Forty Two

263K 7.6K 1.5K
                                    

PRESENT


Aaliyah


After 2 weeks


It's been 2 weeks. 2 weeks of shutting them out and locking myself in my own room. 2 weeks of digesting all the truth. 2 weeks of reminiscing the past and 2 weeks of being a mess.


Nasa tabi ko lang ang libro na kakatapos ko lang basahin isang araw ang nakakalipas. Maraming nasagot sa katanungan ko pero may iilan pa ring hindi.


Napagpasyahan kong tumayo at kinuha ang picture frame na ibinigay sa'kin ni Ash bago ako tuluyang nagkulong. It was when me inside the coffin---lifeless. Ito yung nakita ko noon sa penthouse niya. Hindi ko agad napansin na ang nasa loob pala ng litrato ay walang iba kundi ako, hindi pa rin ako makapaniwala na namatay ako noon.


Unti unting bumaha ang mga memorya ko sa nakaraan hanggang sa kung saan inilibing ako ng buhay. Si Y-Yvonie, ang una kong anak, patay na ba talaga siya? Pinunasan ko ang luha ko na muling pumatak. Ayoko ng umiyak, nakakasawa na. Ayoko na rin maging mahina at magmukhang kawawa, bumuntong hininga ako ng malalim at pumasok sa banyo.


Habang rumaragsa ang tubig papunta sa'kin muli kong kinapa ang tattoo na nasa bewang ko. Now or never sa tingin ko yan ang mensahe sa'kin ni Halei bago siya namatay. Napakapa naman ako sa gilid ng ribs ko. Shadow passess, light remains I think this is also another message for me.


Napabunting hininga ulit ako nang may mapagtanto ako. Maybe this mess needs to settle down. Binilisan kong maligo at nagpalit ng damit. Hindi ko muna sila kayang harapin lahat pero mas maigi kung isa isa ko silang kakausapin.


Pero papaano? Andito ako ngayon sa bahay ni mama, kung kakausapin ko ang isa man sa kanila baka nasa academy sila ngayon. Ibig sabihin niyan wala akong portal na madadaanan.


Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang contact list. Nakuha ng attention ko ang number ni Sir Klint, hindi ko alam kung papaano napunta dito ang number niya pero isinawalang bahala ko 'yon. Nagbabasakali ako kung mababasa man niya ang text ko pagkatapos ko yon isend.


Sir Klint pwede ko ba kayong makausap? Please don't tell anyone about it.

-Aaliyah


Wala pang ilang segundo tumunog agad ang phone ko kaya dali dali ko 'tong binuksan.


Sure. ***Café, 5:00 P.M

-Klint


Napatingin ako sa orasan, limang minuto nalang kaya lumabas na ako. Malapit lang yung café dito kaya lalakarin ko nalang. Pagkarating ko doon umupo ako sa pinakasulok, may lumapit na isang waitress para kuhanin ang order ko pero umiling lamang ako at ngumiti.


Napatingin ulit ako sa orasan, isang minuto na lang.


Bakit nga ba si Sir Klint ang nauna kong naisapan na kausapin? Nabasa ko nga kung anong naging relasyon nila noon ni Halei pero may katanungan pa rin ako na gusto kong malaman sa'kanya.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon