Thirty Six

257K 7.4K 1.6K
                                    

(Kindly click the video at the multimedia and off you go enjoy reading this chapter.)

Aaliyah

Napabalikwas ako sa kama, pinakiramdaman ko ang sarili ko. Buti nalang panaginip ulit 'yon---unti unti na naman nanunuyo ang lalamunan ko. Tumayo ako at kinuha ang pitcher na nasa mini table. Naka ilang baso na ako pero andoon pa rin yung uhaw na nararamdaman ko. 

Bumukas ang pinto at dahan dahang pumasok dito si Ash na walang emosyon. Ngayon ko lang napansin na andito pala kami sa penthouse niya---tulad ng nasa panaginip ko.

"Still thirsty Aaliyah?" Wala sa sariling napatango ako. Kulang nalang kasi maubos ko ang tubig na na laman ng pitcher. 

"Come here."

Lumapit ako sa kinaroroonan niya, bigla nalang niya hinawakan ang pisngi ko. Nagtataka akong tumingin sa'kanya pero hindi siya nagsalita, inilipat niya ang kanyang kamay sa leeg ko at dahan dahan niyang inilapit ang leeg niya sa bibig ko. Napaawang ang labi ko sa ginawa niya, a-anong binabalak niya?

"A-Ash..." Nahihirapan akong magsalita, tuyong tuyo na kasi yung lalamunan ko lalo na't inilapit niya ang leeg niya sa harapan ko.

"A-anong ginagawa mo?" Pilit ko siyang inilayo pero ipinulupot niya ang kanyang braso sa bewang ko kaya 'di ako makapalag. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko bago siya nagsalita.

"Drink." 

Nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa sinabi niya, tumawa nalang ako ng pilit kahit na mas lalo sumasakit ang lalamunan ko.

"M-May tubig naman doon." Mas lalo pa niyang inilapit ang leeg niya sa bibig ko kaya inilayo ko ang ulo ko. Para bang pinipiga ulit ang dibdib ko sa 'di malamang dahilan. Nakita ko ang walang ano ano'y pagsugat niya sa kanyang leeg gamit ang razor na nasa tabi. Napasinghap ako sa ginawa niya pero mas napasinghap ako nang makita ko ang napakaraming dugo na dumadaloy sa leeg niya. Wala na akong nagawa nang idikit niya ang leeg niya sa labi ko.

Unti unti akong napalunok hanggang sa namalayan ko nalang na dinidilaan ko ang dugo sa leeg niya, walang ano ano'y kinagat ko 'yon at lahat ng uhaw ko doon ko ibinuhos. Hinawakan ko ang buhok niya habang nakasiksik ang ulo ko sa leeg niya.

Halos masabunutan ko na siya sa higpit ng hawak ko pero hindi siya kumikibo. Hindi ko alam kung ilang minuto na kami sa ganoon posisyon hanggang marinig ko ang pagubo niya. Doon na ako natauhan at naitulak ko siya papalayo sa'kin. Nanginginig ang kamay ko at hindi makapaniwala sa ginawa ko. A-akala ko ba panaginip lahat 'yon, h-hindi---hindi!

"I-I'm sorry!" Mas lumayo pa ako sa'kanya, napahawak ako sa mukha ko at humagulgol. Isiniksik ko ang sarili ko sa gilid nang marinig ko ang yapak niyang papunta sa kinaroroonan ko.

"Stay away from me!" I'm in the state of being hysteric. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa'kin. Akala ko panaginip lang yung nakita ko sa bubog na 'yon at yung---nakapatay na ba ako? N-nakapatay na ako?

I couldn't think straight anymore hanggang sa maramdaman ko na nakakulong na ulit ako sa mga bisig niya. Nagpumiglas ako hanggang sa makakaya ko pero sa sobrang panginginig ng katawan ko hindi na ako nakapaglaban. Muntik pa akong mapaupo sa sahig dahil sa panlalambot ng tuhod ko pero inalalayan niya ako.

"I told you, I don't wan to see you crying." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang mga luha ko. Umakyat ang kamay ko para hawakan ang mga kamay niya na nasa pisngi ko. Tumingin ako sa mata niya kahit na nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha ko.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon