Thirty Five

268K 7.6K 1.2K
                                    

Rachel


I smiled as everything is going well according to the plan. May kanya kanya kaming binabantayan and I'm tasked to---oh well nice timing ang bruhang 'to.


"Rachel oh Rachel, help me for my nose is bleeding to death, Sir Klint favored me an economical style in writing my journal pero putakte! Grammar nga nahihirapan na ako, economical style pa kaya?! Help me oh Rachel!"


"Kanina ka pa sa kaka oh Rachel diyan, inabuso mo na yata kakabasa ng romeo and juliet. Siraulo talaga."


"Eh naman kasi nakita kong binabasa 'yon ni Sir Klint hihi."


Napairap ako sa kawalan nang banggitin niya ulit ang pangalan ni Klint. Adik 'tong babaeng 'to, sobra kung magka-crush tapos iiyak iyak sa tabi at sasabihin na cute-zone. Ewan ko sa babaeng yan, sinaniban ata ng sandamakmak na multo.


"Hibang ka ba? Guro mo 'yon!"


"So? Tatlong taon lang ang agwat namin at wag ka ngang tumingin sa'kin na para akong tinubuan ng patotoy sa noo, hindi lang kaya ako ang nagkakacrush kay sir hmp!"


"Paano mo alam na tatlong taon lang agwat niyo?"


"Secret hihi."


Masisiraan na yata ako ng bait punyemas. Inagaw ko nalang ang journal na kanina pa niya iwinawasiwas sa mukha ko. Binasa ko 'yon, lintek bakit ang daming puso?!


Hi♡♡

You may not know who wrote this letter because I'm pretty hihi.♡♡


Hindi ko na tinapos ang nakalagay sa sulat, unang sentence palang napa facepalm agad ako.


"Kung ako siguro yang si Sir Klint baka tinapon ko na 'to sa basura. Nonsense."


"Ay na-nonsense zone ako huhu enebe basahin mo kaya muna lahat no?"


"Ayoko."


"Sige na!"


Sinamaan ko siya ng tingin bago ibinalik ulit ang tingin ko sa papel.


"Teka nga! Hindi naman 'to journal eh! Pinagloloko mo ba ako?!"


"Hihi ngayon mo lang napansin?"


Sinamaan ko siya ng tingin, akmang ihahampas ko 'to sa noo niya pero nakaisip ako ng nakakalokong plano. Ngumiti ako at tinupi ang letter saka inilagay sa bulsa ko.


"Magdasal ka nalang Cindytot pag nabasa 'to ni Sir Klint mo 'no?" Nanlalaki ang mata niya at hindi niya na nagawa pang hablutin ito dahil mabilis akong umilag.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon