Thirty Eight

238K 7.2K 2.4K
                                    

Third Person's POV


Tahimik lamang si Cindy habang kaharap niya sina Ash, Rachel, Klint, Ark at Kai na lahat ay seryoso. Si Ash ang unang bumasag sa katahimikan nang bigla itong magtanong kay Ark.


"What did she heard?"


Muli na naman namayani ang katahimikan, saglit na napalingon si Ark kay Cindy, nag-aalinlangan pa siya kung sasabihin niya lalo na't andito lang si Cindy at nakikinig.


"What did she heard?" Inulit ni Ash ang tanong niya kanina at mukhang nauubusan na ng pasensya, bumalik na naman ang nakakatakot niyang aura at maging ang mga kasama niya hindi maiwasang matakot.


"Tungkol kay H-Halei."


"Go straight to the point." Umubo ng mahina si Ark para hindi siya mautal sa isasagot niya, iniwas na lamang niya ang tingin niya kay Cindy na ngayon ay nakatungo.


"Sa tingin ko napakinggan niya yung tungkol sa reincarnation ni Halei." 


Nang marinig 'yon ni Cindy mas lalo pa siyang tumungo nang maramdaman niya ang mga mata nilang nakatingin ngayon sa'kanya. Kinagat niya ang ibaba niyang labi upang hindi ulit maluha ngayon alam niya ang rason na siya ang dahilan kung bakit nawawala ngayon si Aaliyah.


"Wala kaming nagawa nang tumakbo siya ng napakabilis at nagtungo sa gubat, hindi na namin siya mahanap kaya may malaking posibilidad na pumasok siya sa isa sa mga portal na naroroon." Ngayon, si Rachel naman ang tinignan ngayon ni Ark. Isang magaling na witch si Rachel kaya may pag-asa pa silang mahanap si Aaliyah.


"G*dd*mn*t..." Nagitla silang lahat nang kumulog ang makulimlim na langit, kitang kita nila kung papaano dumilim ang paningin ni Ash kaya di nila maiwasang kabahan.


"This is all our fault, this plan turned out so wrong, once we find her we need to try our best to tell her everything. Let's get this fvcking over." Unang tumayo si Ash at sinenyasan si Rachel, tumango naman siya at nag chant ng spell upang magbukas ang portal.


"Klint and Cindy stay here, Rachel and Kai you'll be the ones to check the forest. Ark and I will enter the portal." Lahat sila nagsitanguhan at wala nang balak pang umangal sa suhesyon ni Ash. hindi rin nagtagal tumambad sa'kanila ang napakalaking portal.


"Goodluck."


Cindy


Nagsara ang malaking portal sa harapan namin nang makapasok na silang dalawa. Binalot ng katahimikan ang buong silid, hindi ako sanay sa pagiging matahimik, makulit ako at may maluwag na turnilyo sa utak, nakakapanibago sa'kin lahat.


"You two, maiwan muna kayo dito. Let's go Kai." Gusto kong sumama sa'kanila pero agad din silang nawala na parang bula kaya ngayon kami nalang ni Klint ang naiwan ngayon sa silid, wala ni isa sa'min ang may balak magsalita.


Ilang minuto na kaming tahimik pero siya na ang naunang nambasag sa katahimikan. 


Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon