Nineteen

325K 8.9K 2.4K
                                    

Aaliyah


"Oh bakit ganyan mga mukha ninyo?" Bati sa'min ng guro namin sa History. Pansin ata niya na wala kami sa mood at halos bumigay na ang talukap ng aming mga mata. Paano ba naman kasi para kaming hinehele nung matandang guro kanina.

"Sir ibigay niyo nalang 'tong time na 'to as free!" Maktol ng isang estudyante na agad namang sinang ayunan ng iba. Napatawa nalang ang aming guro saka naglapag ng makapal na libro sa harapan.

"Sir huwag muna tayong mag lecture nakaka ubos ng brain cell!"

"Huwag kayong O.A. Umayos kayo ng upo dahil hindi talaga tayo mag lelecture." Halos lahat ay nagbunyi at nagsi-ayos ng upo. "PERO magkukwento ako." Dagdag pa ni Sir Klint. Agad nagprotesta ang iba dahil makakarinig na naman sila ng boring na kwento. Hayys history nga naman, malamang nakakaantok.

"Sinong nakakaalam sa kwento ni Halei?"

Halei? Pakingshet sino 'yon? Hindi lang ata ako ang nagtataka ngayon dahil maging ang buong klase ganun din. Napailing nalang ang aming guro.

"Saang planeta kayo galing?" Tanong niya sa'min habang nakakunot noo.

"Sir clue naman!"

"Sir tiga-other galaxy ako hehe."

"Sir sino ba yun?"

"Sir chix ba? Whoo!"

Napa facepalm si Sir Klint dahil mukhang wala talaga kami ka-ideidea kung sino yung Halei na 'yon. At isa pa, inaantok na ako huhu.

"BAWAL ANG MATUTULOG SA KLASE KO KAYA MAGSI-AYOS KAYO AT MAKINIG!"

Mabilis kaming napabalikwas at umaktong ready ng makinig kay Sir. Putapete nagulat ako dun ah. "Aayos din naman pala eh." Bulong niya pero rinig ko naman. Sinimulan na niyang buklatin ang libro at inihinto ito sa isang pahina. Bigla na lamang tinawag ni sir ang pangalan ko kaya mabilis akong napatayo.

"Ms. Lopez wala ka ba talagang idea kung sino si Halei?" Gusto kong sumimangot ngayon, ang kulit naman ni sir eh  wala nga akong kaalam alam sa history ng mga bampira tapos ako pa napagtripan niyang tanungin?

"Wala po sir."

"Maari ka ng umupo."

Napabuntong hininga ng malalim si sir at umupo sa teacher's table at humarap sa'min. "Hindi ko alam kung anong meron sa utak niyo at hindi niyo siya kilala." Tapos isa isa niya kaming sinamaan ng tingin. Hala.

"Sir Klint sabihin mo nalang kung sino, masyado kang pa-thrill eh."

"Sir malaki po ba connect ni Halei sa history? Baka naman po chix niyo yan hehe."

"Sir kwento mo na!"

Langya 'tong mga kaklase ko, parang hindi mga bampira.

"Eto na! Magsisimula na, makinig kayo ng mabuti kung ayaw niyong tamaan neto." Sabay pakita sa'min ng chalk. Kahit na inaantok kami, no choice kundi makinig kami sa kwento ni Sir Klint tungkol kay Halei kung ayaw namin mabato daw ng chalk. Brutal huhu.

"Halei was the only daughter of Kurt and Miranda Samson who both are farmer, well the truth is she's an adopted child but neverthless the 2 couples still treated her as their very own blood and flesh." Pumikit si sir at parang dinadama talaga yung ikukwento sa'min. "They thought she was just a normal kid, but apparently  they witness a familiar tattoo showing above her chest. Realization hit them when they remembered the last clan of the Amarenth, the weakest clan of the black witch."

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon