Twenty Six

303K 10.3K 2.9K
                                    

Aaliyah


Nanginginig ang kamay ko habang pilit na pinupunasan ang mga luha ko na naguunahang pumatak.  Here is my baby lying on my lap,  looking weak and fragile. Nakasakay kami ngayon dito sa kotse ni Cindy papunta sa dating bahay ni Kai. Yes, we escaped and yes, I won't give a damn kung magtaka sila o kung bumagsak ako basta ang mas mahalaga sa'kin ay ang anak ko. I may sound like a selfish coward freak for escaping and by not telling him but hear me out, after what happened in that men's dorm? I don't think I can talk to him again. He's badly mad.


"Andito na po tayo." Saktong inihinto ni Cindy ang kotse sa garahe at lumingon sa gawi ko, ngumiti nalang ako ng matamlay saka binuhat si Ivo papasok ng bahay. Muntik na naman akong mapaiyak dahil bigla siyang gumaan, pakiramdam ko isa akong ina na napaka walang kwenta. I feel more than worse. Ang sarap murahin ng sarili ko.


"Tatagan niyo po ang sarili niyo, yan pa si baby Ivo? Yakang yaka niya yan kasi magpapakasal pa kami sa future!" Alam kong pilit akong pinapangiti ni Cindy dahil kapansin pansin din ang pananamlay sa boses niya.


"Thanks Cindy." She smiled at me pero hindi gaya ng dati, hindi na 'yon ang abot tenga niyang ngiti.


Napagpasyahan ko na umakyat sa dating kwarto namin ni Ivo pero nasa tapat palang ako ng pinto nang bigla siyang maalimpungatan. "Mama..." Mahina niyang bulong sabay tingin sa mga mata ko.


"Where are we? My birthday..."


"Sshh baby, you need to rest first okay? Kapag marami ka ng energy pupunta na tayo."


"But my birthday is today, I don't wanna miss it. Please mama...I wanna go.."


Biglang pumatak ang luha ko pero agad ko din 'yon pinunasan. Naririnig ko palang ang pagmamakaawa ng anak ko tila ba pinanghihinaan na agad ako. Yes, today is his special day but seeing him in this condition makes me feel bad, well more than bad as I said it makes me feel worse. Tuluyan ko ng binuksan ang pinto at inilipag muna siya saglit doon.


"Baby.." Garalgal ang boses ko kaya umubo muna ako para hindi niya mapansin. "You're sick today, ayaw ni mama na lumala ang sakit mo." Mabilis siyang sumimangot at bigla biglang bumangon kaya agad akong lumapit sa'kanya.


"Baby becareful!"


"Mama I'm strong! See?" Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na tila ba ipinapakita niya 'kuno' sa'kin ang muscles niya. "Now let's go!" Masigla niyang sambit kaso sa mahina na boses.  "Please.." I look at him, nagsusumamo ang kanyang mata, kaso mas naaninag ko doon ang lungkot, he badly want to celebrate his birthday by going to those places.


"Baby..."


"Please please please mama?"


His voice, his voice is full of hope, mas lalo akong nakonsensya. If I'll say no to him mas lalong sasama ang loob niya. Ayaw ko namang mangyari 'yon, I look back again to his eyes at para na siyang naiiyak kaya dali dali ko siyang niyakap at isiniksik ang katawan niya sa'kin.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon