbaryo na 'yon. May umeepal lang kasi kaya dumadagdag sila sa problema ko para kay Ivo.


Mabilis akong pumasok sa loob. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, mabilis na hinanap ng mata ko ang anak ko pero wala.


"Hala! Baby Ivo saan ka na? Andito na si mommy mo oh."

"Akala ko ba andito siya?"


"Nandito nga siya ma'am." Itinaas niya ang pendant na suot niya. Ano bang meron diyan sa pendant na yan?


Normal lang naman siya kung titignan pero nakakapagtaka kung bakit nag glo-glow ito ngayon.


"Ikaw bubwit este baby Ivo ha! Nakakapagod makipaglaro ng tagu-taguan sa'yo, maawa ka naman sa maganda kong mukha hmp! Ay wait dito ka nalang muna ma'am hahanapin ko lang siya."


Naguguluhan akong tumango, bakit ganon? Ba't naging kulay pula ang mata ni Cindy?

"Ay anak ng bampira!"


Nabigla ako nang may maliliit na kamay ang yumakap sa bewang ko. Sa sobrang lamig nito para akong niyayakap ng isang yelo.


"Mommy! *giggles*"


Upon hearing that voice, mabilis akong tumalikod at hinagkan ang anak ko. I carried him ang kissed every inch of his face. I miss his scent, I miss his hugs, I miss my son.


*giggles*


"Whew! Nandito ka lang pala bubwit este baby Ivo, pinag alala mo ako dun ah."


Napabusangot agad si Cindy nang makita niyang nilalambing ako ng anak ko. Gusto rin kasi niyang maranasan kung paano maglambing si Ivo pero talo pa nila ang aso't pusa.

"How's my son? Hindi mo ba pinataas BP ni ate Cindy mo?"


Tumingin ako sa kabuuan at hitsura ngayon ni Ivo, ang mala abo niyang mata mas lalong lumamig. Yung buhok niyang dati ay kulay itim ngayon naman nagiging abo na rin. Nagiging kamukha na talaga niya si Ash.


"Tama! May naalala ako! Alam mo ba ma'am na ikinalat ni baby Ivo yung panty at bra ko diyan sa corridor? Nakakahiya nakita pa kasi ni crush huhu. Major turn off! Wala ng pag asa ang lablayp ko!"


Habang nagdradrama si Cindy binigyan ko ng masamang tingin si Ivo.


Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon