Forty Four

296K 8.1K 1.8K
                                    

Aaliyah

It's been a week already, bukas na ang birthday ni Yvonnie at napagpasyahan naming magcelebrate sa academy. Hindi ko alam kung anong pinagusapan nila ng lola niya pero gusto daw niya mag celebrate doon.

"Mommy!" Napangiti ako nang makita ko si Yvonnie na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko habang si Ivo naman nakahawak ng icing at pilit na hinahabol ang ate niya.

"Ivoooo! Not my face! No! No! No! Aaaah!"

Tuluyan na akong napahagalpak dahil naabutan siya ni Ivo at walang pag aalinlangan niya itong nilagyan ng icing sa magkabilang pisngi niya. Gumanti naman si Yvonnie at nilagyan ng icing ang tuktok ng ilong ni Ivo.

"What the fvck!?"

Oh my...

Pareho kaming natigilan ni Yvonnie at napatulala kay Ivo. Did he just---did he just cuss again?

Kumuha ako ng tissue sa tabi ko at lumapit sa kanilang dalawa. Nauna kong pinunasan si Ivo tapos sunod naman si Yvonnie.

"Baby sabi ko sa'yo masama yan. Huwag mo na uulitin 'yon ha?"

"Mommy's right. Cussing is bad for bubwits like you."

Hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ni Ivo. Inirapan niya kaming dalawa at kinain ang cupcake na pinagkunan niya ng icing kanina.

"Hey don't do that! Bakla ka ba?!"

"Shut up."

Tila ba nainis si Ivo at isinalpak niya ang cupcake sa bunganga ni Yvonnie. Jusko 'tong mga batang 'to. "Tama na yan, kailangan niyo pang magbihis." Ilang oras nalang natitira bago kami babalik doon. Teka asan na ba kasi si Ash? Kanina pa ata siya wala?

"Lola! You're here!"

"Aaliyah hija, ikaw na muna bahala kay Yvonnie ha? Ako na mag aayos kay Ivo."

Tumango ako at ngumiti pero hindi ko maiwasang magtanong kung nasasaan si Ash.

"Uh mom, alam niyo po ba kung na saan si Ash?"

"Nakalimutan kong sabihin, nauna na nga pala siya kanina pa. Sige hija, halika na Ivo."

Ano?

Nauna na siya?

"Mommy, time is running." Napatingin ako kay Yvonnie kaya napaingiti ako at bahagyang napailing. Medyo nadismaya ako sa sinabi ni Mom pero isinawalang bahala ko nalang 'yon at inakay si Yvonnie papunta sa kanyang kwarto. Kumuha ako ng isang puting floral dress at ipinasuot 'yon sa'kanya at itinali ko ulit ang buhok niya.

Sa totoo lang medyo kinakabahan ako, makikita ko ulit si Cindy--si Halei, hindi ko alam kung anong sasabihin o kung anong gagawin ko pag nagkita ulit kami.

Pagkatapos magpalit ni Yvonnie bumalik ulit kami sa kwarto ni Ivo, doon ko kasi inilagay yung mga damit ko na pinamili namin kahapon. Maghahanap sana ako ng susuotin ko nang mapansin kong pinulot ni Yvonnie ang isang pastel na floral dress sa isang kahon.

"Mama you should wear this! Our suit looks so alike!"

Itinabi pa niya ang pinili niyang susuotin ko sa suot niyang bestida, mukhang magkaterno nga. Ngumiti ako at tumango saka kinuha ang damit sa kamay niya. "Honey stay here okay? Magpapalit lang ako saglit." Tumango naman siya bago kumuha ng cookies sa tabi at humilata sa kama. "Okay mommy."

Pumasok ako sa banyo at nagpalit ng damit. Humarap ako sa full length mirror sa tabi at napangiti ako dahil saktong sakto ang dress sa katawan ko at mas lalo pang tumerno ang kulay nito sa buhok at balat ko.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon