Seven

349K 10.7K 1.3K
                                    

Aaliyah

"Hoy beb! Gising! Uy enebe!" May yumugyog sa balikat ko at doon ako tuluyang napamulat. "Oh sht.." Nananaginip lang ba ako kanina?

Napahimas ako sa ulo ko, kita ko ang ibang maleta na nakabalandara sa gilid at hindi pa naayos.

"Alam mo beb, kung makamura ka para kang walang anak. Mura here, mura there, mura everywhere---" Sinalpakan ko ng cotton balls ang bibig niya. Bigla bigla nalang siya nanenermon eh kagigising ko lang. Tama ba naman 'yon?

"Anong oras na?" Tanong ko.

"Madaling araw na beb." Napasampal ako sa noo. Naman eh! Oras ang tinatanong ko! Pero hinayaan ko nalang siya at nagtungo sa kusina pero langya! Nakabuntot siya na parang tuta!

Kumuha ako ng tubig sa loob ng ref at ininom 'yon para mahimasmasan SANA, kaso biglang nagsalita si Kai na dahilan kung ba't ako napaubo ng husto.

"Beb...'nung ginawa niyo si Ivo, a-anong posisyon ang ginamit niyo?"

Halos murahin ko siya dahil ang inosente ng tingin niya sa 'kin. Pati ba naman 'yung mga 'yon tinatanong niya? Grabe pagka timang ng babaeng 'to!

"Kai, don't you ever ask those questions lalo na't umiinom ako. Gusto mo ba akong mabilaukan?!"

"Ganern ba beb? Okay! Ngayong di ka na umiinom, anong flavor ng condom ang ginamit 'niya'?" Halos lumuwa ang mata ko at malaglag ang panga. May sapak ba 'to?!

"Gusto mong tahiin ko yang bibig mo? Bakit siya gagamit ng condom edi kung sana gumamit siya 'non hindi namin mabubuo si Ivo." Inis kong ismid. Pero pucha! Tumango tango pa siya na parang bata.

"Eh kasi sa'min, yung posisyon namin nung---" Kinuha ko ang mansanas sa center table at isinalpak 'yon sa bunganga niya.

"Ang daldal mo."

****

Afternoon ang schedule ko ngayon at mag aalas onse na at kakatapos ko lang maligo.

"Daddy..daddy..." Napatingin ako sa gawi ng anak ko. "Daddy! Daddy!" Nataranta agad ako ng makita ko siyang umiiyak habang umuungol. Napapanaginip niya ulit ang papa niya.

"Sshhh baby.." Pang aalo ko sa 'kanya. Hanggang sa makalipas ang sampung minuto at bumalik na ulit ang normal niyang paghinga, di tulad kanina na parang may hinahabol siya sa sobrang bilis ng kanyang paghinga.

Iniligpit ko ang mga gamit ko at tuluyan ng umalis sa silid. Pinaalalahanan ko na rin si Cindy para bantayan si Ivo at ang loka lokang si Kai, kahit papaano'y buntis pa rin 'to.

"Bye Ma'am Aaliyah, ingat po sa exams niyo!" Ngumiti ako at tuluyan ng pumara ng taxi.

Medyo traffic kaya nagbasa basa muna ako ng notes ko. Last sem na namin 'to at kailangan kong pumasa. I'm taking up accountancy, believe me or not, I really don't like these course pero si papa ang nasunod at gugustuhin niyang makita na pumasa ako because he believes in me but sad to say he already departed. Kaya once na maipasa ko 'to, I'll follow what I really want to do since I was young.

"Ma'am sobrang traffic po ngayon, mabagal po ang usod ng sasakyan." Bigla nalang nagsalita si manong driver. Napatingin ako sa orasan ko at 30 minutes nalang natitira bago magsimula ang test.

"Manong, wala na ho ba kayong ibang alam na shortcut?" Pagmamakaawa ko, ayokong ma late at magraratatat na naman ang bunganga ni Ms. Garcia. Hindi pa naman 'yon nauubusan ng bala.

"Nako ma'am lahat ata ng pwedeng daanan puno rin." Napahilot ako sa noo ko. Baba nalang siguro ako, dibale 25 minutes lang naman ang lalakarin  ko mula rito, may 5 minutes pa akong natitira para tahakin ang room.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon