Twenty Three

331K 8.9K 1.6K
                                    

Aaliyah

2 days had passed at nag anunsyo ang school president na kailangan naming mag empake ng mga gamit namin, I don't know exactly the reason is pero isa na naman daw 'tong performance test para sa Arts, there's more pero hindi na ako nakinig. Gusto kong tumalon sa tuwa dahil arts na ang pinag uusapan natin dito pero I can't bear leaving my son here. 

"No, ayokong sumama walang magbabantay sa anak ko." I hissed, pinipilit kasi ako ni Cindy pero ayoko nga, papaano si Ivo? I know there's Cindy pero hindi pa rin ako mapalagay. Screw those activities, I'll be staying here with my son. PERIOD. Seesh.

"Pero kasi---"

"Mama I'm coming with you!" Bigla nalang bumukas ang kwarto ko at doon bumulaga si Ivo na nakaporma at may little bagpack na dala he even winked at us and showing us his trademark smirk. Jusko may pinagmanahan nga naman, alam na. "Baby bakit mas mukha kang ready kaysa kay mommy mo? Ni hindi pa nga nagpapalit si mommy tapos ikaw--infairness y u so gwapo baby? Hihihi." Muntik ko nang mabato si Cindy, ginataang hinayupak ang lagkit ng tingin niya sa anak ko.

"But how baby? Makikita ka nila, strangers are not allowed." I said sadly, bwisit huhu. 

"Mama I asked Rachel to help me so no worries." 

"Anong sabi mo?! Rachel?! How?" 

Bigla namang nagbukas ang main door at iniluwa 'non si Rachel na naka-ayos na rin at may dalang bagpack. Ang lawak lawak ng ngiti niya habang isinasara ang pinto. "Hi baby! How are you?" Bati niya kay Ivo sabay pisil sa pisngi nito. What the eff? Ako lang ba naguguluhan dito?

"Don't worry Aaliyah, I knew it already, remember when I first met you? I held your hand and as I said I can see your past, at ikaw baby bakit ka nasa gym noong may yoga class kami?" Hindi pa nagsi-sink in sa'kin ang unang sinabi ni Rachel pero mas lalo naman akong nagulat sa sinabi niya tungkol kay Ivo. "Kaya ka pala nawala! Hala ka baby lagot ka kay mommy!" Pananakot naman ni Cindy pero sinamaan lang siya ng tingin ni Ivo si Rachel naman napa peace sign nalang.

"Is it true baby?" Dahan dahan siyang lumingon sa'kin saka tumango. "It's because I miss you mom and.." Lumapit siya sa'kin at umupo sa kandungan ko. "I don't want to see Cindy's face, that's the true definition of hell." Tinignan ko ang mukha ni Cindy, mukhang sasabog na yata kaya bago pa sila mag away, agad na pumagitna si Rachel at kinuha si Ivo mula sa'kin. "Guys mauna kami ni baby, doon kami sa sasakyan ko para di halata. Be safe guys bye!" I nodded, kumaway sa'kin si Ivo kaso bigla niyang binelatan si Cindy.

"Be safe too!"

"Humanda ka sa'kin baby kahit gwapo ka!"

****

Since nasa beginner section ako we only have one bus to use kasi medyo konti lang naman kami, tapos yung nasa ibang section ewan ko. Ako yung pinakalate na dumating kaya doon ako sa pinakasulok umupo, buti nalang mag isa ako dito pero kahit na ganon rinig na rinig ko pa rin ang ingay nila hanggang dito sa kinauupuan ko. May nagbabatuhan pa ng kung ano-ano yung iba naman nagbabatuhan ng apoy kaya naman nag tri-trigger yung suot nilang anklet kaya ayon kulang nalang mangisay sila sa pagkakakuryente. Violating rules hays ang titigas nga naman ng ulo, may nakalagay pa namang 'no powers allowed' sign sa harapan.

"Ms. President do the head count, be sure na andito kayong lahat before we go." Nagsisimula nang magsialisan yung ibang bus at kung nagtataka kayo kung asaan si Cindy, ngayon ko lang napagalaman na nasa higher section pala siya, yung bruhang 'yon ngayon lang sinabi sa'kin. "Clear sir, we're all set!" Sigaw ni Ms. President sabay bato sa dalawang unggoy na nagaaway sa front seat.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon