Thirty Nine

235K 7.1K 1.7K
                                    

BOOK OF HALEI PART 1 (Obviously this chapter will contain flashbacks)


Third Person's POV


Pagod at pawisan ang mag asawa habang naglalakad galing sa bukid, madilim na ang buong kalangitan kaya napagpasyahan nilang umuwi. Malayo pa man sila sa kanilang kinaroroonan pareho silang napatigil nang makarinig sila ng iyak ng mga sanggol, sinundan nila ito hanggang sa huminto sila sa harapan ng isang puno. Nakita nila ang dalawang sanggol na magkalayo sa isa't isa. Hindi na nag alinlangan ang ginang at binuhat ang sanggol ganon din ang kanyang asawa.


Kapwa sila namangha sa kakaibang ganda ng dalawang sanggol, kahit hindi pa sila lumalaki nakikita na nila kung gaano sila biniyayaan ng kagandahan. Napatingin sila sa isa't isa at kapwa nakangiti, napagpasyahan nilang iuwi ang dalawang sanggol kaysa pabayaan sa daan lalo na't ang lamig pa ng paligid.


Silang dalawa na ang nagtulungan sa isa't isa para palakihin ng mabuti ang dalawang sanggol, kahit na hirap sa buhay, hindi naging pabigat sa kanila ang dalawa. Itinuring pa nga nila itong biyaya sa'kanila dahil noon pa nila pangarap magkaanak kaso baog ang ginang kaya naging malabo 'yon.


Mabilis na lumipas ang panahon at tulad ng inaasahan, lumaking magaganda ang dalawa. Pinangalanan nilang Halei ang dalagang may berdeng mata at ang babaeng may pulang mata naman ay pinangalanan nilang Aaliyah. Alam nilang hindi ordinaryo ang dalawang bata, kalat sa mumunting bayan nila ang mga kakaibang nilalang ngunit kahit na anong sumbong nila sa mga gobyerno o sa mga taong nasa malalaking bayan, hinid nila ito pinapaniwalaan dahil nga daw nasa moderno silang panahon at tanga na lang kung sino pang maniniwala sa mga bampira, aswang, mangkukulam at kung ano pa man.


Pero mapa-tao man o hindi, hindi nagbago ang tingin ng mag asawa sa dalawa, pinalaki nila itong normal kahit na minsa'y nagkakaroon sila ng problema sa paghahanap ng dugo para kay Aaliyah. Napag-alaman din nila kung saan galing sina Halei at Aaliyah dahil natunugan nila ang mga chismosa sa bayan na may dalawang sanggol daw na nawawala. Ang isa ay galing sa Amarenth at sinasabing binura daw nila ang angkan nila at ang sanggol na nawawala ang natitira sa kanilang  lahi na inaakala nilang patay na.


Habang si Aaliyah naman ang bampirang itinakda. Hindi nila alam kung para saan o ano basta ang natunugan nila isa itong itinakda, galing daw siya sa mga malalakas na angkan ng mga bampira kaya hindi na nakakapagtaka dahil nakita nila si Aaliyah noon na gumagawa ng kung ano-anong elemento sa 'kanyang kamay---minsan pinaglalaruan niya ang bolang apoy sa ibabaw ng kanyang palad, kapag galit siya o malungkot bigla nalang bumabagyo ng malakas, mapa-tubig, hangin ay nacocontrol din niya. Habang si Halei, napagalaman naman nila ang kakayahan nitong gumaya ng mukha ng ibang tao.


Isang araw napagpasyahan nilang magtrabaho sa bukid para sa ikakain nila mamayang gabi, nakasalubong nila si Peter na may hawak na baboy ramo sa kanyang likod. Kilala si Peter sa kanilang bayan bilang mangangaso, mabait ito at matulungin pero lingid sa kaalaman nilang lahat tuso ito sa kaloob-looban.


Habang nasa bukid ang mag asawa, naisipan naman nina Halei at Aaliyah na maglaro, hindi sila gaanong lumalabas sa kanilang bahay kaya ngayon nila naisipang isagawa ang larong naisipan nila. Si Halei ang nakaisip sa kung anong gagawin nila at walang nagawa si Aaliyah kundi tumango na lamang, mahal niya ang kapatid niya kahit na hindi sila magkapatid sa dugo, ayaw niya itong madismaya kaya pinagbibigyan niya ito sa lahat ng gusto niya. 

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon